PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Paulo Calma, walang inhibition kahit sa teatro

Juan Paulo Calma: "Puwede naman po akong mag-all out."
by PEP Troika
Published Jun 16, 2025
juan paulo calma walong libong piso
Juan Paulo Calma is one of the alternates in the psychological play Walong Libong Piso.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tatlong beses nang nag-frontal nudity sa pelikula si Juan Paulo Calma — sa La Traidora (2022), Ang Bangkay (2022), at sa hindi pa naipapalabas na Buskay ng AQ Prime.

Ka-partner niya sa Buskay si Krista Miller. Sa Hiligaynon, ang ibig sabihin ng buskay ay “shell.”

“Umikot po ang story ng movie sa isang dayuhan na namataan namin sa dalampasigan,” sabi ni Juan Paulo nang makatsikahan ng PEP Troika sa mediacon ng dulang Walong Libong Piso noong Hunyo 6, 2025, Biyernes, sa Manila Hotel.

Read: Virgin Lab Fest XX: Hinog sa Sex, Religion, at Politics

ALL FOR ONE, ONE FOR ALL

Sa psychological play naman na Walong Libong Piso na isinulat at idinirek ni Dante Balboa, merong eksena ng pagsa-shower, macho dancing, at masturbation.

Kaya ba niyang gawin ang daring scenes na ito sa entablado?

“Depende po kasi yan kay Direk. Kasi, ang layunin po nung direktor ng Walong Libong Piso, lahat po kami, kung ano po yung [gagawin] ng isa, ganun din ang gagawin ng iba,” sabi ni Juan Paulo.

“Wala po kaming lamangan dito. So, ang inaano po namin, kung hihingin po nung direktor or kung ano po ang kaya ng artist po.

“Dahil wala naman po akong inihibition. Puwede naman po akong mag-all out. Ang inaano ko po, yung mga ka-alternate ko, kung ano yung kaya nila.”

Ka-alternate ni Juan Paulo sa Walong Libong Piso sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, at Drei Arias na pawang nag-frontal nudity na sa pelikula.

Si Paolo sa Lockdown (2021); si Jhon Mark sa Sisid Marino (2024); at si Drei sa Don Filipo (2021), Bingwit (2022), at Baka Sakali (2023).

Sa Agosto nakatakdang itanghal ang Walong Libong Piso na prinodyus ni Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions.

Ang line producer ay si Dennis Evangelista.

Read: Frontal nudity sa stage plays, emerging trend?

walong libong piso cast
Walong Libong Piso alteranates: (from left) Juan Paulo Calma, Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, and Drei Arias.

NOEL FERRER

Kagaya ni Jhon Mark, isa si Juan Paulo sa members ng all-male group na Magic Voyz na mina-manage ni Lito de Guzman.

Nagwagi si Juan Paulo sa bikini contest na Man of Steel 2024, kung saan Superman ang kanyang superhero costume.

Ang preliminary competion ng Man of Steel 2025 ay gaganapin sa Hunyo 20, Biyernes ng gabi, samantalang ang grand finals ay sa Hunyo 27.

Ang venue ay parehong sa Rampa Drag Club, 27 Morato Ave. Ext., Brgy. South Triangle, Quezon City, malapit sa Karma Lounge.

juan paulo calma man of steel

Kabilang sa mga pelikula ni Juan Paulo sa VMX (dating Vivamax) ang Sisid Marino, Kiskisan, Donselya, at Pintor at Paraluman.

Ang bagong VMX movie niya ay 69 kasama sina Queenie de Mesa, Aliya Raymundo, Ashley Lopez, at Mhack Morales, sa direksiyon ni Roe Pajemna.

Wala pang petsa kung kailan ang streaming nito.

Read: Paolo Gumabao, daring sa unang sabak niya sa teatro

GORGY RULA

Ano ang natutunan niya so far sa dulang Walong Libong Piso?

Sagot ni Juan Paulo Calma, “Ako po siguro, ang natutunan ko dito sa play na ito, dahil magkakaiba nga po kami ng siguro pag-interpret sa play, then ang sa akin lang po, do not trust nga sa nakilala mo lang.

“And sino nga ba din talaga yung nabiktima dito? Dahil kung ako, e, iaano ko yun as a play… pera-pera po yun, that time, kung sakali. Dahil po may usapang pera ito.

“Pero as a man siguro, kasi nakalakihan din po natin yan, lalo na ngayon, dahil maano po tayo sa social media.

“Ang pinakaano ko lang po dito, ay hindi na po mamamatay yung sa social media kung ano po yung nagawa natin.

“Kaya kailangan po nating maging maingat sa mga kung sino po ang nakakausap natin.”

Read: Jhon Mark Marcia, ipapakita "lahat" sa unang sabak sa teatro

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Paulo Calma is one of the alternates in the psychological play Walong Libong Piso.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results