PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Hanopol, 79, isiniwalat ang sikreto ng kanyang long life

Mike Hanopol, hindi mahalaga ang pagkilala sa kanya ng music industry.
by PEP Troika
Published Jun 27, 2025
mike hanopol
Mike Hanopol on lack of recognition from the local music industry: “As myself, no, I don’t really care. I mean, wala sa akin yung kailangan akong makilala. Kailangan na i-recognize yung mga ginawa mo, ganito dapat makilala lahat ng tao... Pero kung meron, why not, di ba? Salamat, di ba? Thank you very much."
PHOTO/S: Mike Hanopol Facebook

JERRY OLEA

Seventy-nine (79) years old na ang rock singer and guitarist na si Mike Hanopol.

Marami sa mga kasabayan niya, pati mas bata sa kanya, ang pumanaw na.

Bagamat malusog pa rin siya ngayon at matalas ang kanyang isip, meron na ba siyang takot sa kamatayan?

Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

“Meron. Marami,” tugon ni Mike sa mediacon ng Jeproks The Musical noong Hunyo 17, 2025, sa Max’s Restaurant sa Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Dapat kasi, pinakikinggan, ginagawa, hindi ini-ignore, kailangang bigyan ng value at importansiya.

“Kasi, mahalaga ito, e. Kaya nga ito, maise-share ko sa inyo dahil humaba ang buhay ko, e.

“Dapat wala na ako noong 2021, pandemic. Wala na! Wala na. Pero bakit humaba?

“Kasi unang-una sa lahat, kailangan kumilala tayo. Pag-aralan natin, alamin natin, pakinggan natin ang Naglikha sa atin na hindi tao. Hindi tao.

“OK lang yang tao na maglikha, OK lang. Lahat naman talaga tayo, god, e. Oo, we are small ‘g’ god. We are. Small ‘g’ god. Small ‘g’ lang, ha? Hindi capital, hindi. Iba yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung Creator mismo, mas mataas yun. Kasi, hindi naman tao yun, e. Pero Siya ang naglikha ng lahat, pati iyang hawak mong papel, pati iyang kinakain mo. OK?

“Yung ginawa na iyan, kinakain ninyo ngayon, sino ang may gawa niyan? Tao, di ba? Tao.

“Pero yung raw materials niyan, hindi tao ang gumawa!

“Raw material, saan galing yang plato? Ano ang raw material niyan? Ceramic, bato. Sabihin na nating bato. Ground, OK. Earth. Earth, di ba? So, yan ang raw materials niyan.

“Pero bakit naging plato? Sino ang gumawa niyan, Diyos? Tao ang gumawa niyan.

“O, sino ngayon ang mas maganda ang gawa — gawa ng Diyos, o gawa ng tao? Tamo, mahirap sagutin.

“Ganyan ako magsalita, ganoon ako mag-isip. Pasensiya na kayo, pero hindi ito religion. I am not a pastor. No way, no way! Hindi ako pastor.

“Ako ay common-sense person. Common sense. Lahat ng kanta ko, common sense. Ha! Ha! Common sense lang. Di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We have to be sensible. We have to be logical. Kailangan reasonable, mayroon tayong rationale.

“Rational, logical. Common sense, No. 1 talaga. Kaya No. 1 talaga, be sensible. Common sense, yan, importante."

Read: Maris Racal says Incognito "saved" her

MIKE HANOPOL REVEALS SECRET OF HIS LONGEVITY

Kasunod nito ay isiniwalat ni Mike ang klase ng gamot na iniinom niya para humaba ang kanyang buhay.

“So, itong mga gamot na ito, gawa na ng tao yan. Iyan ang iniinom ko ngayon. Ang tawag diyan, stem cell.

“Iyan ngayon ang kumakalat sa buong mundo. Buong mundo, ha? Stem cell, Sir. Huwag kayong pahuhuli.

“Gusto ninyong humaba, gusto ninyo ng anti-aging? Kasi lahat ng tao, dadaan sa aging. Aging process.

“Lahat ng tao, walang exception! Lahat dadaan sa aging.

“Kaya merong lumabas, gawa ng tao, anti-aging.

