PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, ginabayan ng totoong transman para sa Unconditional

“Lahat na ginawa niya sa buhay niya, sinabi niya sa akin."
by PEP Troika
Published Jun 28, 2025
rhian ramos plays anna and allen dizon plays greg in the movie unconditional
Allen Dizon (kaliwa) bilang ang transman na si Greg sa pelikulang "Unconditional." Kapareha ni Allen si Rhian Ramos bilang si Anna na na-in love sa character niya sa pelikula.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Hindi na inalam ng aming reliable source kung magkano ang kinita ng pelikulang Unconditional na pinagbidahan nina Rhian Ramos at Allen Dizon.

WATCH: Rhian Ramos and Allen Dizon on PEP Live!

Nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH si Allen bago nag-showing ang Unconditional noong June 25, 2025, at idinaing nito ang konti ng mga sinehan na ibinigay sa kanilang pelikula.

Sa pagkakaalam daw niya ay mahigit 30 cinemas lang ito magso-showing nationwide. Hindi raw niya alam kung madadagdagan pa ito.

Sabi pa ni Allen, “Sana, dumami pa sa SM cinemas, sa Robinsons, sa mga Ayala. Sana maipalabas din nila para magkaroon din ng options ang mga tao.

“Para magkaroon din ng chance na mapanood nila ang Unconditional.”

Sa ngayon ay hindi pa namin na-monitor kung nadagdagan pa ba, pero sana, nasa mga sinehan pa dahil tamang-tama naman na ipinalabas ngayong Pride month ang naturang pelikula.

GUIDED BY A REAL TRANSMAN

Sa dami ng mga pelikulang nagawa na ni Allen, ibang challenge daw talaga sa kanya itong Unconditional, dahil kailangan maiarte niya nang maayos ang role ng isang dating babae, na naging transman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginabayan siya ni Nil Nodalo, ang presidente ng Transman Philippines, at malaki raw ang naitulong nito sa kanya.

“Unang-una sa akin, sa role ko. Lahat, paano yung transition niya, kung ano ang ginawa niya sa buhay niya, kung paano siya tinanggap ng asawa niya,” lahad ni Allen.

“Ano yung mga hormones na in-inject niya, lahat. Lahat na ginawa niya sa buhay niya, sinabi niya sa akin.

“Kaya from there, malaking bagay na nakausap ko si Nil. Ilang beses kami nag-meeting, ilang beses kami nag-usap, para at least, dun sa role ko, meron akong idea talaga kung paano ako naging transman.

“So, malaking factor si Nil sa pelikula dahil na-open niya sa akin, kay Direk Adolf [Alix Jr.].

“Lahat ng gamot, ipinakita niya ang tahi niya, kung paano siya naoperahan. Wala siyang bahid ng babae pag nakita mo siya. As in mukha talaga siyang lalaki,” saad pa ni Allen.

Kailangan din daw niyang ipakita na meron din siyang side ng pagkababae, kaya pinag-aaralan din niya ang tamang pagkilos ng isang dating babae.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Babae pa rin yung character ko, like for example, siyempre yung babae pa rin ang nakikita sa nanay niya."

Na-achieve naman niya ito, lalo na sa madramang eksena nila ni Elizabeth Oropesa na gumaganap bilang nanay niya sa pelikulang ito.

NOEL FERRER

Ginanap sa Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City, ang QCinema RainbowQC Pride Film Festival noong Hunyo 25-27.

QCinema RainbowQC Pride Film Festival poster
Photo/s: QCinema PH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na full-length films ang tampok doon, kabilang ang Some Nights I Feel Like Walking nina Jomari Angeles, Miguel Odron, Tommy Alejandrino, Argel Saycon, at Gold Aceron.

Some Nights I Feel Like Walking poster
Photo/s: Petersen Vargas Facebook

Kaugnay sa mga pelikulang Unconditional at Some Nights I Feel Like Walking, napag-usapan tuloy ang gay relationship, ang pakikipagrelasyon ng tunay na babae sa isang tomboy, o ang pakikipagrelasyon ng tunay na lalaki sa isang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Allen Dizon na posibleng ma-in love ang tunay na lalaki sa karelasyong bading.

“Possible naman lahat, e. Oo naman,” pakli ni Allen.

“Para naman sa akin, parang normal na sigurado yun, e. Kahit naman… pag mahal mo yung tao… marami naman diyan.

