GORGY RULA
Nagsimula ang dalawang bagong drama series ng GMA-7 noong Lunes, Hunyo 23, 2025.
Sa Afternoon Drama ay nag-umpisa na ang My Father’s Wife nina Gabby Concepcion at Kylie Padilla.
Hindi nga lang ganun ka-impressive ang rating nito. Naka-5.7% lamang ito.
Nagkulang ba sa promo?
Pero kapansin-pansing mababa ang viewership noong araw na yun.
Ang It’s Showtime ay 5.3%; at 3.2% naman ang katapat nitong Eat Bulaga!.
Consistent na malakas ang Mommy Dearest, pero 6.6% lang ang naitalang rating nito, kapareho ng Binibining Marikit.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4.7%, at kasisimula lang din ng The Lovely Runner na 3.1%.
Ang Family Feud ay 7.7%.
Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on Instagram
PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime ay nag-pilot ang Sanggang Dikit FR nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Naka-8.2% ito, at tinaasan ang Incognito na naka-7.6%.
Samantala, ang 24 Oras ay 13.3%; 3.2% ang TV Patrol, at 2.6% ang Frontline Pilipinas.
Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay 11.6%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 13.9%.
Pagkatapos ng Sanggang Dikit FR ay Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition na naka-4.2%.
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"
NOEL FERRER
Pagdating ng Martes, June 24, ay bahagyang tumaas ang My Father’s Wife. Naka-6% ito.
Hindi pa rin ganoon kataas ang viewing level sa hapon.
Ang It’s Showtime ay 5%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Pagkatapos ng My Father’s Wife ay na-maintain ng Mommy Dearest ang 6.6%, at ganoon din ang Binibining Marikit.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4.7%, at ang The Lovely Runner ay 3%.
Ang Family Feud naman ay 7.8%.
Sa primetime ay na-maintain pa rin ng Sanggang Dikit FR na mataas ang rating kahit medyo dumidikit na ang Incognito.
Ang 24 Oras ay naka-3.6%; 2.8% ang TV Patrol, at 2.1% naman ang Frontline Pilipinas.
Ang Sang’gre naman ay 11.9%, at lalo pang tumaas ang FPJ’s Batang Quiapo na 14%.
Ang Sanggang Dikit FR ay naka-8.5%, at ang Incognito ay 8.1%.
Sumunod na ang PBB Celebrity Collab Edition na 3.9%.
Ang daming nagandahan sa Sanggang Dikit FR.
Patapos na ang Incognito sa Hulyo, at talagang tumitindi na ang mga maaaksyong eksena.
Malapit nang mapanood ang mga eksena nilang kinunan pa sa Marawi City.
Tingnan natin kung malagpasan na nito ang Sanggang Dikit FR.
Read: DJ Nicole Hyala remains unfazed amid thyroid cancer diagnosis
JERRY OLEA
Bongga ang redemption ni David (McCoy de Leon) sa FPJ’s Batang Quiapo!
Aba! Nag-peak sa mahigit kalahating milyon o 673,931 concurrent viewers sa YouTube ang tumutok sa pamamaalam ni David nitong Hunyo 24, Martes ng gabi.
Tuluyan nang nagwakas ang buhay ng isa sa pinakakinamumuhiang karakter sa primetime TV na si David nang saksakin at barilin ito ni Miguelito (Jake Cuenca).
Before this ay ang naunang matinding plot twist.
Pagkatapos ng matagal na pagiging mortal na magkaaway nina David at Tanggol (Coco Martin), tuluyan nang humingi ng tawad si David sa kanyang kuya.
Nagsanib-pwersa ang dalawa sa isang madugong sagupaan laban kay Miguelito.

Sa kabila ng makapigil-hiningang bakbakan, napuno rin ng hinagpis ang naturang episode.
Naabutan ni Tanggol ang mga huling hininga ni David.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 P.M. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
INCOGNITO FINALE
Samantala, ang 128th or finale episode ng Incognito ay nakatakdang mag-streaming sa Hulyo 15 sa Netflix.
Ngayong Hunyo 25, Miyerkules, ay pangatlo ang Incognito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Mula Hunyo 23, Lunes, hanggang ngayon ay No. 1 sa nasabing talaan ang Our Unwritten Seoul, at pangalawa ang Mercy for None.
Ewan kung pupuwesto pa muli sa top spot ang Incognito.
Sa Biyernes, Hunyo 27, ay mag-i-streaming na kasi ang final season ng Squid Game.
Read: Pilipinas Got Talent grand finals, nagpasiklab sa ratings