"Seventy-nine years old na ako, Sir. Seventy-nine. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Tampok sa Jeproks The Musical ang labinlimang awit ni Mike Hanopol. Lead actor dito si David Ezra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itatanghal ang musical play sa Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.

Ang direktor ay si Frannie Zamora. Ang scriptwriter ay si Nicolas Pichay.

Read: Mga awitin ni Mike Hanopol, bubuhayin sa Jeproks The Musical

jeproks the musical
(From left) Jeproks The Musical producer Johnny Blue, Mike Hanopol, David Ezra, and director Frannie Zamora
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Naghimutok si Johnny Blue na kaya niya naisipang iprodyus ang Jeproks The Musical ay dahil hindi nabibigyan ang idolo niyang si Mike Hanopol ng importansiya na deserved nito.

Wala yung tamang pagkilala kay Mike bilang isa sa pioneers ng Pinoy rock music noong 1970s.

MIKE HANOPOL SAYS HE DOES NOT CARE ABOUT RECOGNITIONS

Masasabi ba ni Mike na naging mabuti sa kanya ang local music industry?

“As myself, no, I don’t really care. I mean, wala sa akin yung kailangan akong makilala,” tugon ni Mike.

“Kailangan na i-recognize yung mga ginawa mo, ganito dapat makilala lahat ng tao.

“Ako, OK lang naman sa akin, e. Pero wala akong magawa, naging ganun, di ba?

“Naging malawak, umabot na sa Amerika, ganun. Sa akin, wala pa rin yun.

"OK pa rin sa akin yun, kasi lahat yan, ang tingin ko… meron kasing tinatawag na body and soul, di ba?

“Tayo, meron tayong katawan. Meron tayong espiritu, di ba? Ngayon, I have learned a lot about spirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because there’s a lot, there’s so much about our spirit that we just ignore. Importante sa akin ang spirit, e.

“Ibig sabihin, yung spirit na yan, nandito sa atin, na hindi mo puwedeng i-ignore. Pag in-ignore mo yan, in-ignore mo ang universe.

“Iyan ang spirit. Kasi ang spirit sa akin, natutunan ko, ganito ang pinaka-nature, no.

“The true nature of which consists of a property, of having a disposition, of never having being without a form. Form. Iyon ang spirit.

“Ibig sabihin, lahat tayo dito, may form which is spirit. So, yung spirit na yan, mas mahalaga sa akin yun kesa yung sumikat, makilala, ganoon.

“Hindi ko itinataboy yan, ha? Pero nandiyan yan, e. Ibig sabihin, spirit yan, hindi ko kontrolado yan.

“Ang nagkokontrol sa atin dito sa katawan, kaya tayo nakakalakad, ang nagkokontrol, spirit, e.

“Kung wala namang spirit, makakapag-isip ka ba rito? Wala. So, spirit ang nagkokontrol sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kontrol ng lahat. Kung saan mo gustong pumuntang sulok ng mundo, spirit yun.

“Saan mo gustong pumunta, ano ang gusto mong marinig? Ano ang gusto mong kainin? Ano ang gusto mong makita, maamoy?

“Lahat ng senses, spirit yan. So, nandoon ako. Kaya kung sino man ang mag-ignore sa akin, OK lang, as long as I am with my spirit.

“Kasi ang spirit talaga ang nagdadala sa tao, OK? Iyang tao na yan, mawawala.

“Ang tawag dito sa katawan natin ay transient body. Transient.”

Hindi mahalaga sa kanya kung kinikilala siya o hindi?

Pagtango ni Mike Hanopol, “Yes, tama. Hindi mahalaga.

"Pero kung meron, why not, di ba? Salamat, di ba? Thank you very much.

“Pero kung wala, OK lang. Di ba?”

Read: Ynez Veneracion, inaming nalilito tungkol sa kanyang relihiyon

GORGY RULA

Sinuway ni Mike Hanopol ang gusto ng kanyang ama. Choice niyang maging musikero.

Pagmamatuwid ni Mike: “Iba-iba tayo ng spirit, iba-iba tayong pangyayari sa buhay. May kanya-kanya tayo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because we have free will, free choice. Choice mo iyong ganito, choice mo ang ganyan. Choice mo nga ang umupo diyan. Lahat iyan, free choice. Free will.

