PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga awitin ni Mike Hanopol, bubuhayin sa Jeproks The Musical

Legendary singer Mike Hanopol, bakit ayaw sa love songs?
by PEP Troika
Published Jun 19, 2025
mike hanopol jeproks the musical
Mike Hanopol on why he does not sing love songs: “Ang love, especially song… love, huwag mo nang lalagyan ng song, ang love ng tao dito sa ibabaw ng lupa, ay hindi kailanman totoo. Hindi totoo. Dahil ang tunay na love, tunay na totoong love, ay ang katotohanan. Iyan ang love, OK."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Hindi pa tapos ni Nicolas Pichay ang script ng Jeproks the Musical, pero kasado na ang mga pagtatanghal nito sa Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.

Pagbibidahan ito ni David Ezra, na anak ni Dulce.

Ayon sa direktor ng stage musical na si Frannie Zamora, tampok sa palabas ang 15 awit ni Mike Hanopol.

“This project, this musical is inspired by the songs of our guru of Pinoy rock, Mr. Mike Hanopol,” sabi ni Direk Frannie sa mediacon noong Hunyo 17, Martes, sa Max’s Restaurant sa Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Read: Virgin Lab Fest XX: The standouts and scene stealers

jeproks the musical
(From left) Jeproks The Musical producer Johnny Blue, Mike Hanopol, David Ezra, and director Frannie Zamora
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INTRODUCING THE MUSIC OF MIKE HANOPOL TO MILLENNIALS AND GEN-Z

Namayagpag ang mga awit ni Mike noong 1970s at early 1980s na kasagsagan ng martial law.

Dagdag ni Direk Frannie: “How is it like to be in that era? Ano kaya ang iniisip nila during the time of martial law? Yung suppression ba, nakatulong ba iyon sa paglikha ng magandang musika?

“Kasi most of the songs during that time, napansin ko, talagang may laman. Maganda talaga siya melody-wise, lyric-wise. Maganda.

“So, parang gusto naming… yung atmosphere ba, yung kapaligiran mo, nakakatulong ba iyon sa paglikha ng isang artist?

“And then, gusto namin siyang i-adapt sa makabagong panahon para nga sa ating Gen-Z at millennial audience.

“Kasi aminin natin, yung mga panahon na sikat yung mga kanta ni Sir Mike, medyo hindi na active yung mga taong iyon.

“So kailangan, magkaroon tayo ng appeal. Kaya si David ang kinuha ko, kasi kuha niya ang millennial at ang Gen-Z audience.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Puwedeng maka-identify yung mga manonood sa kanya. Of course, popular pa rin iyong mga kanta ni Sir Mike.

“Dadaanan namin yung dinaanang mga ka-contemporary ni Sir Mike. Yung Hagibis, ginawan niya ng mga kanta.

“Si Madam Sampaguita. Siyempre yung 'Badaf Forever,' di ba, panahon nila yun? Nagkasunud-sunod iyon because of Hagibis, na gawa rin ni Sir Mike.”

Sambot ni Mike: “Ito na po ang pagkakataon na maihayag, maipaliwanag, maunawaan ng karamihang Pilipino kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga kanta ko.

“Kasi, tulad ng isang kanta ko na 'Upos Na Lang,' merong sinasabi doon na, ‘May ibig sabihin ang bawa’t salita/ May ibig sabihin ang bawa’t aklat/ Marami kang makikita…’

“Ano ang ibig sabihin ng ‘marami kang makikita’? Marami kang interpretation, OK. Perception, OK.

“Yung mga kanta ko na iyan, high-level iyan ang tawag. High-level. Kaya yung mga medyo nasa mid o low-level, medyo hindi nakukuha…

“Noong ginagawa ko itong mga kanta na ito, ang nasa isip ko, imposible na itong marinig ng lahat. Imposible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, hindi na imposible dahil sa inyo. Maraming salamat sa inyo sa pagtaguyod nitong mga awitin ko.

“Itong pagkakataon na ito, maraming ibig sabihin ang ibig sabihin. Dahil ang ibig sabihin na merong sasabihin — iyong sasabihin, merong ibig sabihin.

“So lahat ng ibig sabihin, merong ibig sabihin, OK?”

Read: Cocoy Laurel's cause of death revealed

mike hanopol david ezra jeproks
Mike Hanopol with Jeproks The Musical lead star David Ezra
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Humingi ng paumanhin ang 79-anyos na Filipino rock singer sa mediacon ng Jeproks the Musical.

Pahayag ni Mike Hanopol: “Gusto kong humingi ng sorry sa inyo. Kasi kayo, nire-represent niyo ang sambayanan, OK.

“So I understand what I did. Pero hindi ko sinasadya iyon, na ang mga kanta ko, mahirap intindihin.

“Mahirap intindihin, unawain ang mga ibig sabihin. Kagaya ng 'Balong Malalim.' Akala ng mga tao, alam nila ang ibig sabihin.

“Nagsisigawan, naghihiyawan. Pag tinanong mo, ‘Alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Balong Malalim'?’ ‘Hindi nga, Sir.’ Ha! Ha! Ha!

“Natatawa na lang ako. Kasi, gusto kong ipaalam sa kanila… meron namang simpleng ibig sabihin ang 'Balong Malalim.'

“Simple lang. Arrogance. One word, that’s it! Arrogant. Karamihan ng sulat ko, it’s about iwasan mo iyang mga ganyan.

“Arogante. Iyon lang. 'Balong Malalim' is about arrogance.”

Read: Kris Aquino now lives at a private resort; misses old self

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE MEANING OF "JEPROKS"

Ang ibig sabihin naman ng Jeproks ay binaliktad na “projects.”

