GORGY RULA
Nagbigay ng inspirasyon sa netizens ang duo na AzVer (AZ Martinez-River Joseph) sa ipinakita nilang pananalig sa Panginoon kaya napagwagian nila ang pangalawang Big Jump Challenge na ibinigay sa kanila para makapasok sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Big Four.
Ipinakita nina AZ at River kung gaano kabisa ang panalangin para makuha mo ang gusto mong maabot.
Bago isinalang sa challenge ang AzVer—kalaban ang duo na DusBi (Dustin Yu-Bianca De Vera) at BreKa (Brent Manalo-Mika Salamanca)—nagdasal muna sila sa altar na gabayan sila.
Nagpasalamat si AZ sa ibinigay sa kanilang lakas para ipagpatuloy nila ang kanilang laban sa Bahay Ni Kuya.
Mahigit anim na oras silang nakatayo hawak ang blocks na binubuo ang katagang Big Four.
Nang pinanghinaan na sila at gusto nang bumigay ang kanilang katawan sa sobrang pagod at gutom, patuloy pa rin sa pagdarasal ang AzVer.
Ang panalangin ni AZ: “Help us, oh, Lord. Let this be for us.
“Let this be for us, Lord God. Please guide us with your presence.”
Natuwa ang netizens sa ipinakitang katatagan at pananalig ng AzVer sa Panginoon.
Ang paniwala pa ng ilan ay ginabayan sila ng namayapa nilang ama, para umabot sila sa Big Four.
Ang komento ng ilang netizens na bumalik daw ang faith nila sa Diyos dahil sa ipinakita ng naturang duo kung gaano katatag ang pananalig nila sa Panginoon.
Sabi ng isang netizen sa X (dating Twitter), “One thing about AZ: she always wins whenever she prays. I’m not even religious. I don’t pray that much, but watching her be heard by God whenever she calls Him, it makes me want to pray too. I’ve strayed away, but little by little, she’s bringing my faith back.”

Hanggang ngayon ay trending pa rin ang hashtag #PBBCollabThirdBig4
NOEL FERRER
Trending din si Dustin sa X dahil pinuri kung paano niya sinuportahan si Bianca, at pinagaan ang pakiramdam nang bumagsak na ang blocks na hawak nila.
Sobrang apektado at dismayado si Bianca nang bumagsak ang kanilang blocks. Pero niyakap siya nang mahigpit ni Dustin para kahit paano ay pagaanin ang pakiramdam nito.
Komento ng isang netizen sa X, “I don’t like Dustin, but I’ll give this to him. He didn’t make Bianca feel bad or blame her at all when the blocks fell. He just reassured her right away, told her it was okay & reminded her that she did her best. Yup yup.”

Sabi pa ng isang comment, “It’s the way Dustin instantly told Bianca ‘it’s okay’ the moment their blocks fell. It’s the way he held her so tightly, giving her nothing but quiet reassurance & comfort.
“It’s the way they turned that losing moment into something tender. It’s just them together, no matter what.”

Magtutuluy-tuloy kaya ang DusBi love team nina Dustin at Bianca?
Huwag lang sana sila magpaka-OA ng kanilang love team. Ayaw ni Ate Klang na ayaw tapakan ang kanilang love team!
JERRY OLEA
Happy ako na pasok si River at ang ka-duo niya sa Big 4 ng PBB Celebrity Collab Edition.
Aside from River, bet ko rin si Ralph de Leon at kung sino man ang ka-duo niya.
Noon ko pa sinabi na ang faves ko sa edisyong ito ay sina River, Ralph, at ang na-evict na si Michael Sager.
Between Dustin and Brent, mas may konek ako kay Dustin na nakatsikahan ko noon sa premiere ng Shake, Rattle & Roll Extreme sa SM Megamall, pati sa presscon ng Guilty Pleasure sa Valencia Events Place.
Sa batch na ito ng PBB Celeb Collab, tingnan natin kung sinu-sino ang sisikat nang husto, at kung sinu-sino ang basta na lang magpe-fade into oblivion.
