PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Roda," may kissing scenes sa dalawang makisig na aktor

"Roda," malamang kainggitan ng kapwa gays.
by PEP Troika
Published Jun 19, 2025
joel lamangan kissing scenes
Actor-director Joel Lamangan, who is also known as Roda of Batang Quiapo, plays gay roles in his latest acting projects where he also has kissing scenes with his male co-stars, Marcus Madrigal (inset, left) and Abed Green (inset, right).
PHOTO/S: Dennis Evangelista Facebook

JERRY OLEA

For sure, maraming bading ang maiinggit kay “Roda”!

Sinong Roda?

Sino pa kundi si Direk Joel Lamangan!

Roda ang pangalan ng karakter ni Direk Joel sa FPJ’s Batang Quiapo.

"Roda" na ang tawag sa kanya ng mga tagasubaybay ng top-rating serye ni Coco Martin.

Read: Emilio Daez at River Joseph, "nagpalit" ng roles sa Love at First Spike

KISSING SCENES WITH MARCUS MADRIGAL AND ABED GREEN

At bakit kamo mate-“terra” (as in inggitera) ang mga syokla sa 70-anyos na multi-awarded director?

E, kasi po, sa pelikulang Unconditional directed by Adolf Alix Jr., na ipalalabas sa Hunyo 25, 2025, Miyerkules, sa local cinemas, may kissing scene si Direk Joel with Marcus Madrigal.

E, sa isa pang natapos niyang movie kung saan artista rin siya, iyong Jackstone 5 na siya rin ang direktor, may kissing scene naman siya with Abed Green.

May Marcus na, may Abed pa.

Ang suwerte ni Roda! Ang haba-haba ng hair!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aba’y inilo-launch na ang aking career bilang Vivamax star! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Direk Joel nang makatsikahan ng PEP Troika sa premiere screening ng Unconditional noong Hunyo 17, Martes, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.

Masarap ba yung halik nina Marcus at Abed?

“Napaka! Yes!”

Totoo bang nagulat si Abed na biglang may kissing scene sila, e, wala naman daw iyon sa script?

“Siya ang nanghalik sa akin, sa totoo lang, ha? Wala sa script,” sey ni Direk Joel.

“Bigla niya akong hinalikan.”

Kumusta si Marcus sa kissing scene nila?

Mabining ngumiti si Direk Joel, “OK rin, OK naman. Wala naman akong complaint.”

Nailang ba siya sa kissing scenes? Awkward?

Umiling si Direk Joel, “Hindi! Naku, dyusko, gustung-gusto ko nga, bakit naman ako mao-awkward? Tumigil ka nga, mali-mali naman ang tanong mo!”

Dumalo si Abed sa premiere ng Unconditional.

Ano kaya ang naramdaman niya nang mapanood ang kissing scene nina Direk Joel at Marcus?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ju Haknyeon denies prostitution allegations after departure from The Boyz

GORGY RULA

Hindi lang si Direk Joel Lamangan ang malamang sa alamang na kainggitan ng gays and cougars nowadays.

Nakakanggit din sina Sherry Lara at Max Eigenmann.

Sa dulang Mommy G na kasama sa Set D — May Asim Pa ng Virgin Lab Fest XX: Hinog, pagkatamis-tamis ng kissing scene ni Sherry with Gelo Molina.

gelo molina sherry lara mommy g
Gelo Molina and Sherry Lara in a scene from Mommy G.
Photo/s: Erickson dela Cruz
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At sa Episode 1 (“Pinakamahina”) ng VinCentiments digital series na Ninang, mapusok ang halik ni Redd Arcega kay Max Eigenmann.

In-upload sa Facebook at YouTube ang unang episode kahapon, Hunyo 18, Miyerkules.

In 22 hours, may 3.5M views na sa Facebook ang unang episode ng series sa panulat, direksiyon, at produksiyon ni Darryl Yap.

max eigenmann redd arcega ninang
Max Eigenmann and Redd Arcega in the digital series Ninang.
Photo/s: Vincentiments Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino now lives at a private resort; misses old self

NOEL FERRER

Good luck sa Unconditional the movie, na bida sina Rhian Ramos at Allen Dizon.

Isa itong pagpapatunay na naman na si Direk Joel Lamangan ay isang mahusay na aktor bago pa man siya naging direktor!

Sa estado ng pelikulang Filipino ngayon, sana’y kumita ang pelikulang Unconditional kapag palabas na ito!

Read: Cocoy Laurel's cause of death revealed

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Joel Lamangan, who is also known as Roda of Batang Quiapo, plays gay roles in his latest acting projects where he also has kissing scenes with his male co-stars, Marcus Madrigal (inset, left) and Abed Green (inset, right).
PHOTO/S: Dennis Evangelista Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results