“Ano ngayon itong project? Project ito diyan sa Quezon City. Di ba, ang tawag sa mga lugar diyan, Project 1, Project 2, Project 3, Project lahat iyan,” lahad ni Mike.

“Puro Project, di ba? Yung 10, wala na. Yung 1, wala na. Di ba? Isa-isa na iyan. Project 8 nga, nawala rin. Alam mo kung ano na ngayon? Congressional.

“Ha! Ha! Ha! Kita niyo, isa-isa nang nawawala. Bakit? Kasi, nauubos na ang pera ng tao. Ha! Ha! Ha! Kailangang ibenta.

“Ang Project na lupa diyan sa Diliman, alam niyo lahat yan, UP iyan. UP! Yung lupa diyan, tinawag na Project 1, 2, wala na yung iba diyan… yan ang Project ni President Quezon.

“Quezon. President Quezon. At iyan ay dinonate niya sa UP. Kaya yung Project na yan, kay President Manuel L. Quezon, OK?

“Noong kasagsagan noong 'Jeproks,' kaya naging Jeproks, kasi ang mga audience, followers namin, ay 99.9 percent taga-Project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, pag nagtatanong, backstage na kami, ‘O, nandiyan na ba iyong mga jeprok?' Doon nag-umpisa iyan, sa UP, jeprok.”

Magaling na writer si Atty. Nicolas Pichay na siya ring sumulat ng orihinal na Maxie (Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros) the musical. Sana, madala niya ang magic niya dito sa Jeproks the Musical, dahil milieu naman niya yan!

Good luck!

Read: Emilio Daez at River Joseph, "nagpalit" ng roles sa Love at First Spike

GORGY RULA

Hindi nagsulat ng love song si Mike Hanopol.

Katuwiran niya: “Ang love, especially song… love, huwag mo nang lalagyan ng song, ang love ng tao dito sa ibabaw ng lupa, ay hindi kailanman totoo. Hindi totoo.

“Dahil ang tunay na love, tunay na totoong love, ay ang katotohanan. Iyan ang love, OK.

“Kaya ayokong kumanta ng, ‘Kahit maputi…’ Ayoko ng mga ganoon. Basta, ini-express ko lang yung aking…

“Kasi ayoko talaga ng love song. Pasensiya na kayo, ha? Kasi alam ko ang Pinoy, masyadong emotional. Masyado!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakalagay na nga iyan sa Guinness Book of Records. The most emotional people in the world is Filipino!

“Ha! Ha! Ha! So, ayoko na. Ayokong masabing emotional although natural iyon, di ba?

“Hanggang sa point na pag pumunta ka sa mga radyo, pelikula, ‘O, bibigyan kita ng pera, umiyak ka, ha?’ Iiyak ka kailangan.

“Hindi puwedeng utusan ang emotional. Hindi ba? Pag inutusan mo, binayaran mo — fake! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Zeinab Harake, nilinaw ang mga isyu sa kasal nina ni Bobby Ray Parks Jr.

MIKE HANOPOL'S LOVELIFE

Dalawang beses lang daw nagka-lovelife si Mike sa tanang buhay niya.

Hinaing niya: “Dalawa lang, hindi ko mabilang yung pangatlo. Wala na, e. Yun pang dalawang yun, ayoko nang maulit sa buhay ko.

“Ayoko na! Ang sasakit! Sobra! Kaya ayoko na, e! Ayoko na ng love!

“Pero huwag kayong magkakamali, ha? Magaling din akong mag-love. Yeah, magaling akong mainlab. Pag ako nainlab, forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Forever, OK. Ngayon, ang nangyari sa akin, yung una, niligawan ko, probinsiya pa. Ang layo!

“Biruin mo, andito ako sa Sampaloc [Manila], pupunta ako ng Leyte, sasakay ng eroplano, sasakay ng boat.

“Pagdating, sasabihin lang sa akin ng tatay, ‘Mike, pasensiya ka na, hindi ka bagay sa anak ko.’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Wow! Anong mararamdaman mo? Masaya ka ba? Ha! Ha! Ha! Malabo yun. Hindi na ako bumalik. Ayoko nang bumalik.”

E, iyong pangalawa?

Pagbabalik-tanaw ni Mike: “Yung pangalawa, grabe. Matindi! May kapatid siyang lalaki, gustong matuto ng gitara.

“Kaklase ko, e! E, yung kapatid niyang babae, nandoon sa same eskuwelahan din. Sa Centro. Di ba, ang mga babae diyan, andami?

“Pero kami, high school, may lalaki rin. Konti lang. Nagpaturo sa akin ng gitara. Ay siyempre, di tinuruan ko!

“Sabi niya, tinatanong ako, ‘Magkano ba?’ ‘Huwag ka nang magbayad. Hindi ko tatanggapin iyan. Tulungan mo na lang ako sa kapatid mo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘O, sige, walang problema!’ E, di ngayon, punta ako nang punta sa bahay. Turu-turo doon.

“Bigla namang nadisgrasya yung lalaki, yung tinuturuan ko. Namatay. Ako ngayon ang sinisi ng pamilya!

“Ano yun? Sabi ko, bakit ako nasisi?! Tinuruan ko lang maggitara. Nadisgrasya. Ako ba ang may kasalanan nun? Kasalanan ko ba yun?

“Ha! Ha! Ha! Lahat ng pamilya, ako raw ang may kasalanan. E, di ayoko na. Ayoko na ng love.”

Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mike Hanopol on why he does not sing love songs: “Ang love, especially song… love, huwag mo nang lalagyan ng song, ang love ng tao dito sa ibabaw ng lupa, ay hindi kailanman totoo. Hindi totoo. Dahil ang tunay na love, tunay na totoong love, ay ang katotohanan. Iyan ang love, OK."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results