JERRY OLEA
Nasa ikalawang linggo na ang Virgin Lab Fest XX: Hinog ngayong Hunyo 18, Miyerkules hanggang Hunyo 22, 2025, Linggo sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez, Pasay City.
Tampok dito ang labinlimang one-act play, na grinupu-grupo sa limang set na may tigtatatlong dula.
Mga bago (untried, untested, unstaged) ang 12 dula mula Set A hanggang Set D, samantalang revisited iyong Set E (galing sa VLF 2024).
Tinawag ang mga kumpul-kumpol na dula bilang…
Set A — Bubot: Ang Bata Kag Ang Ilaga, Takbo, Batang Tondo, Polar Coordinates
Set B — Manibalang: Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, Unang Araw, Presidential Suite #2
Set C — Kinalburo: Mga Magindara sa Siyudad, The Late Mr. Real, Ang Problema sa Trolley
Set D — May Asim Pa: Anniversary, Don’t Meow For Me, Catriona, Mommy G
Set E — Panghimagas: Identite, Pagkapit sa Hangin, Sa Babaeng Lahat
Read: Virgin Lab Fest XX: Hinog sa Sex, Religion, at Politics
15 THOUGHT-PROVOKING PLAYS
Magkakaiba ang 15 thought-provoking plays na mga iyan, pero meron ding mga pagkakapareho.
Tigdadalawa ng tauhan ang Mga Magindara sa Siyudad (Raf Pineda, Donna Cariaga), The Late Mister Real (Roi Calilong, She Maala), Anniversary (Jamie Wilson, Bibeth Orteza), Don’t Meow For Me, Catriona (Peewee O’Hara, Angelica Panganiban-Homan), at Identite (Ash Nicanor, Kitsi Pagaspas).

Tigtatlo ng artista ang Ang Problema sa Trolley (Mario Magallona, Joshua Tayco, James Lanante) at Sa Babaeng Lahat (Jam Binay, Francesca de la Cruz, Yani Lopez).
May konek sa Bicol ang Mga Magindara sa Siyudad, Don’t Meow For Me, Catriona, at Mommy G.
Swak sa Father’s Day ang daddy issues sa Polar Coordinates, The Late Mr. Real, Ang Problema sa Trolley, at Sa Babaeng Lahat.

Dinalirot ang mommy issues sa Ang Bata Kag Ang Ilaga, Presidential Suite #2, Don’t Meow For Me, Catriona, Mommy G, at Identite.
Kaugnay sa Gay Pride ang LGBTQIA+ issues sa Takbo, Batang Tondo, Polar Coordinates, Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, Mga Magindara sa Siyudad, Anniversary, Mommy G, at Sa Babaeng Lahat.
May bahid din ang Presidential Suite #2 at Ang Problema sa Trolley.
May usapan kaugnay sa suicide ang The Late Mr. Real, Ang Problema sa Trolley, Anniversary, at Mommy G.
May maselang talakayan o lengguwahe kaugnay sa sex sa Polar Coordinates, Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, Ang Problema sa Trolley, Mommy G, Identite, at Sa Babaeng Lahat.

Nakakakilig ang kissing scene sa Polar Coordinates, Mommy G, at Sa Babaeng Lahat!
Dinalirot ang religious beliefs and values sa Ang Bata Kag Ang Ilaga, Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, Anniversary, at Sa Babaeng Lahat.
Sa 12 bagong dula, pinakagusto ko ang Mommy G.

Bet na bet ko itong mag-revisited sa VLF next year.
Ang anim pang kinaaliwan ko nang lubos ay Polar Coordinates, Anniversary, Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, Unang Araw, Presidential Suite #2, at Ang Problema sa Trolley.
Ang mga lead actress na pumukaw sa aking diwa ay sina Sherry Lara at Sheenly Gener sa Mommy G, Kiki Baento sa Presidential Suite #2, at Angelica Panganiban sa Don’t Meow For Me, Catriona.
Ang lead actor na bet na bet ko ay si Jamie Wilson sa Anniversary.
Talap-talap ang mahiwagang papaitan ni Esteban Mara sa Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary.
Read: Family and colleagues pay tribute to Cocoy Laurel
NOEL FERRER
Sa presscon pa lang ng Virgin Lab Fest XX: Hinog noong Mayo 28 ay nagbiro na si Direk Andoy Ranay na nai-insecure siya sa Set D kung saan kasama si Angelica Panganiban-Homan dahil maso-sold out na ito.
Ang play na artista si Direk Andoy, iyong Presidential Suite #2, ay nasa Set B.