“So, ang nangyari sa akin, naging free choice ko ang maging musikero, OK.

“So ibig sabihin, sinabi sa akin, ‘Free choice mo yan, ha?’ O! Matigas ang ulo ko!

“Nag-away kami ng tatay ko. Umiyak siya dahil sa musikero ako. Ayaw niya maging musikero ako.

“Kasi matindi siya, e. Ang erpat ko, professor. Principal. Superintendent, hanggang sa director ng DILG. Ganun siya katindi.

“Gusto niya, ako, maging pareho niya. Imposible yun, Sir! Ha! Ha! Ha! Hindi ganoon. Lalo na pag musikero ka, matigas ang ulo mo.

“Bakit? Kasi gusto mong abutin ang gusto mong maabot.

“Tayong mga tao rito, lahat tayo rito, merong gustong abutin, di ba? May gustong masunggaban. Makuha lahat ng gusto mo, di ba?

“Ang hindi ninyo kasi alam, na puwede kong i-share sa inyo, ang mga kailangan natin sa buhay ay humiwalay na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Humiwalay na. Lumayo na. Kasi ang titigas ng ulo natin.

“So, kung gusto mong kunin, magpakahirap ka. Iyon ang sinasabi, by the sweat of your brow, you shall eat.

“Pag hindi mo pinaghirapan, hindi ka makakakain. Gugutumin ka.”

Read: Dominic Roque, tumigil na sa pag-aartista; Beauty Gonzalez, pahinga muna

MIKE HANOPOL'S ADVICE TO MUSICIANS

Ano ang maipapayo niya sa mga musikero o banda ngayon para magtagal sila sa industriya?

Napabuntong-hininga si Mike Hanopol: “OK, iyong mga bagong banda, OK, kasi bawat entity rito sa mundo, mapa-banda, mapa-propesor o teacher o whatever…

“Iyong bawa’t isa doon na entity, may level. Merong lowest level, lower, pataas nang pataas. May mga level.

“So, yang mga banda na yan, mga bago, may mga level yan. Pagka ang banda, merong problema sa buhay kagaya ng may pamilya, may anak, kailangang suportahan — bumababa ang level ng kanyang art.

“Yung kanyang pagkamusikero, bumababa. Dahil hindi niya nagagampanan hundred percent ang pagiging artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan kasi, nangyari sa akin, talagang ginampanan ko. Kahit na anong mangyari. Kahit na mag-iiyak pa yung tatay ko diyan.

“Pero pinagbigyan ko pa rin sila. Nag-aral ako, tinapos ko. Nakatapos ako ng Psychology. AB Psychology sa Iloilo, sa San Agustin.

“Pagka-graduate ko, ayoko nang umakyat sa entablado, magsuot ng toga, ganyan-ganyan. Ayoko!

“Dumating yung aking contract galing Japan, bukas aalis na ako. E, di hindi na ako nagmartsa.

“Galit na galit si Erpat. E, wala siyang magagawa. Kasi, eto na, e. Ha! Ha! Ha! Eto na yung right opportunity, lahat. May downpayment. Kumpleto na, contract.

“O, di… away kami. Hindi ako kinausap for five years. Walang talkies. Nasa Japan ako, tumatawag ako, hindi ako sinasagot.

“Ganyan ang dedication ko sa music. Ganyan.

“Ang payo ko sa mga bago ngayon, kung sila’y may mga asawa, pamilya, may anak… gampanan na lang nila, dalawa.

“Pagiging musikero at pamilyadong tao. That’s it, dalawa. Dalawa. Ganoon lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo named Phenomenal Box Office King & Queen

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mike Hanopol on lack of recognition from the local music industry: “As myself, no, I don’t really care. I mean, wala sa akin yung kailangan akong makilala. Kailangan na i-recognize yung mga ginawa mo, ganito dapat makilala lahat ng tao... Pero kung meron, why not, di ba? Salamat, di ba? Thank you very much."
PHOTO/S: Mike Hanopol Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results