“Kumbaga, wala namang mawawala sa atin, e. Kung totoong mahal mo yung tao, ipapakita mo talaga.”

Kaya tama lang daw na sa panahon ngayon na bukas na ang ganitong relasyon, tama lang na mapanood daw itong Unconditional.

“Siguro napapanahon itong pelikulang ito, dahil it’s Pride month. Alam naman natin ngayon, medyo tulog yung mga pelikula natin.

“Pero sana, sa tulong ng mga tao, makabalik ulit. Maka-recover ulit, mabalik yung sigla ng pelikulang Pilipino,” sabi pa ni Allen.

JERRY OLEA

Ngayong Hunyo 28, Sabado ang highlights ng Gay Pride celebrations.

Tinatayang aabot sa 250,000 ang kalahok sa LOV3LABAN SA DILIMAN: Pride PH Festival 2025.

Love Laban sa Diliman poster
Photo/s: Quezon City Government
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa performers sa “puksaan sa Diliman” sina Klarisse de Guzman, Pura Luka Vega, Emar de Guzman, BGYO, Precious Paula Nicole, Arizona Brandy, Astrid Mercury, Barbie Q, Deja, Bernie, Brigiding, Feyvah Fatale, Corazon, Eva Le Queen, Playhouse Protege, Hana Beshie, Heartburns, at J-Quinn.

Andiyan din sina Captivating Katkat, Margaux, Maria Cristina, Maria Lava, Matilduh, O-A, Myx Chanel, Popstar Bench, Russia Fox, Shewarma, Tiny Deluxe, Viñas Deluxe, Yudipota, at Zymba Ding.

Meron ding Love Laban sa Araneta today sa Gateway Mall Activity Area, sa Upper Ground Floor of Gateway Mall 1, Araneta City.

Performers dito ang FEM*ME, Aster, 1621, XERENADE, Riri Valencia, at Wanda.

Merong Pride Piknik sa Open Air Auditorium ng Luneta today mula 1:00 PM hanggang 8:00 PM.

Pride Piknik poster
Photo/s: Metro Manila Pride
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa film screenings, magpe-perform sina Aria Therine, Chrenz, Christela, Gian Mallari, Italya, Ja Quintana, Jimmy Khalo, Mimi The Doll, Mykie Pie, Shelly Pasaba, TSN, at Unique Lo. Hosts sina Dax Rayos at Miguel Villon.

Ang official LOV3LABAN After-Party ay mula 6:00 PM today sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Love Laban After party poster
Photo/s: Quezon City Government
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Come in your most slayable Pride look and serve the street!” post ng RAMPA Drag Club sa Facebook.

“FREE DRINKS for the first 1,000 attendees — claim yours at the Rampa Booth located outside Rampa Club!

“Non-stop activities & Live DJs spinning fierce beats.

“18+ only. Please bring your valid ID.”

Kaabang-abang ang celebrities na makiki-party rito, di ba, Darling Chuck G?

Marami pang ibang pauga at payugyog today kaugnay sa pagdiriwang ng Gay Pride.

Sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) na malapit sa PS Bank sa G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc, Manila, itatanghal ngayong 2:00 PM (sold out) at 7:30 PM (limited slots) ang tatlong Pride plays sa direksyon ni Vince Tañada.

Andiyan ang Moment to Moment na si Vince Tañada mismo ang nagsulat.

Tampok dito sina James Ramada, Awin Valencia, at Renee Escurel.

Maigting na drama ang hatid ng Good Night, Love na sinulat ni JP Lopez, tampok sina OJ Arci at Gerald Magallanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-shookt ang 3 Men On An 1sland na akda ni Johnrey Rivas, at bida sina VR Relosa, Fidel Redado, Ken Intano, Rajja Mater, Renz Saavedra, at Marina Esperida.

NKKLK ang sukdulan ng dulang 3 Men On An 1sland.

3 Men On An Island poster
Photo/s: Courtesy of Vince Tanada

Nang mapanood ito ni Mercedes Cabral noong Mayo 24 ay napa-“Oh my God!” siya, samantalang napa-chant si Soliman Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nasabing pagtatanghal ay nag-frontal sina VR at Fidel.

Ayon sa source ng PEP Troika, mas malala ang performance nila tonight.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon (kaliwa) bilang ang transman na si Greg sa pelikulang "Unconditional." Kapareha ni Allen si Rhian Ramos bilang si Anna na na-in love sa character niya sa pelikula.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results