Sa dress rehearsals noong Hunyo 4-8, pinakamaraming nanood ay sa Set D kung saan kabilang ang play ni Angelica na Don’t Meow For Me, Catriona.
Sa unang pagtatanghal ng Set D noong Hunyo 14, Sabado ng 2:00 P.M., 1:00 P.M. pa lang ay pila-pila na ang mga manonood.
Lima ang nasa waiting list, kabilang ang sexy actor turned writer-director na si Dante Balboa. Nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.
Ayon sa CCP publicist na si Glaiza Lee, naso-sold out talaga ang VLF performances sa second and third week.
THE ANGELICA PANGANIBAN FACTOR
Nagkakaubusan ng tiket sa Set D “dahil sa Angelica Panganiban factor,” sey ni Bibeth Orteza.
Bida sa Set D ang tatlong gurang — si Bibeth sa Anniversary, si Peewee O’Hara sa Don’t Meow For Me, Catriona, at si Sherry Lara sa Mommy G. May asim pa nga!
Ang Don’t Meow For Me, Catriona ay akda ni Ryan Machado, at idinirek ni Toni Go-Yadao.

Lahad ni Ryan sa playbill: “I wrote Don't Meow for Me, Cationa as a requirement for my playwriting class, toward the end of the lockdown when time felt suspended and our homes became both shelter and pressure cooker.
“As a breadwinner myself, I found myself reflecting deeply on caretaking, how love can sometimes feel like duty, and how duty, over time, can calcify into something harder to name.
“Inspired by a true story shared by a friend, whose familial responsibilities mirrored my own, the play is, at its core, a conversation between a mother and daughter who've lived under the same roof for too long without truly seeing each other.
“It asks: what happens when a child chooses to walk away from a responsibility dictated by culture?
“The answers reveal themselves in quiet, persistent ways -- in a love that survives in silence, in gestures mistaken for control or resentment, and yes, even in the imagined weight of a cat left behind.
“I've always been drawn to what doesn't get said: the subtext of a sigh, the guilt behind a simple sandwich, the emotional clutter we carry in our pockets.
“This play emerged from those silences, and from the need to finally give them form.
“At its heart, it's about that deeply Filipino impulse to sacrifice, to stay, to swallow our needs for the sake of family -- and what happens when we finally can't.”
Read: Angelica Panganiban, success ang theater debut; sold-out show
GORGY RULA
Suportado siyempre si Angelica Panganiban-Homan ng mga kaibigan niya sa showbiz.
Kaya iyong may mga tiket na sa Set D ay may chance na makipag-rubbing elbows sa mga artistang manonood kay Angelica.
Ang VMX (dating Vivamax) actor na si Victor “VR” Relosa ay nanood ng Set B noong June 12, Independence Day, Thursday.
Gusto rin sana ni VR na mapanood iyong Set D, pero wala na ngang makuhang tiket noong Sabado.

Puwede bang masundan ang pagteteatrong ito ni Angelica?
“Tingnan natin. Tingnan natin,” nakangiting sagot ng Kapamilya actress.
Ang mensahe ni Direk Toni Go-Yadao kaugnay sa Don’t Meow For Me, Catriona:
“Nabudol ako.
“Unang basa ko pa lang sa title ng play na ito, akala ko masaya lang. Sa mga unang pahina ng dula, matatawa ka pa.
“Hanggang sa unti-unti, nagkaroon ng hangganan yung tawa, masakit pala. Lalo na ako’y isa ring anak na may isang tumatandang ina.
"’Paano kung may hangganan pala ang kapasidad ng isang tao upang mag-aruga ng mahal niya sa buhay?’
“Isa ito sa pinakatumatak na linya sa akin sa dula. Oo nga, posible ito pero ayaw nating harapin. Mahirap harapin. Masakit pero totoo.
“Lalo na sa ating mga Pilipino, iba na talaga kapag usapang pamilya. Usapin ng sakripisyo at responsibilidad, kailan nagiging simula at hangganan ang pagmamahal para maitaguyod ito?
“Hanggang saan kaya ang hangganan ng pagmamahal?
“Pagmamahal sa sarili, pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa Sining, pagmamahal sa bayan.
“Sa buong proseso ng pagbuo ng dulang ito, sa pagkilala kila Pibing at Reting, mas naisin ko na baka wala namang hangganan o dulo ang pagmamahal.
“Na maaaring ang pagbitaw o pag ‘let go’ ay hindi hangganan pero isa ring uri ng pagmamahal.”
Ang ikatlo’t huling linggo ng VLF XX ay sa Hunyo 25-29.
Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?
