PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban, success ang theater debut; sold-out show

Angelica Panganiban-Homan na nga ba ang gagamitin niyang screen name?
by PEP Troika
Published Jun 15, 2025
Angelica Panganiban-Homan headlines Don't Meow for Me, Catriona at VLF XX: Hinog
Angelica Panganiban, who is billed as Angelica Panganiban-Homan, appears in Don't Meow for Me, Catriona of the Virgin Lab Fest XX: Hinog.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sold-out ang unang pagtatanghal ng Set D: May Asim Pa sa Virgin Lab Fest XX Hinog noong Hunyo 14, 2025, Sabado ng hapon, sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez ( CCP Black Box Theater), Pasay City.

Ito ay dahil kay Angelica Panganiban-Homan, na tampok sa Don’t Meow For Me, Catriona, isa sa tatlong dula under Set D.

VLF XX Hinog's Set D: May Asim Pa
The plays featured by Virgin Lab Fest XX Hinog's Set D: May Asim Pa are Anniversary, Mommy G, and Don'r Cry for Me, Catriona
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA PANGANIBAN ON THEATER DEBUT

Ano ang nagustuhan ni Angelica sa nasabing one-act play?

"Siguro yung relationship nung mother and daughter…and since maaga ring nawala sa akin ang mama ko, hindi kasi ako nagkaroon ng chance na maalagaan siya.”

Pumanaw ang Mommy Annabelle ni Angelica noong August 20, 2024.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng aktres: “Ahhh, so para akong… ewan ko, parang biglang may kumausap sa akin na biglang naging malapit, alam mo yun, kahit na hindi malapit.

"So, ayun, para akong naka-relate kahit hindi naman.”

Dalawa lang sila ni Peewee O’Hara na karakter sa dulang Don’t Meow For Me, Catriona, na ang setting ay isang bus terminal na biyaheng Bicol noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang tinutukoy na Catriona sa title ay isang pusa.

Noong 2021 pa ang huling pag-arte ni Angelica.

First time niyang mag-teatro sa Don’t Meow For Me, Catriona. Parang may gigil siya na gustong ilabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ang aktres, “Oo, mga pent-up emotions!”

Kumusta ang unang salang niya sa teatro?

“Well, nakakabilib yung ano, yung commitment talaga ng mga theater actors,” saad ni Angelica.

“Kapag pinapanood ko sila, nakikita ko sila, and sa dami nung mga natutunan ko, yung professionalism na meron sila, isa yun sa mga sana ay talagang ma-impart natin pagdating pa sa TV naman and sa pelikula.”

ANGELICA PANGANIBAN ON HUSBAND, DAUGHTER

Paano niya nabalanse ang pagre-rehearse sa play at pagiging nanay sa two-year-old daughter na si Amila Sabine, a.k.a. Bean?

“Medyo puspusan talaga yung rehearsal. Talagang umuuwi ako na hindi na ako makapagsalita,” pagtatapat ni Angelica.

“Parang wala nang lakas yung panga kong magsalita. Pero ano naman, na-build naman din yung stamina eventually.

“Parang nung una, iniisip ko, paano yun? Two shows? Puwede ba yun?

"Pero since minsan sa loob ng isang araw, apat na beses mo ulit-ulitin.

“So, parang ano naman, may naitutulong naman talaga yung mga rehearsals.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And yung pag-manage ng time, siyempre, lumalaki na rin yung bata, e. Hindi na rin naman siya parang nagbe-breastfeed pa hanggang ngayon.

“Nakakausap mo nang maayos. Medyo nakikinig na kahit medyo mahirap pakiusapan.”

Angelica Panganiban-Homan makes theater debut in Don't Meow for Me, Catriona
Angelica Panganiban-Homan makes theater debut in Don't Meow for Me, Catriona.
Photo/s: Jerry Olea

Ano ang reaksiyon ng husband niyang si Gregg nang mapanood siya sa technical dress rehearsal last week?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangiti si Angelica: “Siyempre, super proud! Alam naman niya kung gaano ako kakabado.

“Kaya ano rin siya, talagang masaya na naitawid ko yung dress rehearsal na hindi ako nagkamali, wala akong nakalimutang linya.

“Yun lang naman yung mga kinakakaba ko noon.”

Kumusta ang buhay may-asawa so far?

“Masaya naman. Parang may kasama lagi sa bahay na best friend mo, di ba? Para kayong naglalaro,” say ni Angelica.

“Aso’t pusa. Minsan nag-aaway pero masaya.”

