PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime at Eat Bulaga!, trending ang pambatong segments

"Step In The Name of Love" ng It's Showtime vs "Gimme 5" ng Eat Bulaga.
by PEP Troika
Published Jun 13, 2025
eat bulaga it's showtime segments
It's Showtime's "Step In The Name of Love" (top) and Eat Bulaga's "Gimme 5" (bottom) are enough reasons why the two noontime shows are still popular among the viewers.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / Eat Bulaga TVJ YouTube

GORGY RULA

Naging trending topic sa social media noong Miyerkules, June 11, 2025, ang It’s Showtime dahil sa pagkikita ng dating magkasintahang sina Dingdong Dantes at Karylle.

Bumisita sa Kapamilya noontime show ang GMA Primetime King, kasama ang co-star na si Charo Santos-Concio, para i-promote ang pelikula nilang Only We Know.

Naging masaya ang episode dahil sa pabirong panlalaglag ni Vice Ganda sa mga co-host niyang nagkasabay-sabay um-absent.

Wala kasi nung araw na yun sina Anne Curtis, Vhong Hilario, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Darren Espanto, at considered ding absent sina MC at Lassy.

Sinakyan pa ni Ma’am Charo ang panlalaglag ni Vice, na ikinatuwa ng mga manonood.

Si Charo ang dating presidente ng ABS-CBN.

Noong June 11 ay nakapagtala ng rating na 6.2% ang It’s Showtime, habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.4%.

Read: Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle sharing stage on It's Showtime

Dingdong Dantes Karylle It's Showtime
Ex-couple Dingdong Dantes (left photo, with Charo Santos) and Karylle (right photo, with Vice Ganda) had a brief interaction in It's Showtime on June 11.
Photo/s: Screengrab from It's Showtime
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BATTLE OF NOONTIME SHOWS

Kinabukasan, June 12, masaya uli ang episode ng It's Showtime dahil nakabalik na sina Vhong at Jhong.

Kuwela ang sumbatan nila dahil kunwari ay ipinagtanggol naman sila ni Vice kay Ma'am Charo.

Mas mataas ang rating ng episode na ito ng It's Showtime, na naka-6.6%, at ang Eat Bulaga! naman ay 3.4% pa rin.

Holiday noong araw na yun kaya halos lahat ng tao ay nasa bahay lang at nanonood ng TV.

Ang sabi ng iba, lalong ikinatutuwa ng mga manonood kapag present si Anne dahil masaya ang okrayan nila ni Vice Ganda.

Ilang araw ring umaapir si Anne, na laging pinag-uusapan online, pero pagdating sa ratings ay ganun pa rin. Hindi naman ito umaabante sa 6%.

Isa siguro sa dahilan ay mas maraming bilang ng manonood ang nasa online platforms na, kaya hindi lang ang TV ang basehan ng lakas ng isang programa.

Pero nakakaaliw subaybayan ang It's Showtime at Eat Bulaga! dahil sa segments na pang-Madlang People at pang-Dabarkads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga matatanda ang madalas na pinaglalaro ng It’s Showtime sa kanilang "Step in the Name of Love" segment.

step in the name of love
"Step In The Name of Love" segment of It's Showtime
Photo/s: It's Showtime Facebook

Halos katapat nito ang "Gimme 5" ng Eat Bulaga!, kung saan mga bata naman ang contestants ngayon.

eat bulaga gimme 5
"Gimme 5" segment of Eat Bulaga!
Photo/s: Eat Bulaga TVJ YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parehong nakakaaliw panoorin ang magkatapat na noontime shows kaya hawak na namin ang remote control sa pagpapalipat-lipat ng istasyon para mapanood ang dalawang nakakaaliw na segments na ito.

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club

NOEL FERRER

Nananatiling mataas ang ratings ng mga afternoon drama ng GMA-7.

Noong Miyerkules, June 11, ay highest ang Mommy Dearest sa tatlong afternoon Kapuso drama.

Ang Prinsesa ng City Jail ay naka-8%.

Ang Mommy Dearest ay 8.3%.

Ang Binibining Marikit ay 7.7%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-4.8%, at ang Red Balloon ay 3.1%.

Ang Family Feud naman ay naka-8.1%.

JUNE 12 AFTERNOON RATINGS

Noong Huwebes, June 12, ay nagpatalbugan ang Prinsesa ng City Jail at Mommy Dearest.

Ang Prinsesa ng City Jail ay naka-8.3%.

Ang Mommy Dearest naman ay 8.4%.

Ang Binibining Marikit ay 7.3%.

Medyo tumaas ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-5.1%. Si Ruffa Gutierrez ang guest ni Kuya Boy sa araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Red Balloon na naka-3.4%, at ang Family Feud naman ay 7.5%.

Nakahanda na ang mga afternoon drama na My Father’s Wife, Cruz vs. Cruz, at Akusada na ipapalit sa Prinsesa ng City Jail, Mommy Dearest, at Binibining Marikit.

Read: Miracle lone survivor in India plane crash recalls ordeal

JERRY OLEA

Ngayong Friday the 13th ang finale episode ng Lolong: Pangil ng Maynila ni Ruru Madrid.

Pataas na ito nang pataas sa ratings, kaya tingnan natin kung tatalunin ba ng Lolong ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Noong Huwebes, June 12, ay naka-10.3%, ang Lolong, at ang Batang Quiapo naman ay 12.1%.

Malapit na ring matapos ang Mga Batang Riles na naka-8.6% nung gabing yun, at ang katapat nitong Incognito ay 7.9%.

Tingnan natin kung ano ang magiging kapalaran ng Sang’gre, Sanggang Dikit, at Beauty Empire na papalit sa Kapuso primetime shows.

Read: Gabby Eigenmann, may opinyon sa pagpu-post ng mukha ng celebrity kids sa social media

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime's "Step In The Name of Love" (top) and Eat Bulaga's "Gimme 5" (bottom) are enough reasons why the two noontime shows are still popular among the viewers.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / Eat Bulaga TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results