PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pride plays, walang ticket sales kung walang nudity

Pagmamatwid ito ng Pride plays director na si Direk Vince Tañada.
by PEP Troika
Published Jun 29, 2025
Vince Tanada, 3 Men On An 1sland
Ayon sa direktor ng Pride play na "3 Men On An 1sland" na si Vince Tañada, talagang kailangan ang nudity sa kanilang play. “May nudity, kasi may ticket sales, OK?! Wala kaming ticket sales kung walang nudity! OK?! O, eto, nag-nudity kami… ten minutes after nag-release ng poster na may nudity, OK, sold out. Iyon na lang!”
PHOTO/S: Jerry Olea / PSF

JERRY OLEA

Nag-frontal nudity sina Awin Valencia at James Ramada sa dulang Moment to Moment na itinanghal noong Hunyo 28, 2025, Sabado ng gabi sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.

Moment to Moment cast (from left): James Ramada, Renee Escurel, at Awin Valencia.
Moment to Moment cast (from left): James Ramada, Renee Escurel, at Awin Valencia.
Photo/s: Jerry Olea

Ang nasabing dula ay isinulat at idinirek ni Vince Tañada, na CEO at artistic director ng PSF.

Ito ang una sa tatlong Pride plays na ipinalabas doon nang gabing iyon kaugnay sa pagdiriwang ng Pride month.

Sa ikatlong dula na 3 Men On An 1sland, nag-frontal nudity naman sina VR Relosa at Fidel Redado, at babad ang butt exposure ni Ken Intano.

Idinirek din ito ni Vince Tañada, sa panulat naman ni Johnrey Rivas na presidente ng PSF.

From left: Ken Intano, VR Relosa, Fidel Redado, and Johnrey Rivas (writer of
From left: Ken Intano, VR Relosa, Fidel Redado, and Johnrey Rivas (writer of "3 Men On An 1sland").
Photo/s: Jerry Olea

Sa talkback session ay nagtanong ang actor-director na si Dante Balboa kay Johnrey kung kailangan ba talaga sa kuwento ang pagtatalop ng mga artista sa dula.

Alin ba ang nauna nang sulatin ang 3 Men On An 1sland three years ago — ang ideya na may hubaran, o ang istorya mismo?

Salaysay ni Johnrey, “Noong ibinigay ko ito kay Direk Vince, sabi niya, ‘Ahh, hindi puwede kasi masyadong gory, baka hindi kainin, or matanggap kaagad ng audience natin online,’ like YouTube, ganyan.

“'Tapos sabi niya, iba na lang. So doon ipinanganak yung mga BL [Boys' Love] series namin sa YouTube.

“Then this year… hindi po ako sumasali sa festival namin, kasi nga I really believe na ako na po yung nagpapatakbo ng company, hindi ako dapat sumali.

“Pero this year, inalis ko po yung pagiging festival director ko, and sumali ako, at sinubukan kong ihain ito.

“Bakit? Ano po ang story behind this particular piece? This piece of mine po kasi ay halu-halong... ahhmm, trauma ko.

“Takot po ako sa tubig. Takot po ako sa eroplano. Sa tuwing magso-show kami, lagi po akong may baong life vest. Oo, totoo iyon.

“Ang tito ko po kasi, lumubog sa MV Princess of the Stars. Kasama po siya, at ang tito ko po ay kapitan ng barko. And missing po siya until today.”

Noong Hunyo 21, 2008, lumubog ang nasabing barko off the coast of San Fernando, Romblon, habang kasagsagan ng bagyong Frank. Mahigit 800 tao ang namatay sa nasabing trahedya.

Dagdag ni Johnrey, “Naghalu-halo po ang mga takot ko. Takot din po ako sa gobyerno natin dito. Iyan ang biggest fear ko.

“So, lahat po iyan, hinalu-halo ko po. 'Tapos ito po yung produkto… hindi po nauna yung nudity. Nag-start po muna ako sa story.

