GORGY RULA
Ikatlo’t huling linggo na ng Virgin Lab Fest XX: Hinog mula Hunyo 25, 2025, Miyerkules, hanggang Hunyo 29, Linggo, sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater sa Pasay City.
Bawat set of three plays sa theaterfest na ito ay may eme sa pagdiriwang ng Gay Pride this month.
Dahil sa Angelica Panganiban factor ay ubusan ng tiket sa Set D — May Asim Pa.
“Sold out na sold out. May block buyer,” sabi ng source ng PEP Troika.
Read: Is Kylie Padilla still in a relationship with "Tattoo Guy"?
Na-devirginize si Angelica sa dulang Don’t Meow For Me, Catriona kung saan nakipagpingkian siya ng akting sa beteranang si Peewee O’Hara.
Mag-ina ang papel nila.
Mapag-aruga ang mga bakla sa kani-kanyang ina generally kaya hati ang emote ng mga accla sa mga hanash ng karakter dito ni Angelica.

LESBIAN AND GAY CHARACTERS VIRGIN LAB FEST XX
Sa dulang Anniversary, ang karakter ni Bibeth Orteza ay pushy lola na lesbiana.
Sa pasabog na dulang Mommy G, tomboyita rin ang karakter na Toni aka Tonette na ginampanan ni Manok Nellas.
Maraming gurang na badidang ang maiinggit sa alindog at halimuyak ni Mommy G, na sakdal husay na ginampanan ni Sherry Lara.

Highly recommended din ang politically charged na Set B — Manibalang.
Iyong title pa lang na Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary ay juding na juding na.
Joklita mirasol si Mariah na ginampanan ni Lian Silverio.
Boyfriend niya ang malinamnam na si Mentong na ginampanan ni Esteban Mara.
Talap-talap ang mahiwagang papaitan ni Mentong, na tila pinagpapasasaan din ni Fr. Mijares (Roobak Valle/George de Jesus III).

Sa revisited na Set E — Panghimagas ay high school tunggrilan naman sa Sa Babaeng Lahat.
Ang setting ay all-girls school.
Crush ng resident tibo na si Gab o Gabriela (Yanni Lopez) si Regina (Francesca de la Cruz), na pakipot pa’t kiput-kiputan ang daddy issue.
Best friend ni Regina ang “ethel booba” na si Marie (Jam Binay), na pakiwari’y si Archangel Gabriel ang nagduyan sa kanya sa sukdulan ng di-matingkalang agony and ecstasy.
Nasa Set A — Bubot ang Polar Coordinates kung saan lubhang nakakakilig ang young love, sweet love ng Grade 10 na sina Igo (Jack Denzel) at Bobbie (Michael Hilao).
BL! Mana raw sa ama si Igo?!

Nasa Set C — Kinalburo naman ang Mga Magindara Sa Siyudad kung saan gumanap ang sintamis ng wine na si Raf Pineda bilang sirena sa perya na si Maureen.
Read: Dennis Trillo calls out bashers for inappropriate comments about Jennylyn Mercado's son
NOEL FERRER
Hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Pelikulaya: Encounters mula Hunyo 21 hanggang 29 sa SM Megamall, SM North Edsa, SM Manila, at SM Mall of Asia.
Tatlong pride stories exploring identity, connection, and belonging ang featured dito — Young Hearts ni Anthony Schatteman, Portrait of a Lady on Fire ni Céline Sciamma, at Pierce ni Nelicia Low.

“Bring your friends and invite your family —these stories are meant to be understood, felt, and remembered,” paanyaya ng FDCP sa Facebook post.
UNCONDITIONAL
Opening sa local cinemas sa Hunyo 25, Miyerkules, ang LGBTQIA+ film ni Direk Adolf Alix Jr. na Unconditional.
Love story ito ng straight girl na si Anna (Rhian Ramos) at transman na si Greg (Allen Dizon).

Kabilang sa characters sa Unconditional ang fluid na si Uly (Rico Barrera), ang baklang si Jonel (Joel Lamangan) na nagmahal sa straight guy na si Bogart (Marcus Madrigal), at ang drag queens (Tetay, Lady Morgana, Turing) na amigas ni Jonel.
May cameo rin ang transman na si Nil Nodalo.
RAINBOW QC PRIDE FILM FESTIVAL
Sa Hunyo 25-26 ang Rainbow QC Pride Film Festival sa Cinema 12 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Special edition ng QCinema ang queer filmfest na ito, kung saan ipapalabas ang full-length films na Some Nights I Feel Like Walking, The Wedding Banquet, Cocoon, at Consequences.

Bida sa Some Nights I Feel Like Walking sina Miguel Odron, Jomari Angeles, Argel Saycon, Tommy Alejandro, at Gold Aceron, sa direksiyon ni Petersen Vargas.