Sa Setyembre ay three years old na si Bean, susundan na ba nila ito?

“Sandali lang! Kababalik ko pa lang! Sandali lang, wait lang!”

NOEL FERRER

ANGELICA PANGANIBAN ON USING ANGELICA PANGANIBAN-HOMAN

Parang hindi first timer si Angelica Panganiban-Homan sa stage. Ang galing niya! Hindi siya nilamon ni Peewee O’Hara na beterana sa entablado. Nakipagsabayan siya!

“Kinapalan ko lang talaga yung mukha ko. Nilamon ko lang lahat nung kaba!” bulalas ni Angelica.

“Ginamit ko lang lahat ng kaba para hindi ako manigas dun sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"‘Diyan ka lang muna, huwag ka munang magpapakita, kaba.’”

Ano ang natutunan niya kay Peewee?

“Hay naku! Si Tita Peewee, grabe niya ako i-training. As in talagang minsan, sasabak na lang kami sa stage, tatanungin niya ako tungkol sa mga linya niya,” sabi ni Angelica.

“Tapos ako talaga yung, ‘Tita, seryoso ka ba?’ ‘Oo nga! Ano nga yung linya ko dun, pag nandun na ako sa puwesto na yun?’

“Diyos ko! Grabe talaga yung panic ko, iisipin ko talaga yung linya niya.

“Ang natutunan ko kay Tita Peewee, i-memorize din yung linya ng kaeksena mo! Hahahaha.

“Sinusubukan niya ako, e. I guess, sobrang importante yun, kasi pagka nakalimutan siyempre nung co-actor mo, di ba, kaya mo siyang saluhin.”

Sa poster ng Don’t Meow For Me, Catriona ay Angelica Panganiban-Homan ang nakalagay. Hypenated!

Read: PBB viewers gush over Shuvee Etrata and rumored boyfriend Anthony Constantino

Don't Meow for me, Catriona stars Angelica Panganiban-Homan and Peewee O'Hara
Don't Meow for me, Catriona stars Angelica Panganiban-Homan and Peewee O'Hara.
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagulat nga ako, walang nagtanong sa akin, e, na ganun.”

Official na iyon? Iyon na ba talaga ang gagamitin niyang screen name?

“No, actually, wala. Hindi yun, wala yun sa plano. Nagulat lang ako na nilagay nila yun,” paglilinaw ni Angelica.

“Baka lang… hindi lang talaga siya napag-usapan. Uhm, baka lang malito ang mga tao, di ba?

“So, baka mas maganda pa rin kung saan talaga ako nakilala. Hindi naman din maselan yung asawa ko na dapat yun na ang pangalan ko. Wala naman kaming ganun.”

JERRY OLEA

ANGELICA PANGANIBAN ON SHOWBIZ COMEBACK

Ano ang puwedeng magbunsod para bumalik siya sa pag-arte sa TV o pelikula?

“Ever since naman, very material-driven akong artista, e. So, material lang talaga yung hinihintay ko,” sagot ni Angelica.

May offers daw sa kanya noon pa man para mag-comeback siya sa screen.

“Parang kumbaga for me ngayon, literal na yung motto, nagre-reflect sa akin na, ‘Time is gold.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun talagang… di ba? Mas gusto kong i-spend yung time ko kasama yung asawa’t anak ko, kesa may gawin ako, isang bagay na half-hearted ko lang siyang ginagawa.”

Mas okay na pelikula ang gawin niya na mabilis matapos kesa regular TV series na matagalan?

“Depende talaga ang ano, or halimbawa, naubos na talaga yung ipon ko, e, di makikita niyo na lang ako sa teleserye,” sambit ni Angelica.

Sumailalim si Angelica sa hip surgery dahil sa avascular necrosis. Okay na talaga ngayon ang hips niya.

“Siyempre kailangan, ingatan mo talaga yung health mo, di ba, lalo na ngayon, tumatanda na tayo,” lahad ni Angelica.

Read: Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery

“Tapos yung mga mahal natin sa buhay, tumatanda na rin. Yung mga magulang natin, di ba?

“Parang ahhh!!! Mahirap pala pag may ininda ka. Mahirap pag nawalan ka na ng mahal sa buhay.

“O, minsan ikaw yung nauna. Parang papaano naman yung mga maiiwan mo? So, ingat-ingat lang talaga sa kalusugan. Alaga, mas alaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban, who is billed as Angelica Panganiban-Homan, appears in Don't Meow for Me, Catriona of the Virgin Lab Fest XX: Hinog.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results