GORGY RULA
Naimbitahan ang PEP Troika sa Sab-uyan Festival na kasalukuyang ipinagdiriwang sa Pola, Oriental Mindoro.
Ibinida sa amin ni Pola Mayor Jennifer Cruz — na mas kilala sa showbiz bilang Ina Alegre — na halos araw-araw ang events sa kanilang fiesta.
Kabilang dito ang Bangkarera, Ms. Pola 2025, Latiti Hydroparty, at marami pang iba.
Noong Linggo, June 22, ginanap ang search for Ms. Pola 2025 na dinaluhan ng aktor na si Gabby Concepcion para i-serenade ang mga kandidata.
Ilang beses na palang nakapunta ng Pola si Gabby, dahil hilig talaga nito ang dagat.
Hindi namin nakatsikahan ang aktor dahil pagkatapos niyang kumanta ay kaagad siyang bumiyahe pabalik ng Maynila.
Kailangan daw niyang makabalik nang maaga dahil may taping pa sila sa My Father’s Wife na nagsimulang umere sa GMA 7 ngayong Lunes, Hunyo 23, 2025.
Read: Dennis Trillo calls out bashers for inappropriate comments about Jennylyn Mercado's son
OIL SPILL IN POLA
Ikinuwento ni Mayor Ina Alegre sa PEP Troika na mayroon silang pinag-uusapan ni Gabby na proyekto para sa karagatan sa Pola.
Hindi lang daw muna niya maaaring ibahagi ang buong detalye, pero maganda raw ang naisip ni Gabby.
May kinalaman ito sa rehabilitation ng karagatan sa Pola pagkatapos itong masira ng oil spill na sumalanta sa kanila noong 2023.
Sabi ni Mayor Ina, hindi pa naibabalik ang dating kayamanan ng kanilang karagatan pagkatapos nitong naapektuhan nang husto ng oil spill.
Marami raw sa kanilang mga mangingisda ang hindi pa nakakabalik sa trabaho, dahil ang hirap na ng huli ngayon.
Saad ng actress-turned-politician: “Until now, meron ka pang nakikitang tar balls, may nakikita ka pang ano, at hindi pa talaga nakakabangon.
“Nalinis lang natin yung dalampasigan, pero hindi pa talaga ganun karami ang huli.
"Would you imagine dati yung shells, nakukuha lang natin sa mga gilid-gilid ng dagat, wala pa until now?
“Ang recovery siguro mga after 10 years. Mabigat pala… yung mga shells, wala kang makukuha diyan.
“Makikita mo dati pag nagkakalaykay ka dito sa gilid, madaming parang kabibe, ang dami niya before. Pero ngayon, wala na.
"Yung mga halaan, ang dami niyan dito sa Pola, ngayon wala na.
“Yung dati, pag nasa tabing-dagat ka, ang hanapin mo na lang, bigas. Ngayon, hindi na, hanapin mo na rin pati pang-ulam,” saad ni Mayor Ina.
Read: Construction worker Cardong Trumpo is Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner
JERRY OLEA
Ayon kay Mayor Ina Alegre, nakakatuwa si Gabby Concepcion dahil nakikita raw niya na gusto nitong makatulong sa mga mangingisda sa Pola.
Nag-iisip daw ni Gabby kung ano ang puwede nitong maitulong para maiangat ang kabuhayan ng mga mangingisda.

“Ngayon, nag-propose sa akin si Gabby ng isang proyekto para sa karagatan.
"Hindi ko pa puwede i-announce, e. Pero napakaganda ng project.
"Makakatulong ito sa mga mangingisda. Sobrang tulong nito,” sabi ng alkale ng Pola.
Dagdag niya: “Siguro later o sooner, mag-start na kami ni Gabby Concepcion.
“Bilib ako kay Gabby. Sobrang galing niya pagdating sa pag-iisip tungkol sa kalikasan. Dagat boy yun, e.
“Meron talaga siyang naisip na matagal na raw niyang project yun. Pero ngayon lang niya ilu-launch sa Pola.
“Hindi pa niya nagagawa ito. Gusto niya dito sa Pola.
"Kasi nga, nasira yung karagatan natin, so gusto niyang tulungang bumangon. Gusto niya talagang i-uplift ang mga fisherfolks ng Pola.
“Ang galing niya, e! Ang galing ng utak niya. Bilib ako sa kanya,” sabi pa ni Mayor Ina.
Malalaman din daw kung ano itong project na gagawin nila kapag sisimulan na nila ito.
Read: Ynez Veneracion, tinawanan lang ang mga puna sa kanyang mukha
NOEL FERRER
Ayon kay Mayor Ina Alegre, tuloy pa rin ang film project tungkol sa nangyari sa kanilang bayan nang nagka-oil spill.
Hindi pa lang daw niya maasikaso nang husto dahil mas tinututukan muna niyang matapos ang kaso nila sa kumpanya ng barko na naging sanhi ng oil spill.
“Gusto ko kasi, bago ko gawin yung movie, naipagtanggol ko yung mga fisherfolks, kasi hinihintay ko yung kaso,” sabi niya.
Dinadayo pa raw niya ang ibang lugar para dumalo sa mga hearing.
Saad niya: “Kasi ang daming lugar kung saan nag-dock yung barko.
“Just in case na manalo sa kaso, yon yung ituloy natin.
“Ongoing pa kasi yung case, e. Kailangan kong hintayin.
"Kailangan managot yung sumira ng kalikasan. So, hinihintay ko yun.
“Nasa DOJ, nasa mga korte na kung saan nag-land yung barko, at kung saan sila nagkasala.
“Ang dami, e, pumupunta ako ng Bacolod…ang layo ng mga pinupuntahan kong hearing.
"Pero para sa fisherfolks, ginagawa ko. Sarili kong gastos. Ina-attend ko yung hearing, para sa kanila.”
Read: Is Kylie Padilla still in a relationship with "Tattoo Guy"?
