GORGY RULA
Sina Dominic Roque at Beauty Gonzalez ang special guests sa katatapos na Sab-uyan Festival ng bayan ng Pola sa Oriental Mindoro.
Nag-perform sila sa Latiti Hydro Party na ginanap sa municipal ground ng Pola, at game na game na nagpabasa kasama ang mga tagaroon.
Iinterbyuhin ko sana si Dominic, pero nakiusap itong huwag na, dahil mas gusto niyang tahimik na lang.
Okay lang daw kung ang girlfriend niyang si Sue Ramirez ang magsalita tungkol sa kanilang relasyon, dahil ito naman ang nasa showbiz.
Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on Instagram
DOMINIC ROQUE SAYS HE HAS QUIT SHOWBIZ
Nilinaw ni Dominic sa PEP Troika na taong 2018 pa ay tumigil na siya sa pag-aartista.
Hindi na raw siya tumatanggap ng offers dahil mas pinili niyang maging content creator. Kaya raw akala ng iba, siya yung artistang walang project.
Pinili raw niyang huwag nang tumanggap ng offers dahil mas nag-focus na siya sa bagong career, pati ang negosyo niyang pag-o-organisa ng events kasama ang ilang partners.
Sa kabila nito, patuloy pa rin siyang pinag-uusapan at visible sa showbiz dahil sa relasyon niya noon kay Bea Alonzo at ngayon kay Sue Ramirez.
Kuntento na raw siya sa buhay niya ngayon, at hinahayaan na lang ang mga ilang kuwentong ikinakalat tungkol sa kanya.
Ayaw na raw niyang magsalita dahil kapag naku-quote siya ay kung anu-ano ang sinasabi ng ibang tao at naba-bash pa siya.
Mas mabuti raw na huwag na lang siyang magsalita.
Base naman sa aming pag-uusap, nakikita ko kay Dominic na masaya siya para kay Bea at sa rumored boyfriend nitong si Vincent Co.
Mahirap lang magsulat dahil kampante siyang hindi ko isusulat ang iba pa niyang sinabi.
Pero masaya siya, at lalo pa siyang gumuwapo.
Pinagkaguluhan nga siya ng mga taga-Pola, lalo nung basang-basa na siya pagkatapos niyang mag-perform sa Latiti Hydro Party ng Sab-uyan Festival 2025.
Read: Kumusta ang pilot ratings ng My Father's Wife, Sanggang Dikit FR?

JERRY OLEA
Sobrang nag-enjoy naman si Beauty Gonzalez sa pagdalo sa fiesta ng Pola, Oriental Mindoro, kasama ang kanyang asawang si Norman Crisologo.
Naligo agad sila sa beach at ang saya rin nilang nakipagkuwentuhan kay Mayor Ina Alegre na nag-istima sa kanila.

Tama lang daw na tapos na siya sa taping ng Prinsesa ng City Jail.
Hindi raw siya makapaniwalang isang taon siyang nagte-taping ng afternoon drama na ito, at nabuo raw ang isang magandang relasyon sa kanyang co-stars.
Saad niya: “Nakakatuwa, one year na pala kaming nagsu-shooting na hindi namin namalayan.
“Ang saya lang, kasi ang gaan-gaan. Parang lahat kami, magkaswak ng ugali.
“Friendship. Yes, there is. I hope to see them again.
"Pero I’m not the type kasi na mabarkada. Hindi ako, like, palalabas. Siguro dahil may asawa na rin ako, ganyan.
"Pero pag may timing, at may mga parties at ini-invite ako, siyempre pupunta ako.”
BEAUTY REST
Wala raw muna siyang kasunod na soap pagkatapos ng Prinsesa ng City Jail dahil mas mabuting makapag-rest din muna siya at magkaroon ng panahon para sa pamilya.
“Siguro, totoo rin yung sinabi nilang na-burnout. Parang ano din, sunud-sunod kasi.
“Happy ako, but at the same time parang kailangan ko rin magpahinga. Naramdaman ko na.
“Pero siyempre pag may magandang project at... I will not say no. But for now, pahinga muna ako. Sa family, sa anak.
“Kasi seven months pa lang si Olivia [her daughter], wala na ako sa bahay, e. As in, tuluy-tuloy yung work ko.
“Kung kailan ako naging nanay, saka nagkakatrabaho.
"So, parang gusto kong bumawi, kung may time, kung kaya, kasi nagdadalaga na siya,” sabi ni Beauty.
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"
NOEL FERRER
Thankful si Beauty Gonzalez sa GMA-7 na tuluy-tuloy ang mga ginagawa niyang proyekto.
Sinu-sino sa Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho ulit?
Sagot ni Beauty: “Marami. Gusto ko makatrabaho ulit si Dingdong Dantes. I wanna work with him.
“Of course, I haven’t worked with Alden [Richards]. I haven’t worked with Dennis [Trillo].
"Ang dami pa sa GMA, si Ruru [Madrid], ang mga bata ngayon.
“Si Dingdong, gusto ko siyang makatrabaho ulit. Nung AlterNate, sobrang iksi lang ng pagsasama namin, e.
“So, I wanna work with him again. Lalo na ngayon na parang ang tagal na rin niyang walang teleserye.
“Tapos, si Gabby [Concepcion] siyempre. Ang gaan niyang makatrabaho.
"At si Kelvin Miranda… part two. Sana I could work with him again.
"And sana ano… mabalik ulit yun. Kasi nakakatuwa rin yung tandem namin, e!”
BEAUTY ALL PRAISES FOR SOFIA PABLO AND LAUREN KING
Natutuwa siya sa mga batang artistang nakatrabaho niya sa Prinsesa ng City Jail dahil masisipag daw ang mga ito.
“I’m close with Sofia [Pablo] and Lauren [King], mostly with Lauren kasi siya ang kaeksena ko parati sa bahay.
“Grabe yung sipag ng batang yun. Did you know she has to travel every day… every day from Clark to taping?
“Ganun siya kapursigido na makamit ang pangarap niya.
“Ang bait ng GMA, kasi nahiya siya nung magsabi na nagko-commute lang siya.
“Sabi ko, ‘Gaga ka! Babae ka, kilala ka, sikat ka na ngayon, hindi ka puwede mag-commute nang ganun.’
“So, ang bait ng GMA, kasi talagang hinahatid-sundo siya.
"Which is really really nice for them to do that for her na makamit niya yung dreams niya. Nakita ko yung hard work niya.
“Si Sofia… she’s really hardworking, grabe!
"Napapagsabay niya ang pag-aaral at pag-aartista. Kaka-graduate lang niya ngayon e, with honors!” saad ni Beauty.
Read: DJ Nicole Hyala remains unfazed amid thyroid cancer diagnosis
