GORGY RULA
Eto na!
Naglalabasan na sa social media ang nawaldas na pera umano para maisalba ang mga paborito nating housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Isa ako sa gumagastos sa Maya para makaboto sa niru-root kong housemates.
Pero tumigil na ako ngayon dahil napagtanto ko kung may saysay ba itong paglalabas ko ng pera para lang maisalba sila. Bakit?!
Read: ShuKla named sixth duo evictee in PBB Celebrity Collab
Kaya nang may lumabas na balitang milyun-milyon umano ang inilabas na pera ng supporters ng isang duo, naniniwala ako talaga riyan.
Kung maiipon ang boto ng supporters ng isang duo, pwede talagang umabot ng milyon.
Pero kung isang team lang o sponsor ang naglalabas ng milyon para maisalba ang isang duo, teka lang.
Makatarungan pa ba yan?
SPONSORSHIP OFFER?
Iyan ang himutok ng nanay ng isang housemate nang ma-evict ang kanyang anak.
Nang nagkaroon ng wildcard edition, may mga lumapit daw sa nanay ng housemate na gustong mag-sponsor para makabalik ang na-evict na housemate sa Bahay ni Kuya.
Hindi raw ito tinanggap ng nanay ng housemate.
Nahihiya raw siyang gumastos nang malaki ang supporters para lang makabalik sa PBB house ang anak niya.
Hindi na raw nila kinarir ang paghingi ng boto dahil alam nilang mapapagastos lang sila.
Kung papalarin ang evicted housemate na makabalik sa Bahay Ni Kuya, sa tingin daw ng nanay ay idinaan na ito sa panalangin sa Diyos.
Nababalitaan daw kasi nilang gumagastos talaga ng milyon ang pamilya at supporters ng ibang housemates para makabalik at maituloy ang kanilang PBB journey.
Kaya sa nakikita natin, tiyak na malaki ang pumapasok na pera sa PBB dahil sa online voting.
Hindi pa kasama riyan ang napakaraming sponsors na nakikita naman natin sa loob ng PBB house.
Ganoon na talaga. Wala tayong magagawa riyan. Alangan namang magpakalugi sila?
Kung nasusubaybayan ninyo ang huling episodes ng PBB, meron silang ibibigay sa mga beneficiary ng napiling charitable institutions ng housemates.
Pero gasino lang iyan sa laki ng kinikita ng reality show na sikat na sikat ngayon.
Read: Ralph de Leon-Will Ashley first Final Duo of PBB Celebrity Collab
NOEL FERRER
Akala ko, magla-last si Klarisse de Guzman until the Big Night, pero mukhang kinapos ang kanyang suporta sa mga boto.
Baka mas magandang gamitin na lang ang resources na pambili ng boto sa gaganaping concert ni Klarisse na ipo-produce daw ni Vice Ganda.
Oo nga, ano, dito pa lang sa mechanics na ganito ng reality shows nakaugat ang talamak na paglalabas ng pera para iboto ka.
Kaya ba sanay na sanay na at parang normal na itong kalakaran para sa ating mga Pinoy?
Oh well, ginusto ninyo iyan at nagpasaloob kayo sa ganyang sistema, so tanggapin na ang magiging epekto nito.
With Klarisse and Shuvee Etrata gone and evicted sa Bahay ni Kuya, sino na ang bet ninyong duo na manalo?
Gagastusan ba ninyo ito? (Up to what extent, aber?)
Hindi na ba talaga pagpapakatotoo at galing sa tasks ang labanan ngayon kundi paramihan ng pondo at pera?
Read: Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB
JERRY OLEA
Ang biruin nga, PBB… Paldo Big Brother!
Maski naman sa nakaraang dalawang edisyon ng PBB ay bongga ang gastusan para maging big winner si Anji Salvacion sa PBB Kumunity Season 10, at si Fyang Smith sa PBB Gen 11.
“Kahit may BBE votes [vote to evict] kay Anji ay siya pa rin ang nagwagi,” paalala ng isang kaibigang vlogger.
Sa final eviction ng PBB Celebrity Collab ay masusubukan ang powers ng content creator na si Esnyr Ranollo. Siya na lang kasi sa housemates ang hindi pa nano-nominate.
E, sa huling laban, lahat ng duo ay nominado.
Abang-abang tayo kung gaano kahaba ang pisi ng AZver (AZ Martinez-River Joseph) at DusBi (Dustin Yu-Bianca de Vera) duos.
Kakayanin kaya ng RaWi (Ralph de Leon-Will Ashley), BreKa (Brent Manalo-Mika Salamanca), at ChaRes (Charlie Fleming-Esnyr) ang lakas sa botohan ng AZVer at DusBi?
Matira ang matibay, ika nga!
At the end of the reality show, ang biggest winner of all ay walang iba kundi si Kuya!!!
Read: PBB Celebrity Collab Final Duos: Mika-Brent, AZ-River, Charlie-Esnyr
