JERRY OLEA
Excited si David Ezra na magbida sa Jeproks The Musical na itatanghal sa Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.
“I just came back from Hong Kong Disneyland last year,” lahad ni David sa mediacon noong Hunyo 17, Martes, sa Max’s Restaurant sa Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“And I did a musical, Little Shop of Horrors. And I made a musical movie, yung Isang Himala.
“So, ang ginawa ko pa lang pong musical since I came back from Hong Kong was dalawa. Yung isa, pelikula pa.
“Yung huli ko pong ginawa na title role is 2017, which is Aurelio Sedisyoso with Tanghalang Pilipino.
“So, ito lang po ulit yung gagawin ko na musical na ako yung title lead. So, noong kinontak po nila ako to do this, I was very excited.
“And also to show a different side of me. Kasi, ang hindi po alam ng marami, ang branding ko po kasi is, di ba, pag nakikita ninyo ako sa show, is a Broadway singer.
“Classic singer. Lagi akong naka-tuxedo, naka-bow tie. Mga events ko, mga ganyan.
“Pero ang hindi po alam ng marami is I’m a rock singer by heart. So, noong college po ako, yung buhok ko, hanggang puwet.
“Tapos gitarista po ako ng banda dati."
Read: Cocoy Laurel's cause of death revealed
DAVID EZRA ON BEING THE SON OF DULCE
Nagbalik-tanaw si David nang minsang manood ang kanyang ina na si Dulce sa gig ng kinabibilangan niyang banda.
Lahad niya: "So, naalala ko pa, yung nanay ko, ang sabi, ‘Alam mo, anak,’ nanood siya ng isang gig ko sa bar, sa Mayric’s po sa España [Boulevard].
“So, sigarilyo, ganyan. Pumunta ang nanay ko as support, nagulat siya. Akala niya, singer ako.
“So, nagulat siya na gitara ang hawak ko. Tapos sabi niya sa akin, ‘Alam mo, anak,’ kasi ang nanay ko, very supportive naman.
“Sabi niya, ‘Alam mo, anak, napakagaling mong tumugtog ng gitara pero ang gift mo talaga is singing.’
“Pero noong time na iyon, hindi ako naniniwala. Kasi bilang isang anak ng isang icon na si Dulce, hindi ko po ma-explain iyon.
“Mula bata ako, ang question sa akin, ‘Oh, so you’re the son of Dulce, so do you sing like your mom?’ It was always like that.
“So, mahirap pong lumaki nang ganoon. So, subconsciously, habang lumalaki po ako, iniiwasan ko po yung mundo ng pagkanta.
“So, napunta po ako sa pagtugtog ng gitara. E, iyon, throughout the years, na-establish ko na rin po yung sarili ko sa pagkanta.
“So, noong na-offer po nila sa akin itong role na ito, or sinabi nila sa akin na gagawa po ng musical with the music of Mike Hanopol, hindi po ako nagdalawang-isip.
“Kasi it’s going to be a different era in my career also. So I have to showcase my rock side na matagal ko na pong pinapangarap din gawin.
“Kasi dati po, ang pangarap ko, maging parang Bon Jovi, ganyan, pero napunta po ako sa mga tuxedo. Ganyan. Ha! Ha! Ha!”
Read: Family and colleagues pay tribute to Cocoy Laurel

NOEL FERRER
Tampok sa Jeproks The Musical ang 15 awit ng 79-anyos na si Mike Hanopol.
Si Mike Hanopol ay dating bass guitarist ng Juan de la Cruz Band. Silang tatlo nina Pepe Smith at Wally Gonzales ang pioneers ng rock music sa bansa noong 1970s.
Kailan pumasok sa diwa ni David Ezra ang musika ni Mike Hanopol?
Read: Mga awitin ni Mike Hanopol, bubuhayin sa Jeproks The Musical

“To be honest po, ako po ay isang millennial. So I was born in 1987,” lahad ni David.
“So, ang era po nina Sir Mike was way ahead of me. Pero noong bata po ako, ang pinakapamilyar na song sa akin is 'Laki sa Layaw.'
“So I was growing up with that song, and Juan de la Cruz Band, of course, when I formed a band in college.
“So, yun na po yun, to be honest. So, ito rin po yung malaking chance for me to get back to our roots as Filipinos kung saan nanggaling ang ating rock culture, which is sa Juan de la Cruz Band and Mike Hanopol.
“So kasi, para po sa akin, isang obligation ng isang artist and a performer and a musician, is alamin mo yung history, e.
“So being a rock singer and a rock guitarist also, it is part of my obligation para aralin kung saan ba nanggaling yung kung anong meron tayong rock scene sa Pilipinas ngayon.
“So, hindi rin naman iyon mabubuo kung wala si Mike Hanopol and Juan de la Cruz Band.”
Read: Emilio Diaz, natupad ang pangarap maging ABS-CBN leading man
GORGY RULA
Gaano ka-challenging na i-introduce ang mga awit ni Mike Hanopol sa bagong generation ng music lovers?
“Feeling ko, ang maganda din po sa project na ito, is ngayon po kasi, ang musicals natin sa Pilipinas, nagta-thrive kung mapapansin niyo,” sambit ni David Ezra.
“Nag-pandemic nang tatlong taon, after nung three years na iyon, nagkaroon po tayo ng tinawag nilang ‘revenge theater,’ di ba?
“Yung sunud-sunod na naglabasan [ang theater productions]… nag-restage ang Huling El Bimbo, music ng Eraserheads. May ginawang APO na musical, yung music ng APO Hiking Society.
“So ngayon po yung perfect time for OPM musicals to be heard.
“So, lalo na sa ating mga icons, like sa music ni Mike Hanopol. So, lalo na po sa panahon ngayon, social media. Ang dali pong i-promote, e.
“So, siguro towards sa rehearsal process namin nito, I’m sure magkakaroon kami ng marketing skits, like kakanta ng snippets of this.
“So I’m sure iyong arrangements din ng songs ngayon, mag-i-stay true to the original of Sir Mike with the inputs of modernized music also to appeal to the newer audience.
“So feeling ko, hindi naman po siya magiging mahirap. Lalo na ang Pilipino, mulat na mulat sa artistry, e.
“Mahilig po tayo sa pagkanta, sa pagsayaw, sa pag-arte, sa lahat. So, hindi po magiging mahirap sa Pilipino i-absorb yung music kahit saang era pa galing.”
Mahihirapan kaya siya?
“Honestly, feeling ko, I’m very musically inclined. So, ang music po sa akin, hindi siya mahirap,” saad ni David.
“Hindi po yung sa pagyayabang. Meron pong mga tao na madali sa kanila ang mathematics. Merong madaling mag-basketball, athletic.
“Sa amin po, madali ang music. Katulad po sa nanay ko, madali ang musika.
“Pero in general, sa Pilipino, madali ang musika. Madaling intindihin sa atin ang musika.
“So, ito pong project na ito, honestly, feeling ko hindi siya magiging mahirap iparating sa tao.”
Tinatapos pa ni Nicolas Pichay ang script ng Jeproks The Musical.
Ang direktor ng palabas ay si Frannie Zamora, at ang producer ay si Johnny Blue.
Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?
