PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pilipinas Got Talent grand finals, nagpasiklab sa ratings

Mga Batang Riles, malakas din ang finale episode.
by PEP Troika
Published Jun 23, 2025
pilipinas gor talent
The two final episodes of Pilipinas Got Talent posted high ratings. Cardong Trumpo (in photo) was declared the grand winner.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube

GORGY RULA

Nagpasiklab nang bongga sa ratings ang dalawang huling episodes ng Pilipinas Got Talent (PGT) noong Hunyo 21 at 22, 2025, Sabado at Linggo.

Bukod sa nag-trending ang PGT, mukhang inabangan talaga ito ng sambayanan dahil mataas ang naitalang ratings nito.

Lumaban ito sa mga katapat na programa sa GMA-7.

Noong Sabado, June 21, ay naka-6.6% ang PGT.

8.1% naman ang Pepito Manaloto, at kahit paano may viewers din ang PBA sa RPTV na naka-2.2%.

Noong Linggo, June 22, kung saan idineklarang si Cardong Trumpo ng Cavite ang grand champion, ay naka-7.8% ang PGT.

Bahagya nitong natalo ang The Clash na naka-7.5%.

Read: Dennis Trillo calls out bashers for inappropriate comments about Jennylyn Mercado's son

MGA BATANG RILES FINALE

Noong Biyernes, June 20, naman ay mataas din ang finale episode ng Mga Batang Riles na naka-8.6%.

mga batang riles finale
Mga Batang Riles cast: (from left) Raheel Bhyria, Kokoy de Santos, Miguel Tanfelix, and Anton Vinzon
Photo/s: GMA Drama Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang katapat nitong Incognito ay 7.8%.

Noong Sabado, June 21, naman natapos ang Prinsesa ng City Jail na naka-7%.

prinsesa ng city jail
Allen Ansay and Sofia Pablo in the finale episode of Prinsesa ng City Jail
Photo/s: GMA Drama Facebook

Mukhang mababa ang viewership nung araw na yun dahil kahit ang ibang programa ay hindi rin ganun kataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang It’s Showtime, kung saan pinag-usapan ang guesting ni Klarisse de Guzman, ay naka-5%.

Ang Eat Bulaga! na nag-finals ang kanilang "Gimme 5" segment ay 3.6% ang naitalang rating.

Pagkatapos ng Prinsesa ng City Jail ay ang Tadhana na naka-5.8%.

Sumunod ang Wish Ko Lang! na 5.3%, at ang Maka ay 4%.

Siyangapala! Nadagdagan pa ng bagong characters ang Maka na gagampanan nina Anton Vinzon, Raheel Bhyria, at ang Sparkle Campus Cutie winner na si Mad Ramos.

Read: Meet Mad Ramos, the first Sparkle Campus Cutie winner

NOEL FERRER

Noong Biyernes, Hunyo 20, ay hindi rin ganoon kataas ang viewership ng mga panghapaong programa na madalas ay mas mataas pa sa ilang primetime shows.

Ang It’s Showtime ay 5.3%, at 3.3% naman ang Eat Bulaga!.

Ang penultimate episode ng Prinsesa ng City Jail ay naka-6.5%.

Mas mataas nang konti ang Mommy Dearest na 6.6%.

Sumunod ang Binibining Marikit na 6.5%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.4%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Red Balloon ay 2.4%.

Ang Family Feud, kung saan na nag-promote ang cast ng Sanggang Dikit, ay 7.2%.

Sa primetime naman nung Sabado, June 21, ay halos ganun pa rin ang viewers ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, dahil naka-6.7% ito.

Nakapagtataka lang na mainit na pinag-uusapan online at madalas na nagte-trending ang PBB Celebrity Collab, pero hindi gaanong umaalagwa ang ratings nito sa free TV.

Hindi katulad ng Pilipinas Got Talent na malakas din online, at pinanood din siya sa free TV.

JERRY OLEA

Kinabog ni Cardong Trumpo sina Ody Sto. Domingo, Femme MNL, JB Bangcaya, Jessie J, NDDU GNRLS, Carl Quion, at Manza sa final showdown ng PGT last Sunday sa The Theater, Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.

Nagkamit si Cardong Trumpo ng grand prize na PHP2M.

Hurados sa paligsahan sina Freddie M. Garcia, Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo.

Read: Construction worker Cardong Trumpo is Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
pilipinas got talent
Cardong Trumpo declared Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner
Photo/s: Pilipinas Got Talent Facebook

KAPAMILYA LIVE IN KENYA POSTPONED

Siyangapala, hindi tuloy ang Kapamilya Live in Kenya na gaganapin sana sa Hunyo 28, Sabado, sa Nairobi Cinema.

Ini-announce ng ABS-CBN noong Hunyo 21, Sabado: “We know our Kenyan fans have been looking forward to our KAPAMILYA LIVE IN KENYA to see Coco Martin and Julia Montes, who are as excited to meet and perform for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unfortunately, due to the ongoing conflict in the Middle East affecting airspace safety and flight cancellations, we regret to inform you that Kapamilya Live in Kenya is postponed until further notice.

“We are committed to bringing Coco and Julia to Kenya, and we will announce the new dates soon. Asanteni sana for the love, understanding, and support!”

Read: Cremated remains ni Red Sternberg, iuuwi sa Pilipinas

kapamilya live
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The two final episodes of Pilipinas Got Talent posted high ratings. Cardong Trumpo (in photo) was declared the grand winner.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results