“Kasi po, makikita rito ang iba’t ibang social classes. Si Luzio, si Minandro, at si Vizon.”

Si Luzio Manansala (ginampanan ni Fidel Redado) ay taga-Luzon, anak-mayaman. Anak ng gobernador sa isang lalawigan. Engaged to be married sa isa ring taga-alta sociedad.

Si Vizon Cebullo (ginampanan ni Ken Intano) ay middle class. Bisexual. Taga-Cebu ba siya? Taga-Visayas?

Si Minandro Daviles (ginampanan ng VMX actor na si VR Relosa) ay taga-Mindanao. Taga-Zamboanga. Maralita. Ang pangalan ng mga magulang niya ay Rodrigo at Sara.

Pagpapatuloy ni Johnrey, “Nasa utak ko, papaano kaya kung mayroong tatlong lalaki — o kahit hindi lalaki, actually depende naman po ito, pero sa akin po, ginawa ko nang lalaki.

“Paano kapag tatlong lalaki ang na-stranded sa isang isla? Na 30 days na silang nandoon, at iba-iba sila ng antas sa buhay.

“So yung nudity, pangalawa na lang po iyan. And the direction as well.

“So mapalad ako na dinirek ito ni Direk nang ganito. Pero essential po yung paghuhubad nila.

“Sa tingin ko, kailangan din kasi nating hubarin kung sino tayo. Hindi literal, hindi literal.

“Lalo na po sa isang bansa na labu-labo tayong lahat.”

GORGY RULA

Pagmamatwid ni Direk Vince Tañada, “Ang dami ninyong sinasabing… 'Puwede bang hubarin natin?!'

“May nudity, kasi may ticket sales, OK?! Wala kaming ticket sales kung walang nudity! OK?!

“O, eto, nag-nudity kami… ten minutes after nag-release ng poster na may nudity, OK, sold out. Iyon na lang!”

Ang nagtanong na si Dante Balboa ang writer-director ng one-character play na Walong Libong Piso, kung saan ang karakter ay may shower scene, macho dancing, at masturbation scene.

Halinhinang gaganap doon sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Drei Arias, at Juan Paulo Calma, na pawang nag-frontal nudity na sa pelikula.

Kasado na ang pagtatanghal ng psychological play na Walong Libong Piso sa Agosto 1, 2, 8, 9, 15, at 16 sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, San Juan City.

Pahayag pa ni Direk Vince, “Huwag lang tayo gagawa na puro nudity. Kailangan may kuwento. Kailangan may rason kung bakit may nudity.

“We are serving the arts… may istorya itong ginagawa natin. At masaya tayo na itong mga taong ito ay naniniwala sa istoryang ibinibigay natin.

“At sana’y hindi lang puro nudity yung ibinibigay.”

NOEL FERRER

May matinee yung tatlong Pride plays ng PSF, kung saan karamihan sa nanood ay mga estudyante.

Ayon kay VR Relosa ay wala roong hubaran.

Ang pangalawang dula na ipinalabas ay Good Night, Love na akda ni JP Lopez. Napakaiigting ng mga eksena rito nina OJ Arci at Gerald Magallanes bilang star-crossed lovers.

Ang isa pang artista sa Moment to Moment ay si Renee Escurel na pilyang-pilya ang karakter bilang biyudang coach sa acting workshop.

Ang susunod na ihahandog ng PSF ay ang dulang Bonifacio.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa direktor ng Pride play na "3 Men On An 1sland" na si Vince Tañada, talagang kailangan ang nudity sa kanilang play. “May nudity, kasi may ticket sales, OK?! Wala kaming ticket sales kung walang nudity! OK?! O, eto, nag-nudity kami… ten minutes after nag-release ng poster na may nudity, OK, sold out. Iyon na lang!”
PHOTO/S: Jerry Olea / PSF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results