REEL PRIDE AT AYALA MALLS
Sa Hunyo 25-Hulyo 1 ang Reel Pride sa Ayala Malls Manila Bay, Ayala Malls Circuit, Fairview Terraces, at Trinoma.
Ipalalabas sa mga sinehan ang mga pelikulang Pusong Mamon, Macho Dancer, Two and One, at Mahal Kita, Beksman.
Ang regular ticket price ay PHP180. Para sa mga estudyante, P160 lang ang tiket basta mag-present ng valid student ID sa takilyera.

LOVE AT FIRST STRIKE
Sa Hunyo 27, Biyernes ng 8:00 P.M., ay mapapanood sa iWant ang second episode ng BL series na Love At First Strike starring Emilio Daez and Sean Tristan.

Nakatakda naman ang Alt-R Heroes 2025: From LGBT Rights to Human Rights sa Hunyo 29, Linggo ng 1:45-10:00 P.M., sa Sine Pop, St. Mary St., Quezon City.
SA PANAHONG WALANG KATIYAKAN
Presented by GagOOLala, meron ditong talks, short film competition, homecoming screening ng Guardia de Honor, at special preview ng Sa Panahong Walang Katiyakan starring Awin Valencia and James Ramada as lovers split by class.
Mapangahas sina Awin at James, pero mas mapangahas sa movie sina CJ Barinaga at Jonathan Ivan Rivera.
Di ba, Direk Jay Altarejos?
Read: ChaRes first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition

JERRY OLEA
Sa Hunyo 28, Sabado, ay handog ng PhilStagers Foundation (PSF) ang 3-in-1 Pride Month Plays na Pride Show.
Dalawang showtime ito — 2:00 P.M. na sold out na, at 7:30 P.M. na may limited slots pang available.
Gaganapin ito sa PSF Blackbox Theater na malapit sa PS Bank-G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Ang tiket ay PHP600.
Ang tatlong provocative stage plays ay Moment to Moment ni Vince Tañada; Good Night, Love ni JP Lopez; at 3 Men On An 1sland ni Johnrrey Rivas.
MOMENT TO MOMENT
Tampok sa Moment to Moment sina James Ramada, Awin Valencia, at Renee Escurel.
Sina James at Awin ay mga bida rin sa pelikula ni Direk Jay Altarejos na Sa Panahong Walang Katiyakan (In A Time of Uncertainty).

Kuwento ni Awin nitong Hunyo 23, Lunes ng gabi, via Messenger: “Ang Moment to Moment ay nangyari noong 2019.
"Tungkol ito sa dalawang magkaibigang gustong matuto ng pag-arte. Pumasok sila sa isang acting workshop.
“Sa loob ng ilang buwan, sumailalim sila sa masinsinang training, hanggang sa dumating ang kanilang graduation.
“Bilang celebration, nagplano silang pumunta sa Puerto Galera at inimbitahan nila na sumama ang kanilang acting coach.
“Sa kanilang bakasyon, habang sila’y nagkakasayahan at nag-iinuman, isang gabi ang naging turning point: sa isang madilim na silid, nagkaroon ng di-inaasahang sandali sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
“Isang sandaling puno ng pagkalito, pagtuklas, at emosyonal na tensyon. Lahat ito'y nasaksihan ng kanilang acting coach.
“Kung ito'y bahagi ng isang staged play, mas mainam na ang paglalahad ay may tamang tone, sensitivity, at hindi bastos o sensationalized.
“Gusto nating maipakita na ito ay kuwento ng identity, intimacy, at emotional complexity — hindi lang basta provocative.”
Mahigit sampung beses nang itinanghal ng PSF ang Moment to Moment.
GOOD NIGHT, LOVE
Iyong Good Night, Love na tampok sina OJ Arci at Gerald Magallanes ay maraming twists and turns. Intense ang confrontations dito ng dalawang karakter.
3 MEN ON AN 1SLAND
Bida naman sa 3 Men On An 1sland sina Victor Relosa, Fidel Redado, at Ken Intano, kasama sina Rajja Mater, Renz Saavedra, at Marina Esperida.
Matindi ang shock value ng dulang ito na unang itinanghal noong Mayo 24, kung saan napa-“Oh My God!” si Mercedes Cabral sa sukdulan ng palabas samantalang napa-chant si Soliman Cruz.
Maging ang girlfriend ni Victor na nanood that night ay nawindang.
SRO (standing room only) ang nasabing pagtatanghal, at inaasahang dudumugin muli ito sa Sabado ng gabi.

Kumpirmadong manonood diyan si Direk Roman Perez Jr. na ilang beses naidirek si Victor sa VMX (dating Vivamax) movies, ganoon din si Dante Balboa na writer-director ng one-character play na Walong Libong Piso kung saan halinhinan sa pagganap sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Drei Arias, at Juan Paulo Calma.
Ayon sa source ng PEP Troika, ang pagtatanghal ng 3 Men On An 1sland sa Sabado ng gabi mas malala.
Read: Construction worker Cardong Trumpo is Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner
