JERRY OLEA
Lesbian ang karakter ni Bibeth Orteza sa dulang Anniversary na kabilang sa Set D — May Asim Pa ng Virgin Lab Fest XX: Hinog.
Sa totoong buhay, meron ba siyang lesbian experience?
Read: Former actor-singer Cocoy Laurel dies at 72
“Ay! Wala!” mabilis na tugon ni Bibeth sa eksklusibong tsikahan with PEP Troika matapos ang first performance sa one-act play na Anniversary noong Hunyo 14, 2025, Sabado ng hapon, sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez, Pasay City.
“Ito nga, sabi sa akin ni Susan Tagle, yung manager ni FPJ. Meron kaming friend na nag-out na.
“Sabi ko, ‘Alam mo, noong college ako, hindi ako nagkaroon ng same-sex experience. Walang lumigaw sa akin.’
“Sabi nung gagong Susan, ‘Ahh e kasi, Kuya, iniintay nilang ikaw ang manligaw!’
“Si Mercy Lejarde nga, nung kinasal ako, ‘Girl ka pala?! Alam mo, noong araw, akala ko, boy ka!’
“In-explain ko kay Mercy, tawa nga nang tawa si Baby K. [Jimenez].
"Sabi ko, kasi, nung araw, karamihan ng activists of my generation, kung saan kami abutin ng curfew, doon kami natutulog, e.
“Kaya kailangan, ang galawan namin, medyo masculine. Halimbawa, gumagawa kami ng sets para sa play namin. Doon kami sa UP nagpipintura.
“Tapos aabutan kami ng curfew. Mapipilitan kaming pumunta sa bahay na malapit, doon kami natutulog.
“E, paano naman kung lalamya-lamya ka? Hindi puwede. So, talagang astang-siga kami.”
Read: Cesar Montano happy for ex-wife Sunshine Cruz and Atong Ang
BIBETH ORTEZA ON WORKING WITH TWO GENERATIONS OF ACTORS
Co-star ni Bibeth sa dulang Anniversary si Jamie Wilson. Puring-puri niya ang kahusayan nito.

“Ang sarap nung rehearsal period namin. Kasi it was easy to handle dahil dalawa lang kaming artista,” pagsisiwalat ni Bibeth.
“At saka si Jamie naman, nakatrabaho ko na, ilang beses na.
“Nung ginagawa namin ang Voltes V: Legacy, inaasar ako ni Gabby Eigenmann, ni Jamie Wilson, at ni Epy Quizon.
“Sabi ko, ‘Ako, tigilan niyo ako, ha?! Ang mga tatay niyo, nakatrabaho ko! Hindi ako ginaganyan. Mas grabe kayo!’”
Si Gabby ay anak ni Mark Gil.
Si Jamie ay anak ni Johnny Wilson.
At si Epy ay anak ni Dolphy.
Pawang sumakabilang buhay na ang mga ama ng tatlong aktor.
Pagpapatuloy ni Bibeth, “At least, natutuwa naman ako na nagawa ko ito at OK yung memory ko at my age. Because I’m really 71.
“Tapos ang ginagawa ko kasing teknik when I do a play, a long play, ganyan-ganyan… mahaba ang dialogue, gaya nung Nana Rosa, saka ito. Maski yung play na ginawa ko sa Singapore.
“Nakalatag yung dalawang script sa computer ko. Yung isa, kumpleto. Yung isang version, lahat ng lines ng character ko, wala.
“Habang nagpapraktis ako, tina-type ko yung dialogue ko, because it makes it easier for me to memorize na ang feeling ko, kumbaga, ako ang sumulat kunyari.
“Kaya nare-remember ko. Tapos, ang ginagawa ko, halimbawa pag ang play is in English onstage, I think in English.
“Tapos pag ang play, Tagalog… Tagalog din akong mag-isip. Para mas madali sa memory.”
Read: Virgin Lab Fest XX: Hinog sa Sex, Religion, at Politics
NOEL FERRER
Sold out ang dalawang pagtatanghal ng Set D — May Asim Pa noong Sabado.
Ang dalawa pang dula sa Set D ay Don’t Meow For Me, Catriona nina Peewee O’Hara at Angelica Panganiban-Homan, at Mommy G na pinangunahan ni Sherry Lara.
“Malakas ang Angelica Panganiban factor diyan!” bulalas ni Bibeth Orteza.
“Isipin mo, yung Set D, tatlong gurang ang andoon, e. Pinag-uusapan nga namin ni Peewee, 'Ano ba ang gusto natin — May Asim Pa, o May Alat Pa rin?'”

