PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynez Veneracion, inaming nalilito tungkol sa kanyang relihiyon

Ynez Veneracion, wala na umanong interes sa mga lalaki.
by PEP Troika
Published Jun 26, 2025
ynez veneacion religion
Ynez Veneracion admits praying for a lovelife: “Kasi siyempre at the age of 44, nandiyan na yung… lalo na babae. Nandiyan na yung gusto natin mag-settle down tayo... Kaya iyon yung dasal ko na sana magkaroon ng ano… kasi gusto ko na…ayoko na ng iba-iba, umay! Dapat isa lang talaga. Kaya ngayon, since one year na akong single, mukhang wala na akong interes sa mga lalaki ngayon.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Naniniwala ang aktres na si Ynez Veneracion na dapat idaan sa taimtim na panalangin kapag meron kang kahilingan.

Ito raw ang ginagawa niya tuwing may hinihingi siyang projects.

Pati sa mga personal niyang pangangailangan ay nagdarasal siya sa Pink Sisters' Convent and Chapel sa Tagaytay.

Ang veteran choreographer na si Geleen Eugenio daw ang nagturo sa kanya nito noong 2006 pa.

Read: Ynez Veneracion, tinawanan lang ang mga puna sa kanyang mukha

“Ay! Grabe yung Pink Sisters sa akin. Simula pa lang nung naghiwalay pa lang kami ni Mon [Confiado] nun,” sabi ni Ynez nang naka-dinner siya ng PEP Troika pagkatapos ng taping niya sa Mga Batang Riles.

“Kasi nga si Tita Geleen ang nagsabi sa akin. ‘Punta ka diyan, magsulat ka, maglagay ka ng any amount sa sobre.’ Naniwala ako.

“Ang dami na kasi talaga, e… pati yung bahay.

“Sa lovelife ko dati, sabi ko, ‘Sana bumalik siya dito para may closure kami,’ bumalik!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos yung bahay ko na nabenta ko nung una. Sabi ko, ‘Suntok sa buwan para makabili uli ako. Pero sana po, makabili po ako ulit.’

"Nag-Pink Sisters ako, tapos Manaoag, nakabili ako ulit.

“Yung Pajero ko, sana mabenta ko na para mabili ako ng bago, one week, nabenta ko, nagkaroon ako ng buyer.”

YNEZ VENERACION'S FAITH CRISIS

Ang ikinawindang namin sa kuwento ni Ynez, nagdarasal siya sa Pink Sisters at sa Manaoag, pero born-again Christian pala siya!

“Yung Pink Sisters, Katoliko, di ba? Catholic yun e," pakli ng aktres.

“Kasi simula nun, ang daming natutupad, nalito tuloy ako.

“Alam mo yung born-again Christian ka, tapos nagdadasal ako dun sa Catholic ano…e, ang daming natutupad.

“Pag nagdadasal ako sa Pink Sisters, ang daming natutupad.

"Ano na ako ngayon? Nalilito na talaga ako!” natatawa pang sabi ni Ynez.

Pagkatapos ng Mga Batang Riles, panay na naman daw ang dasal niya sa Pink Sisters para mabigyan siya ng kasunod na project.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: DJ Nicole Hyala remains unfazed amid thyroid cancer diagnosis

NOEL FERRER

Hindi na raw maintindihan ni Ynez kung ano ba talaga ang relihiyon niya.

Isa raw siyang Christian, pero hindi siya nagba-Bible study o anong service sa church.

Nagsisimba siya regularly sa Pink Sisters at minsan daw ay sa Manaoag, Pangasinan, kung saan matatagpuan ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.

Lahad ni Ynez: “Nalito na nga ako! Pero kasi, pag nagsisimba ako sa Pink Sisters, hindi ako naggaganun [sign of the cross].

“Lahat sila nakikita ko, pero hindi ako naggaganun.

“Ang Santo kasi, nasa dulo, pero hindi ako tumitingin sa Santo. Nandun ako sa mga madre!”

Natatawa niyang pagpapatuloy: “Kapag nandun ako, diretso lang. Uupo, [nakatungo]. Hindi ako humahawak sa ano dun.

“Pero kapag may mga… walo ang sinusulat ko [prayers]. Siguro mga apat dun, natutupad. Kaya sabi ko, ‘Hala, mag-Katoliko na ba ako?’

“Sabi ko, ‘Lord, pag ako ba mag-Katoliko ako, itong walo na ito, ibibigay Mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, since nalito ako, sabi ko na lang, ‘Basta Lord, nasa Iyo ako!’

“Basta diretso na lang ako sa ‘Iyo.'”

Dagdag pa ni Ynez, “Eto na may isa-sign ako. Sabi, ‘Religion? Puwede po bang dalawa? Catholic saka Christian na lang ako!’

“Ang dami talagang natutupad kaya sobrang tuwa ako.”

Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on Instagram

JERRY OLEA

Nilinaw ni Ynez Veneracion na hindi naman daw siya puro hingi sa Pink Sisters. Nagsisimba raw siya roon para magpasalamat din.

“Nagpupunta naman ako dun hindi puro hiling. Pero minsan ano, may habol na hiling sa dulo lang,” napapangiti niyang pakli.

Meron daw siyang laging hinihiling, pero hindi pa raw ito nabibigay sa kanya hanggang ngayon.

Aniya, “Ewan ko ba dito kay Pink Sisters. Meron akong hiling noon pa, pero ayaw niya ibigay!

"Sa career, alam mo yun. Pero pag sa lalaki, ayaw ibigay.

“Sabi ko naman, baka hindi pa naman talaga ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi siyempre at the age of 44, nandiyan na yung… lalo na babae. Nandiyan na yung gusto natin mag-settle down tayo. Kasi, I have kids naman na.

“Ang daming mga artista na biglang kinakasal tapos masaya sila. Nakakainggit.

"Kaya iyon yung dasal ko na sana magkaroon ng ano… kasi gusto ko na…ayoko na ng iba-iba, umay! Dapat isa lang talaga.

“Kaya ngayon, since one year na akong single, mukhang wala na akong interes sa mga lalaki ngayon.”

Read: Dominic Roque, tumigil na sa pag-aartista; Beauty Gonzalez, pahinga muna

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynez Veneracion admits praying for a lovelife: “Kasi siyempre at the age of 44, nandiyan na yung… lalo na babae. Nandiyan na yung gusto natin mag-settle down tayo... Kaya iyon yung dasal ko na sana magkaroon ng ano… kasi gusto ko na…ayoko na ng iba-iba, umay! Dapat isa lang talaga. Kaya ngayon, since one year na akong single, mukhang wala na akong interes sa mga lalaki ngayon.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results