PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos-Allen Dizon movie, bagay na bagay sa Pride Month

Rhian Ramos: “I think everyone can relate to it."
by PEP Troika
Published Jun 18, 2025
allen dizon rhian ramos unconditional
Allen Dizon and Rhian Ramos are the lead stars in the LGBTQ-themed movie Unconditional.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Tamang-tamang pam-Pride Month ang showing ng pelikulang Unconditional sa June 25, 2025, Miyerkules.

Itong Unconditional ay ang first production ng BR Film Productions na pag-aari ng dating aktor na si Brandon Ramirez.

Isinulat at idinirek ito ni Adolf Alix Jr.

Nagkaroon ng premiere night ang Unconditional noong Martes, June 17, sa SM North EDSA The Block, na dinaluhan ng main cast at supporters nito.

Read: Kris Aquino now lives at a private resort; misses old self

WOMAN FALLS IN LOVE WITH A TRANS MAN

Tinatalakay ng Unconditional ang pag-iibigan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Tungkol ito pag-ibig ng trans man na si Greg (Allen Dizon) sa straight na babaeng si Anna (Rhian Ramos).

Tinalakay rin ang pakikipagrelasyon ng isang fluid, at all-out na bading sa isang straight na lalaki.

Marami sa mga kabadingan ang nakaka-relate dito, pero iisa lang naman daw ang basehan dito — pag-ibig.

Si Direk Joel Lamangan ang gumanap na bading na si Jonel, na iniwan ng nakarelasyong straight na lalaki, si Bogart (Marcus Madrigal), para sa asawa nitong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Direk Joel, ang mensaheng gustong iparating ng Unconditional: “Love! Love transcends all. Whatever sex it is, love. Love ang kailangan mo.

“Whatever your sexual orientation is, the most prominent thing in life is love, di ba? Bagay siya ngayon sa Pride Month.”

Read: Get to know the tall, dark, handsome Anthony Constantino

unconditional premiere
(From left) Director Adolf Alix Jr., Allen Dizon, Rhian Ramos, and executive producer Brandon Ramirez at the premiere night of Unconditional.
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sandali ring nakausap ng PEP Troika si Rhian Ramos pagkatapos ng screening ng Unconditional.

Ginagampanan niya rito ang role bilang si Anna na nahulog at napamahal sa isang trans man.

Sabi ng Kapuso actress, marami ang makaka-relate sa ganitong klaseng pag-ibig.

Ano ang mensaheng gustong iparating ng pelikula nila?

“Yung message ng movie is love is unconditional and universal, and everyone deserves it,” sabi ni Rhian.

Sandali siyang nag-isip nang tinanong namin kung naka-relate ba siya sa kuwento ng pelikula.

Sagot ng Kapuso actress: “I think everyone can relate to it.

"Kasi, no matter what kind of relationship naman talaga, you have, ano, e… parang you learn talaga na no matter na, alam mo yun, na love is for everyone, na alam mo yun, na walang perfect relationship.”

Kasama rin sa Unconditional sina Elizabeth Oropesa, na gumanap bilang inang may Alzheimer’s disease, Lotlot de Leon, Rico Barrera, at Brandon Ramirez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “No One Passed”: Netizens react to Special Board Exam results

NOEL FERRER

Namataan din ng PEP Troika sa Unconditional premiere night si Sandro Muhlach na sumuporta sa pelikula.

Malapit na ang GMA Gala bilang bahagi ng 75th anniversary ng Kapuso network.

Tinanong namin kung inimbitahan ba siya.

Nakatanggap naman daw siya ng imbitasyon, pero pinag-iisapan pa niya kung dadalo siya.

Read: Sandro Muhlach, dadalo kaya sa GMA Gala ngayong taon?

SANDRO MUHLACH ON GMA GALA 2024

Sa GMA Gala noong nakaraang taon nangyari ang diumano’y panghahalay sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA-7.

Baka raw bumalik lang sa alaala ni Sandro ang masaklap na karanasang iyon kung dadalo siya.

Sa ngayon ay okay naman daw ang pakiramdam niya, at may mga project naman daw siyang ginagawa.

Saad niya: “Getting better naman po, kasi yun nga, sunud-sunod naman yung externals ang mga projects.

"So, eto na, bumabawi ako ngayon this year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy raw siya sa pagsuporta sa advocacy na sinimulan ni Gerald Santos, ang Courage Movement, na tumutulong sa mga nabiktima at survivors ng sexual abuse at harassment.

“Still supporting naman po sa lahat na mga victims. Basta, just move on.

"At the end of the day, matatapos naman ito, and kailangan lagpasan natin ang mga pinagdadaanan natin in life,” sabi ni Sandro.

I-underscore natin ang sinabi ni Sandro, ha: “At the end of the day, matatapos naman ito, and kailangan lagpasan natin ang mga pinagdadaanan natin in life.”

Sana!!!

Ang huling update sa kaso ni Sandro laban sa dalawang independent contractors: nitong Pebrero ay na-dismiss ang acts of lasciviousness complaint sa Metropolitan Trial Court of Pasay City dahil mayroon nang ongoing rape through sexual assault case na isinampa sa Department of Justice (DOJ).

Read: Showbiz History: Role ni Elizabeth Oropesa sa Apocalypse Now, napunta kay Gigi Duenas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon and Rhian Ramos are the lead stars in the LGBTQ-themed movie Unconditional.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results