GORGY RULA
Pagkatapos ng maaksyon at madramang ending ng Mga Batang Riles noong Biyernes, Hunyo 20, 2025, muli naming pinag-usapan ni Ynez Veneracion ang usap-usapan nang nagsisimula pa lamang umere ang kanilang teleserye.
Ang daming nag-comment tungkol sa kanyang mukha, lalo na nang lumabas ang art card ng kanyang character na si Dolor.
Ayon sa ilang netizens, hindi nila halos nakilala ang aktres.
May mga nagkomentong namamaga raw ang kanyang mukha na tila laging may subong kendi, at kung anu-ano pang bashing.
Read: Ynez Veneracion, na-injure sa last taping day ng Mga Batang Riles

“Sabi ko nga, dahil dito sa Batang Riles, at least nag-trending ako!” natatawang reaksiyon ni Ynez nang nakapanayam siya ng PEP Troika noong Miyerkules, June 18.
“Yung iba nga diyan, 'Paano ba ako mag-trending?'
"Dyusko, dumudugo na utak nila paano sila mag-trending. At least, hindi natin sinasadya.”
YNEZ VENERACION ADMITS UNDERGOING COSMETIC SURGERY
Hindi itinanggi ni Ynez na "nagparetoke" siya ng mukha.
Saad niya: “Sabi ko nga, bakit masyadong big deal na yung pagpapaayos, pagpapaganda dito, e, kahit naman sa ano uso na yan?
"Kahit naman sino gumagawa niyan. Hindi lang naman ako ang nagparetoke.
“Ako lang ba ang nagparetoke? Hello?!
"Gusto niyo ba mag-name drop ako, char! Ang dami naman diyan.”
Aminado rin si Ynez na iba talaga ang hitsura niya sa mga litrato. Hindi raw mabait sa kanya ang kamera.
“Sabi ko nga, pag nakita niyo naman ako sa personal, hindi naman ako ganun! Siguro, talagang hindi ako love ng camera, sabi ko.
“Kasi katulad ngayon na nagmo-motorcade ako, siyempre hindi natin maiwasan na maka-encounter tayo ng mga fans na butangera ba, mga taklesa ba, di ba?
“Ang dami kong naririnig, 'Ay, iba pala siya!' Mga ganyan. ‘Alam mo, hindi ka maganda sa TV.’
"Sabi niya, ‘Ang liit-liit pala ng mukha mo. Bakla to, e! Naku, pa-picture tayo!’
"Sasabihin ko sa kanila, iba talaga. Iba ang hitsura mo sa TV at sa personal. Ang liit ng mukha.
“Kaya nagtataka ako, kaya sabi ko, lahat ng mga taong nakakakita sa akin, 'Mukhang Barbie, mukhang manika, hindi tumatanda.' Unless, plastikada sila!
"Pero yun nga, hindi raw ako maganda sa TV.
“Pero mas gusto ko yun. Yung hindi ka kagandahan sa TV, pero dyosa ka sa personal.
"Mas gusto ko yun talaga, 'Day!” dagdag ni Ynez.
Read: Ynez Veneracion addresses basher name-calling her: "Manlalait ka, e, di naman kita kilala."
NOEL FERRER
Ipinaliwanag ni Ynez Veneracion kung bakit nagbago ang mukha niya.
Dalawampung taon na raw ang nakararaan nang nagpa-fillers siya sa mukha dahil sobrang humpak daw ito.
Ang dami raw nagsabi sa kanyang mas nagmumukha siyang matanda, kaya nagpa-fillers siya sa isang sikat na beauty clinic.
Ngayong dalawang dekada na ang nakararaan, natural lang na mag-sag na ito, kaya ginawan daw niya ng paraan.

Ayon kay Ynez: “Na-enjoy ko naman yun ng 20 years! Until sa Mga Batang Riles, dun lang medyo, kasi nga we’re aging.
"As time goes by, sabi ko, lahat naman nagbabago na.
“Sabi ko, 'Okay lang yan!' Imbes na masaktan ka, gawan mo na lang ng remedyo. Mas maganda yung ganun.
“Iyak-iyak ka, masasaktan ka, ganun naman talaga. Hindi lang naman po tayo ang naba-bash, marami.
“Kung ano yung mali, e, di itama mo na lang. Kung ano yung nakita nilang pangit sa iyo, i-try mo kung papano mapapaganda.
“So, nag-RF ako, RF ako nang RF.”
Ang "RF" na sinasabi ni Ynez ay Radio Frequency na isang slimming treatment.
Pagbabahagi ng aktres: “Nung nakikita ko na lately, okay na siya through RF na lang.
“Hindi mo siya puwedeng ipa-lipo o ano. Kasi pag mamaga ka, may taping ako, e.
“So, in fairness, yung mga friends ko, ‘OK na,' sabi nila. ‘Hindi na maano yung face mo, hindi na katulad ng dati. Tuloy mo lang yung RF.’ Kaya tinutuloy ko yung RF.
“Siguro yung fillers na nilagay twenty years ago, nag-sag na. Twenty years na bago nag-sag, okay na rin.
“So ngayon, nung nag-sag, remedyuhan mo lang. Ayun, nawawala na siya.”
Read: Vic Sotto reacts to son Vico's "low quality" cellphone
JERRY OLEA
Meron pa ba siyang balak ipaayos sa mukha niya?
“Secret, charot! Ayaw tumigil ng p**ah! Na-bash ka na nga, ayaw mo pang tigilan!” bulalas niya.
“Siguro papatanggal ko lang ito,” sabi ni Ynez, sabay turo sa kanyang nasal bridge.
“Pababalik ko na lang sa dati. Parang hindi ko lang siya nagustuhan. Nagmukha akong witch.
"O, di ba? Huwag niyo na akong i-bash. Iba-bash ko yung sarili ko!
“Ewan ko ba! Yung gumawa sa akin ng Barbie, Barbie na nose, hindi naman Barbie.
“Akala ko ba, gagawin mo akong Barbie, nagmukha akong witch!” nakakaaliw na tsika ni Ynez.
Ngayong tapos na si Ynez sa taping ng Mga Batang Riles, magpo-focus muna raw siya sa pag-aalaga sa dalawa niyang anak.
Umaasa ang aktres na mabibigyan siya uli ng GMA-7 ng kasunod na project.
Read: Mikee Quintos finally graduates from college after 10 years
