GORGY RULA
Naging emotional ang karamihan sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang’gre nang humarap sila sa media conference noong June 8, 2025, Linggo.
Naunang umiyak ang character actress na si Cheska Iñigo.
Nagpasalamat siya sa GMA-7 dahil naging bahagi siya ng fantasy series na ito mula Encantadia (2005) hanggang dito sa Sang’gre (2025).
Garalgal din ang boses ni Glaiza de Castro nang magbigay ng mensahe.
Nagpasalamat siya sa lahat ng bumubuo ng Encantadia, lalo na ang mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.
Read: Former actor-singer Cocoy Laurel dies at 72
Sabi ni Glaiza: “Ang dami ko po kasing eksena na kasama sila. Kaya nakakatuwa na finally ay nakita niyo na sila at makikita niyo na po yung pinaghirapan ng lahat.”
Nahawa rin si Sanya Lopez kaya naiyak na rin siya habang nagsasalita.
Madamdamin niyang pahayag: “Maraming salamat po, kasi kung hindi dahil sa Encantadia, baka wala po ako dito.
"Maraming salamat po sa lahat ng bumuo ng Encantadia, sa lahat po ng magaganda ninyong naisulat, kuwentong naibigay natin sa mga manonood, sa saya, sa inspirasyon na ibinigay natin sa kanila. Nandito lang kami para gampanan yun.”
GABBY EIGENMANN ON BIANCA UMALI
Pagkatapos ng mediacon, namataan ng PEP Troika na mahigpit na nagyakap sina Gabby Eigenmann at Bianca Umali.
Naluha si Bianca sa sinabi sa kanya ni Gabby.
Tinanong namin si Gabby kung ano ang sinabi niyang naging dahilan ng pag-iyak ng aktres.
Ayon sa Kapuso actor: “Sabi ko, 'Iiyak ka. Pag umiyak ka, babayaran mo ako PHP10K. Pag hindi ka umiyak, bayaran kita PHP10K!'
“Hindi! Hindi! All joke… but kidding aside, sinabihan ko lang talaga na, 'This is it!' Parang… they deserve what’s happening.”
Sabi pa ni Gabby, kaya ganun na lang ang nararamdaman nilang lahat ay dahil sa dami ng pinagdaanan nilang hirap sa loob ng dalawang taong taping.
Naiyak daw si Bianca dahil sobrang nag-aalala ito kung ano ang kahihinatnan ng career niya sa seryeng ito.
Saad ni Gabby: “Siyempre, kasi laging nire-ready na two years, two years.
"Feeling niya na-stall yung kanyang karera ng dalawang taon, dahil hindi mo naman puwede ma-post yung mga ginagawa mo dito sa Sang’gre, e.
“So, ngayon at ilalabas na siya, she’s very excited. Kasi yung pressure dahil… siyempre siya yung… si Terra e. Siya yung next na magiging ano, e, reyna ng Encantadia, e. Alam mo yun?
“So, hindi mo alam kung paano yung itatahak niyang journey, e. So, the task that was given to her is mahirap, mahirap.
“Hindi lang naman siya, e. Sa lahat. Kaya yung yakap ko sa kanya, sabi ko, ‘This is it!’ Alam mo yun?
“Ahhh, ‘You deserve to be happy. You deserve to cry, you deserve to rest, and you deserve this.'”
Ang tindi rin ng promo ng buong cast ng Sang’gre dahil ang taas ng expectations sa fantaseryeng ito.
Abangan natin iyan ngayong June 16, Lunes ng 8:00 P.M., sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.
Read: Gabby Eigenmann on celebs posting their kids on social media

NOEL FERRER
Naging close daw si Gabby Eigenmann sa lahat na mga kasamahan niya sa Sang’gre, at parang siya ang kuya ng mga kabataang bida rito.
“Sabi ko nga, natutuwa ako kasi nakatrabaho ko sila, e, halos lahat. Halos lahat nakatrabaho ko na,” sabi ni Gabby.
“Nung nag-lock-in kami, e, magkakasama kami sa isang kuwarto, mga boys — sina Luis [Hontiveros], sina Kelvin [Miranda].
“So, dun ko lang na-realize na si Kelvin, e, he’s introvert. And he’s trying his best when he faces a lot of people, he’s trying to be in the middle na ambivert.
“Kasi pag extrovert yan, makita mo, madaldal yan. Hindi, e. Introvert talaga.
"Ngayon ko lang naintindihan, nung nagkasama kami sa isang kuwarto, 'Ah, okay.'
“He’s a very deep guy, may mga angst din sa buhay, madami-dami.”
Napayakap din si Gabby sa retired executive ng GMA-7 na si Lilybeth G. Rasonable na dumalo sa mediacon.
Bilang kuya ng mga kabataang bida ng Sang’gre, nahirapan daw siya na parang sounding board siya ng mga ito.
“Nakakapagod din! Niyakap ko nga si LGR kanina.
"They need a sounding board pala ang mga ito. Kasi, ‘Kuya Gab ganito, Kuya Gab ganito.'
“Para na lang ako magbubukas ng clinic, e! Alam mo yun?
“Pero hindi ako napapagod kasi natutuwa ako,” napapangiti niyang pahayag.
Read: Gabby Eigenmann, inalala ang mga pumanaw na mahal sa buhay
JERRY OLEA
Baka nakikita ng iba na mas close si Gabby Eigenmann kay Bianca Umali.
Nilinaw ng aktor na malapit naman daw siya sa lahat na nakakatrabaho niya roon.
“Each and every one of them, they deserve this kind of project. Kasi nakikita mo yung dedication nila. Close kasi ako sa apat e,” sabi ni Gabby.
“I’m not choosing one, but kami ni Bianca, we call each other’s soulmate, e. Kasi we have the same birthday, we love the same food.
“Pero I wanna be fair with everyone, kasi lahat may kakayahan para mag-shine dito sa show na ito, e.
“Ako, natutuwa ako kasi… kahit tanungin mo sila, dyusko, they would always ask advice, and I’m not selfish.
“Pag may problema yan, kunyari, 'Kuya, ganito. Kuya Gab, ganito…' Kasi mahirap yung ginagawa namin, it’s no joke,” dagdag ni Gabby.
SANG'GRE VS BATANG QUIAPO
Tingnan natin kung makakaungos ang Gen-Z Sang’gre sa FPJ’s Batang Quiapo.
Aba! Ngayong Lunes ng gabi, babalot ang panganib sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) dahil sa masamang plano ng mga Guerrero!
Abangan iyan mamayang 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, at TV5.
Mapapanood din ito sa iWantTFC at TFC.
Siyang pala, naglabas ng public advisory ang Dreamscape Entertainment ngayong Monday afternoon sa social media kaugnay sa fake auditions para sa FPJ’s Batang Quiapo.
Ayon sa Dreamscape Entertainment:

Read: Ina ni Zeinab Harake, "banned" sa wedding nila ni Bobby Ray Parks Jr.?
