PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BINI concert sa Vancouver, kumusta ang ticket sales?

BINI docuseries, mapapanood na sa iWant.
by PEP Troika
Published Jun 21, 2025
bini concert
BINI will hold the last leg of the BINIverse World Tour in Vancouver, Canada, on June 21, 2025.

GORGY RULA

Naka-chat ko ang ilang kaibigang nasa Vancouver, Canada, para kumustahin ang BINIverse World Tour na naka-schedule ngayong Hunyo 21, 2025, Sabado ng 7:00 P.M.

Gaganapin ang concert sa UBC Doug Mitchell Thunderbird Sports Centre sa Vancouver, BC.

Ang tantiya nila, mga 8,000 ang capacity ng venue na talagang pangmalakihang concert. Pero hindi ito napuno.

Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo

Bandang 7:30 P.M. na sa Vancouver nung ka-chat ko ang ilang kaibigang nagmo-monitor ng bentahan ng tickets.

Ipinakita sa akin ang layout ng venue. Sa tantiya ko, parang mga 70 percent pa lang ang nao-occupy as of June 20.

Ang daming bakanteng seats sa bandang itaas, pero halos puno na ang bandang baba kung saan mas mahal ang tickets.

biniverse concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The layout of UBC Doug Mitchell Thunderbird Sports Centre where BINI will hold a concert. The blue spots indicate the available seats as of June 20, 2025.

TICKET PRICES

May kamahalan din daw kasi ang presyo ng tickets na nagkakahalaga ng 36 hanggang 239 Canadian dollars.

May nagsabing nagbaba na ng presyo ng tickets, pero hindi ito kinumpirma ng isang kausap ng PEP Troika.

Kapag hindi gaanong puno ang venue ay pinabababa raw ang mga nasa itaas. Pero karamihan sa mga taga-Canada ay naiinis daw kapag pinababa ang mga bumili ng tickets sa itaas na seats.

Kaya ang iba raw ay last minute na bumibili ng ticket o kaya ay hindi na lang.

Sa mga Pinoy raw ay okay lang na nakakahalubilo nila sa ibaba ang mga bumili ng murang tickets. Pero ang mga puti ay ayaw ng ganun.

Yung ka-chat namin ay hindi gaanong kilala ang grupong BINI kaya nagtataka siya kung bakit sa ganun kalaking venue sila magko-concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas maganda raw at sosyal ang venue na pinag-concert-an nina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, at ilan pang malalaki nating singers.

Mahirap daw talagang punuin ang isang university sports center na parang soccer field.

Read: Shuvee Etrata finally admits real score with Anthony Constantino

NOEL FERRER

Sa pagkakaalam namin, itong sa Vancouver, BC, ang pinakahuling stop ng BINIverse World Tour.

Ginanap ang kick-off nito sa Philippine Arena noong February 1, 2025.

Pagkatapos nito ay nag-perform ang BINI sa Dubai noong Mayo; at tumuloy ng London, England; New York; Washington, D.C.; Boston, Massachusetts; Illinois; Texas; Las Vegas; San Francisco; at Seattle, Washington.

Tsaka sila tumuloy sa Vancouver na three-hour drive lamang ang layo mula sa Seattle.

biniverse schedule
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ng source ng PEP Troika, mas pinag-uusapan daw ang screening ng pelikula nina Charo Santos at Dingdong Dantes na Only We Know.

Nakita namin sa social media na dinaluhan ito ni Dingdong Dantes.

Sa Toronto, Canada, raw ito na ginanap sa Cineplex Scarborough Town Center nung June 20 at 21.

Pagkatapos daw ay tutuloy na sila ng Cinemark Carson sa Los Angeles, California, sa June 22.

Read: TV Ratings: Sang'gre, tumalab ba ang powers sa Batang Quiapo?

JERRY OLEA

Basta, dito sa Pilipinas, sikat na sikat ang BINI at SB19, na parehong tampok sa Puregold OPM Con 2025 sa Hulyo 5, 2025 sa Philippine Arena.

Tingnan natin kung alin sa Blooms at A’Tin ang mas malakas ang sigawan sa event na iyan.

puregold opm con
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BINI DOCUSERIES

Noong Hunyo 12 ay nag-world premiere sa iWant ang BINI Chapter 3: Hanggang Dulo.

Sa pangunguna ng iWant Orginals at ABS-CBN News Documentaries, tampok sa huling yugto ng docuseries ang pagsusumikap nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena na makilala sa buong mundo at ang matibay nilang samahan bilang isang grupo.

Sa direksiyon ni Jet Leyco at panulat ni Jeff Canoy, hatid din ng BINI Chapter 3: Hanggang Dulo ang pasilip sa tagumpay at mga pinagdaanan ng BINI sa labas ng bansa.

Kabilang diyan ang ilang eksena mula sa kanilang BINIverse World Tour sa Estados Unidos at Canada, pati na ang homecoming concert nila sa Araneta Coliseum.

Noong Mayo, nakatanggap ng finalist certificate ang unang yugto ng BINIdokyu na Born to Win sa 2025 New York Festivals TV & Film Awards, sa ilalim ng Biography and Profiles category.

Patunay ito sa makabuluhan at makasaysayang kontribusyon ng grupo sa industriya ng musika, lokal man o internasyonal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong mapapanood at available ang dalawang naunang yugto ng docuseries na Born to Win at Here with You sa iWant.

Available na rin ang iWant via Chromecast at Airplay.?

Mag-subscribe na sa iWant sa halagang ?35 kada buwan at panoorin ang docuseries, kasama ng iba pang iWant Exclusive Originals, sa iyong Smart TV.

I-experience ang unang patikim sa “glow-up” at bagong viewing experience hatid ng iWant bago ang inaabangang full relaunch ngayong Hulyo.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BINI will hold the last leg of the BINIverse World Tour in Vancouver, Canada, on June 21, 2025.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results