JERRY OLEA
Tatlong beses nang napanood ni Jomari Angeles ang pelikulang Some Nights I Feel Like Walking.
“I’ve seen it before po doon sa Tallinn film festival pati sa Singapore po,” sabi ni Jomari matapos ang Philippine premiere ng pelikula noong Hunyo 26, 2025, Huwebes ng gabi, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
“Pero mas ramdam ko po ngayon na pinalabas na sa Pilipinas. Kasi, yun nga, katulad nung bago mag-start yung film, alam kong mas targeted ito sa Filipino audience.
“Kasi alam ko, mas mararamdaman natin ito. Kasi alam natin kung gaano natin bina-value yung family, or sense of family katulad nung sa pelikula namin.”
Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

FOREIGN AUDIENCE'S REACTION TO SOME NIGHTS O FEEL LIKE WALKING?
Ano ang reaksiyon ng mga tagaibang bansa na nakapanood sa Some Nights I Feel Like Walking?
“Iba-iba po, e. Sa Tallinn po, yung mga puti, yung iba, hindi nila gets yung ibang part,” tugon ni Jomari.
“Kasi hindi nila gets yung Duterte references, yung mga ganyan. Yung mga drug-drug.
“Pero sa Singapore, mas gets po nila. Gets nila yung humor, yung mga pinagdadaanan ng mga characters.
“Siguro nung Singapore din po kasi, marami ding Pilipino ang nanood. So, kaya mas na-gets nila iyong story namin.”
Bitin ang paghuhubad ni Jomari sa Some Nights I Feel Like Walking kung saan siya ang pinakabida, at co-stars niya sina Miguel Odron, Argel Saycon, Tommy Alejandrino, at Gold Aceron.

Ito’y sa panulat at direksiyon ni Petersen Vargas.
Mas mapangahas siya sa pelikulang Ma’ Rosa (2016) na idinirek ni Brillante Mendoza. Gumanap siya roon bilang isa sa tatlong anak nina Rosa (Jaclyn Jose) at Nestor (Julio Diaz).
“Ito po kasi, iba ang focus ni Peterson dito, hindi po talaga yung pakatawan-katawan lang,” pagmamatwid ni Jomari.
OK lang ba iyong dalawang beses na dinaklot ang private part niya sa movie?
Mabilis na sagot ni Jomari, “OK lang. Totoo yun! Ako talaga iyong ginaganun para ma-feel nung kaeksena ko na… talagang ganun po, e. Trabaho lang naman po. Professional lang po.”
R-16 ang rating ng MTRCB sa Some Nights I Feel Like Walking.
Nasa cast din ng pelikula sina Jess Mendoza, Lex Bonife, Moira Lang, Vic Robinson, Andre Miguel, Dennis Marasigan, at Paolo O’Hara.
Ang producers ay sina Alemberg Ang at Jade Castro.
Read: Jake Cuenca finally addresses speculations about his white teeth
NOEL FERRER
Kumusta ang pakikipagtrabaho kina Miguel Odron, Argel Saycon, Tommy Alejandrino, at Gold Aceron?
“Sobrang saya po na magkakasama kami!” bulalas ni Jomari Angeles.
“Kasi, para talaga kaming magtropa. Tapos ang saya-saya lang na ngayon lang uli kami makukumpleto.
“Kasi, lagi lang kami ni Gue ang magkasama sa mga festival abroad. Ngayon lang po nanapanood ni Argel pati ni Tommy iyong pelikula.”
MIGUEL ODrON
Ang tinutukoy ni Jomari na "Gue" ay ang singer na si Miguel Odron, na produkto ng first season ng Idol Philippines noong 2019.
First feature-length film ito ni Miguel, at maraming eksena na magkasama sila ni Jomari.

Ani Jomari, “Ang maganda po kasi kay Ge, willing to learn po talaga siya. Actually siya po talaga ang isa sa pinaka-original na cast dito.
“Ako po, as in two weeks before the first shooting day lang po ako na-cast dito.
“Sobrang dami pong actors na nag-audition for my role, as in 200 boys po yata ang nag-audition.
“Kaya sobrang grateful po ako na nakuha ko po itong project na ito. Kasi at that time din po, hindi na po ako masyadong visible talaga.
“Nagulat po ako na pinatawag ako ni Petersen pati ni Sir Alem na, ‘I-try mo itong basahin.’ Tapos hindi po ako nag-e-expect na makukuha po ako talaga dito.
“Kasi alam ko po kung sino ang original na nasa role ko dapat.”
Read: Ynez Veneracion, inaming nalilito tungkol sa kanyang relihiyon
GORGY RULA
Iba raw pala talaga ang pressure kapag bida ka sa isang pelikula.
“Grabe yung pressure, lalo na noong first day, second day na shooting, grabe yung kaba ko,” pagtatapat ni Jomari Angeles.
“Kasi, iba po pala ang feeling ng bida. Kasi lagi kang nakasalang. Dati sanay akong support, tambay ka muna diyan sa standby area, tapos dalawang eksena ka lang.
“E, ngayon po, ikaw lagi ang nakasalang, talagang aaralin mo yung script mo. Dapat attentive ka, buong araw ka talagang magtatrabaho.”
SOLD OUT SCREENING
Sold out ang Philippine premiere ng Some Nights I Feel Like Walking noong Thursday night, maging yung dalawang screening kinabukasan, Hunyo 27, Biyernes.
“Alam niyo, sa totoo lang, nagulat ako, na-sold out. Kasi alam ko po yung tema ng pelikula namin, hindi po pang-masa ito, e,” sambit ni Jomari.
“Masyado pong may pagka-arthouse yung pelikula namin. Pero sobrang nakakagulat na sold out. Maraming gustong manood.
“Tapos ang ganda rin na grabe yung mga magagaling na direktor, nandito. Mga artista po, nandito.
“Kaya nakakakilig po! Tapos si Ma’am Dolly, binati ako. Alam mo iyung iba iyung kilig nun!
“Dolly de Leon, binati ako, ‘Ang galing mo.’ So, parang ibang fulfillment po yun para sa amin.”
Ang screenings na ito ng Some Nights I Feel Like Walking ay bahagi ng three-day RainbowQC Pride Film Festival ng QCinema.
Read: VMX actor VR Relosa, na-pressure sa restaging ng 3 Men On An 1sland
