PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Docu series nina Jiggy at Marnie Manicad, patok sa Netflix

Docu series na I Love Filipino, hindi nawawala sa Top 10 TV Shows.
by PEP Troika
Published Jun 18, 2025
marnie and jiggy mnicad i love filipino
Couple Marnie and Jiggy Manicad team up for the Netflix docu series I Love Filipino, which celebrates "all things Filipino" -- from art to architecture to culture and cuisine.
PHOTO/S: Netflix / Instagram

GORGY RULA

Paulit-ulit na nagpasalamat sa Panginoong Diyos ang mag-asawang Jiggy at Marnie Manicad sa magandang feedback sa docu series nilang I Love Filipino na streaming ngayon sa Netflix.

Nagulat silang nag-No. 2 ito sa Top 10 trending TV shows.

Hanggang ngayon ay nasa Top 10 pa rin ang I Love Filipino kahit may mga bagong series na kapapasok lang.

Read: Indian billionaire, namatay matapos umanong makalunok ng bubuyog

Nakausap ng PEP Troika ang mag-asawang Jiggy at Marnie sa aming programa sa DZRH noong nakaraang Lunes, June 16, 2025.

Masaya sila sa magandang kinalabasan ng I Love Filipino.

“We’ve been getting positive feedback also,” pakli ni Marnie, na siyang nag-produce at nagdirek ng docu series.

“Mostly ang sinasabi nila, marami sila talagang natutunan na new discoveries.

“Kumbaga, nandiyan lang naman sa palibot natin yung mga topics na ito, pero because of the series, talagang na-inspire sila to love what’s already there, what actually exists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nakakataba ng puso, and we offer everything to our Lord.

“And magkakaroon lang talaga tayo ng continuation, di ba? We will get more episodes of these sorts if our fellow Filipinos will support itong first salvo natin, itong I Love Filipino.

“We just really hope and pray that more Filipinos get to watch it, so that they can learn more about our culture, about our very rich heritage.”

marnie and jiggy manicad
Marnie and Jiggy Manicad
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FIVE EPISODES OF I LOVE FILIPINO

Limang episodes ang nakapaloob sa I Love Filipino.

Ang una ay pinamagatang "Pinoy Altanghap," na tumatalakay sa pagkaing Pinoy.

Sumunod naman ang tungkol sa kahalagahan ng musika sa ating kultura.

Ang pangatlo ay tungkol sa ating artists, ang "Juan with Art."

Ang pang-apat na episode ay tungkol sa mga paborito nating sawsawan na hindi pa gaanong napag-uusapan.

At panglima ay ang nakamamanghang kuwento ng impluwensiya ng nipa hut sa Filipino architects.

FOR THE GLORY OF GOD

Samantala, bukod sa pagiging host, si Jiggy ay tumulong din sa research at pagsusulat ng I Love Filipino.

Ayon kay Direk Marnie, napag-usapan nila ni Jiggy na gumawa ng docu series na ang tinatalakay ay ang kagandahan ng ating bansa.

Naniniwala ang mag-asawa na dahil sa basbas ng Panginoon kaya nabuo nila ang I Love Filipino sa loob ng isa at kalahating taon.

Saad ni Direk Marnie: “Yung name ng company is MMPI, so Team MMPI has always been on the lookout to best serve God and country.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, the best way that we could do this is by creating some content that can glorify God.

“So, what better way to do it by producing content that can be educational, uplifting, something very positive. Kaya po namin naisip na gumawa ng ganitong klaseng material.

“Dun sa topics, sinimulan muna namin dun sa basic. Mga basic necessities which is food, shelter, and then mga topics po na hindi pa masyadong nagagawa, na-e-explore.

“Ang division po kasi ng work namin ni Jiggy, si Jiggy yung research and then scripting. He did it for six months.

"So, extensive research and then paggawa ng script. Kasi hindi po linear yung pagkakagawa niya nung script.”

Read: Showbiz History: Role ni Elizabeth Oropesa sa Apocalypse Now, napunta kay Gigi Duenas

JERRY OLEA

Kakaiba raw ito para kay Jiggy Manicad na bilang isang mamamahayag, mga eksplosibo at negatibong balita ang inihahain niya dahil iyon ang gustong panoorin ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ang hindi ko makakalimutan is yung pagmamahal na ibinigay dun sa materyales,” pakli ni Jiggy.

“Kumbaga, maganda yung pagkakabuo niya, meaning, laging binabanggit ni Marnie yun, kasi binigyan ng pagmamahal yung materyales, because ito yung window natin para mai-showcase nang maayos yung Pilipinas.

“Kasi, ang daming nangyayari sa atin, e. Pero yung mga bihira siya na parang very positive, bihira siya na talagang makikita mo yung, ano ba talaga yung kultura natin?

“Maitatanong natin kung meron na ba talaga tayong pagkain nung panahon na yun, bago dumating ang mga Kastila.”

