JERRY OLEA
Payanig ang unang pagtatanghal ng dulang 3 Men On 1sland noong Mayo 24, 2025 sa Blackbox Theater ng PhilStagers Foundation (PSF) sa 2075 G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Ang dula ay isinulat at idinirek ni Johnrey Rivas, at tinampukan nina Victor “VR” Relosa, Fidel Redado, at Ken Intano, kasama sina Rajja Mater, Renz Saavedra, at Marina Esperida.
Ipalalabas uli ang 3 Men On 1sland sa Hunyo 28, Sabado ng 2:00 P.M. at 7:30 P.M. sa kaparehong venue.
Bahagi iyon ng Pride Show: 3 in 1 Pride Month Plays, kung saan tampok din ang mga dulang Moment to Moment (by Vince Tañada, starring James Ramada, Awin Valencia, and Renee Escurel) at Good Night, Love (by JP Lopez, starring OJ Arci and Gerald Magallanes).
Read: Pride Month: Gay and lesbian characters take center stage

VR RELOSA ON RESTAGING OF 3 MEN ON AN 1SLAND
Ano ang feeling ng VMX (Vivamax) actor na si VR Relosa sa pagtatanghal muli ng 3 Men On An 1sland?
“Mas nakaka-pressure po,” tugon ni VR via Messenger nitong Hunyo 25, Miyerkules.
“Nung first run kasi, hindi ako nag-invite. Kasi, first stage performance ko — nilamon ako ng takot.
“This time, halos lahat ng naging director ko ay manonood, pati mga close friends ko.
“Lagi ko nga iniisip kung ano pa ang puwede kong ibigay na bago. Parang dapat, mas magaling ako ngayon.
“Kasi may confidence na ako, e, di katulad nung first time.”
Kabilang sa VMX projects ni VR ang Pihit, Kabit, Lagaslas, Rita, Mama’s Boy, Sila Ay Akin, Kamadora, Paluwagan, Tampipi, Maharot, Kahalili, Secret Campus, Halo-halo X, at Palipat-lipat, Papalit-palit.
Maraming beses nang naghubad sa VMX si VR, pero nawindang pa rin ang kanyang girlfriend sa kapangahasan niya sa entablado.
Manonood ba muli ang girlfriend niya sa restaging ng 3 Men On An 1sland? Ano ang sabi niya sa nauna nilang performance?
“Baka hindi na. Kasi, may prior commitment na siya,” sagot ni VR.
“Pero noong unang beses niya napanood, sabi niya sa akin pag-uwi, natulala na lang daw siya.
“Kasi, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Nasa front row pa man din siya. Ha! Ha! Ha!”
Read: Japanese adult actress Asuka Kirara denies prostitution allegations with Ju Haknyeon
NOEL FERRER
Kumusta ang dynamics ni VR Relosa sa co-actors niyang sina Fidel Redado at Ken Intano?
May maseselan silang eksena sa dula. Matindi na sila sa dress rehearsal noon, nag-level up pa ang kapangahasan sa mismong performance.

“Mas ok po ngayon, kasi mas kilala na namin ang isa’t isa, mas nakakatulong sa pag-build ng relationship ng characters,” sabi ni VR.
“Mas alam na namin yung dynamics. Excited ako dito, kasi nung nag usap-usap kami, pare-parehas kami na gusto, bago ang ipakita sa rerun. Sana ma-pull off.”
Naku, ang sabi ng founder ng PhilStagers Foundation na si Atty. Vince Tañada, mas malala ang pagtatanghal ng 3 Men On An 1sland sa Sabado!
Ano kaya ang masasabi ng mga taga-PhilStage sa ganitong palabas ng PhilStagers?
Ano kaya ang epekto nito (if at all) sa mga produksiyon ginagawa ng mga taga-Gawad Buhay?
Teka, bakit nga ba hindi kasali sa PhilStage ang PhilStagers (samantalang dalawang letra lang ang layo ng kanilang pangalan)?
Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
GORGY RULA
Magkakaiba ng kuwento ang tatlong dulang Moment to Moment, Good Night Love, at 3 Men On An 1sland.
What can we expect sa palabas ng PSF na 3-in-1 sa Sabado? Ano ang relevance ng mga ito sa pagdiriwang ng Gay Pride?
“Isang matapang, unapologetic and truthful na pag-atake sa mga kwentong LGBTQ ang matutunghayan sa entablado ng Philstagers,” pahayag ni Atty. Vince.
“Noon pa naman, advocate of truth na ang aming grupo. Hindi lang puro shock value kundi makatotohanin din.
“Mula sa pelikulang Katips na humakot ng mga awards, pinatunayan na ng Philstagers na kaya nitong banggain ang kahit na anong pader na nagpapalaganap ng fake news at history distortion.
“Hanggang sa entablado, mabisa nitong ginagamit ang sining para makapagbigay ng matapang at totoong kwento ng mga LGBTQ, hindi lamang para magbigay ng aliw kundi para kapulutan din ng aral.”
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"
