JERRY OLEA
Seven consecutive days na nanguna ang And The Breadwinner Is… sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines — mula Hunyo 13, 2025, Biyernes, hanggang Hunyo 19, Huwebes.
Ngayong Hunyo 20, Biyernes, ay pumangalawa na lamang ang MMFF 2024 entry ni Vice Ganda.
Ang pumuwesto sa number one today ay ang MMFF 2024 entry nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na Green Bones.
Read: Shuvee Etrata publicly declares Anthony Constantino her "TDH"
Naligwak na sa Top 10 ang Scarecrow aka Espantaho, pati ang Everything About My Wife, pero andiyan pa ang MMFF 2024 entry nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre, ang Uninvited.
Sa Hulyo 3 ay streaming na sa Netflix ang pelikulang Un-Ex You nina Kim Molina at Jerald Napoles.
Sa Hulyo 10 ang streaming ng pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
At sa Hulyo 17 ang streaming ng horror movie na Lilim starring Heaven Peralejo, Eula Valdes, Ryza Cenon, and Mon Confiado.
Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?
TOP 10 MOVIES
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Green Bones
- And The Breadwinner Is…
- 28 Weeks Later
- Straw
- Haunting of Mount Gede
- Mission: Impossible — Dead Reckoning
- World War Z
- Uninvited
- K.O.
- Bingo

NOEL FERRER
Fourteen consecutive days nang nangunguna ang revenge thriller na Mercy for None sa talaan ng Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines — mula Hunyo 7 hanggang 20.
Ligwak na sa Top 10 ang documentary series ni Jiggy Manicad na I Love Filipino, pero andiyan pa rin ang Incognito.
Sa Hulyo 4 ay streaming na sa Netflix PH ang teleseryeng Linlang aka Deceit starring Kim Chiu, Paulo Avelino, and JM de Guzman.
TOP 10 TV SHOWS
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Mercy for None
- Our Unwritten Seoul
- Tastefully Yours
- La Palma
- The Beginning After The End
- Bet
- Oh My Ghost Clients
- Ginny & Georgia
- Incognito
- FUBAR

GORGY RULA
Ang Green Bones ang isa sa mga nag-hit sa nakaraang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Hindi ko lang nakuha ang exact figures, pero mahigit PHP100M ang kinita nito.
Hindi nga lang ito na-promote nang maayos sa Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, kaya hindi namalayan ng mga kababayan natin na naipalabas pala ito roon.
Kaya mabuting nasa Netflix na ang Green Bones, at mapapanood na ito ng mga nasa ibang bansa.
Tingnan natin kung magtatagal ito sa No. 1 trending kagaya ng And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda.
ONLY WE KNOW
Ang isa pang inaasahan naming puwedeng pumatok sa Netflix ay ang Only We Know nina Dingdong Dantes at Charo Santos.
Hindi ito gaanong pumalo sa takilya, na ang dinig namin ay halos nakaka-PHP20M pa lang sa loob ng isang linggo. Kasama na riyan ang mga nag-block screening.
Sana kunin na rin ito ng Netflix para mas marami pang makakapanood.
Bagay talaga ito sa streaming dahil pang-mature ang audience ng Only We Know.

I LOVE FILIPINO
Samantala, masaya ang mag-asawang Jiggy at Marnie Manicad dahil lumaban din ang docu series nilang I Love Filipino sa Top 10 trending.

Marami raw ang nagsabi sa kanilang gumawa sila ng isa pang docu series na ganitong konsepto, dahil marami pa tayong magagandang pag-uusapan sa ating bansa.
Sinasabihan na ang ibang mga estudyanteng gawing reference ang I Love Filipino sa kanilang Araling Panlipunan dahil well-researched ang tinalakay nila sa docu series na ito.
Read: TV Ratings: Sang'gre, tumalab ba ang powers sa Batang Quiapo?