JIGGY MANICAD'S NEW DISCOVERIES ABOUT THE PHILIPPINES

Marami raw natutunan si Jiggy mula sa mga nakakapanayam niya at nadiskubre sa topics na hindi talaga gaanong napag-uusapan.

“Nakakatuwa because ang dami ngang discovery. Yung topics na ginawa namin, parang every day nakikita naman natin, di ba?

“Pero pag binalikan mo pala, malalim yung mga kuwento nila in the sense na kailangan mo lang balikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Huwag mong i-take for granted because nandun yung kuwento behind sa mga pagkain na ito, o kaya architecture, at ibang topics na diniscuss namin.

“Malaking tulong po ito, lalo na gusto nating ipakita talaga ang magaganda sa ating bansa. Gusto natin i-highlight yung mga positive stories.

“Hindi siya sugarcoat, pero ipakita natin yung totoong kultura natin, paano tayo as a people na masaya talaga. Because hindi mo mapapanood yung mga ganitong mga topics usually, e.

“Generally speaking, alam mo na parang ang hinahanap ko nung nasa news ako, ang hinahanap ko ay negative, parating bad news.

"Kailangan talaga na ipakita yung other side — yung kabutihan, yung maganda — para naman ma-inspire din naman yung mga manonood,” sabi pa ni Jiggy.

Pumuwesto ang I Love Filipino sa No. 6 ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines noong June 13, Friday.

The next day, June 14, ay umakyat ang docu series sa third place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-peak ito sa second place for two days noong Hunyo 15 at 16, Linggo at Lunes.

Ngayong Hunyo 18, Miyerkules, ay nasa sixth place itong muli.

Read: Zeinab Harake, nilinaw ang mga isyu sa kasal nina ni Bobby Ray Parks Jr.

NOEL FERRER

Nagpapasalamat sina Jiggy at Marnie sa Netflix, na may ganitong streaming service at platform para ipakita ang kagandahan ng ating bansa at ng Pilipino.

May global streaming ang I Love Filipino kaya abot ito sa ating mga kababayan sa ibang bansa na tiyak maipagmamalaki nila ang kagandahang meron tayo sa mga Pilipino.

Saad ni Jiggy: “So, malaking bagay yung streaming platform, because malaking window din siya sa ibang parte ng mundo na makilala naman tayo na tayong mga Pilipino ay masaya, magaling, creative.

“Maraming positive sa atin, hindi lang puro negative stories. So, yun ang isa sa mga nakakatuwa po dun.”

JIGGY MANICAD'S PRAYER

Lahat ng ito ay ipinapanalangin at ini-lift daw nila sa Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatuwa rin daw na marami ang nagtsa-chat sa kanila na dapat mapanood ng mga estudyante ang I Love Filipino para pag-aralan nila.

Pahayag ni Jiggy: “To be honest, isinantabi ko yung skill set ko. Meaning, yung kakayahan ko magsulat, kakayahan ko mag-interview.

"Kumbaga, yung technical side, tinabi ko muna siya. Inuna ko ang magdasal.

“So, ang prayer ko nun, sabi ko, 'Lord, bigyan Mo ako ng clarity ng mind. Tulungan Mo ako na maging truthful and honest sa gagawin kong pagsusulat. Hindi siya biro, and at the same time, gusto namin siyang i-offer sa ‘Yo.

“'Yung skill set na meron kami, galing din naman ito sa ‘Yo e. So, gusto namin magawa nang magandang-maganda para pag in-offer namin pabalik sa 'Yo, magiging maganda rin at magiging masaya Ka.'

“So, yun muna yung inuna namin. And then, every script prior to writing, nagdadasal kami, for guidance.

"Yung biased, walang iniisip, walang prejudice, basta happy siya. Positive lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, wala ring mataas na expectation na, like ito nga, akyat sa Top 10 or magiging masaya yung feedback.

"Kasi yung may mga eskuwelahan na pinag-usapan nila na puwede nilang ituro sa Araling Panlipunan or magiging reference siya, e. Yun na yung mga chat na nakikita namin.

“Kumbaga, inuna namin si Lord. 'Lord, tulungan Mo kami dito.' Saka kami nag-production.”

Sa kabila ng magandang nagawa ng I Love Filipino, sana makagawa pa rin ng matapang at napapanahong features lalo pa’t nabuhay ang soundbytes ni Jiggy about Inday Sara recently.

Sa panahong dumarami ang journalists na nagso-soft news feature na, OK itong I Love Filipino.

Pero sana maipakita rin ni Jiggy ang range niya na nagpanalo sa kanya ng international awards dati. Kaya niya yan!!!

Read: Marian Rivera's "cryptic" TikTok repost sparks buzz online

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Couple Marnie and Jiggy Manicad team up for the Netflix docu series I Love Filipino, which celebrates "all things Filipino" -- from art to architecture to culture and cuisine.
PHOTO/S: Netflix / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results