Napanood ni Bibeth ang Mommy G, at tawa siya nang tawa. Keri ba niyang gampanan ang karakter ng 65-anyos na si Mommy G?
“Kakayanin ko!”
Actually, kakayanin din ni Peewee na mag-Mommy G.
Keri rin nina Peewee at Sherry na gumanap bilang pushy lola na tomboy.
Needless to say, kaya rin nina Sherry at Bibeth na maging nanay ni Angelica.
Interchangeable ang tatlong beterana!
Tumango si Bibeth: “Oo, at saka it helps na OK ang relasyon talaga naming tatlo. Like si Sherry Lara, halimbawa, kaibigang-kaibigan yan ng Tita Irma na kapatid ni Armida [Siguion-Reyna].
“And then nung year na namatay ang mother-in-law ko, si Sherry Lara was in Coriolano directed by Carlitos [Siguion-Reyna, Bibeth's husband].
“Nung first night ng burol ng mommy, pagdating ko sa Heritage [Memorial Park], andoon si Sherry.
“Sabi ko, ‘Sherry, ba’t andito ka? Di ba, nag-rehearsal ka kanina? Di ka ba pagod?’
“Sabi ni Sherry, ‘Pambihira ka naman! Yung direktor nga niyan, anak nung namatay, nag-rehearse kanina. Siyempre, dadaan naman ako. Asan siya?’
“Sabi ko, ‘Nagbihis lang. Nasa bahay pa.’”
Nainggit ba siya kay Sherry dahil sa mga bonggang eksena nito sa Mommy G?
“Tawang-tawa ako. Katabi ko pa noon si Joel Saracho, tawang-tawa rin. Hagikhikan talaga, e!” sambit ni Bibeth.
Read: PBB viewers gush over Shuvee Etrata and rumored boyfriend Anthony Constantino

GORGY RULA
First time ni Bibeth Orteza umakting sa Virgin Lab Fest.
Pero sa VLF 17 three years ago ay tampok ang dulang isinulat niya — Bituing Marikit na idinirek ng husband niyang si Carlitos Siguion-Reyna.
Pagtatapat ni Bibeth: “Nami-miss ko talaga si Ricky Davao. Pinapanood niya lahat ng play ko.
“Si Ricky, pag nanonood ng play, parang bata. Ano yun, e, grabe yun. Meron yung ginawang play noong araw, silang dalawa ni Bembol [Roco].”
Ang tinutukoy ni Bibeth ay ang 1984 stage play na Lihis, na Tagalog adaptation ng 1979 stage play na Bent.
Pagpapatuloy ni Bibeth: “Isang beses lang ako sumama sa rehearsal. Nasa isang kotse kami. Akalain mo, nagpalitan ng joint sa kotse.
“Nahuli kami ng Metrocom. Napresinto kami.
"Sabi ng isang kaibigan ko, ‘Tawagan mo si Armida! Di ba, she’s your friend? Tawagan mo si Armida para mailabas tayo rito!’
“Ay! Buti na lang at hindi ko tinawagan. At magiging biyenan ko pala!”
Ikalawang linggo ng Virgin Lab Fest XX ngayong Hunyo 18, Miyerkules, hanggang Hunyo 22, Linggo.
Ang ikatlo’t huling linggo ng theaterfest na ito ay sa Hunyo 25-29.
Read: Fifth Solomon says he had mental breakdown due to online bullying
