JERRY OLEA
Back to basics ang 21st edition ng Cinemalaya filmfest sa Oktubre 3-12, 2025 sa tatlong sinehan ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Kinumpirma ito ng presidente ng Cinemalaya Foundation, Inc. na si Direk Laurice Guillen, na nakapanayam ng PEP Troika nitong Hunyo 29, Linggo, sa Sine Pop, Saint Mary St., Cubao, Quezon City.
“For the past years and supposedly until mga 2028 or forward, it looks like we can’t really screen at the CCP,” sambit ni Direk Laurice.
Read: Laurice Guillen, may update sa upcoming Cinemalaya 2025
Ongoing ang renovation ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na tahanan ng Cinemalaya filmfest.
Two years ago ay sa PICC ginanap ang Cinemalaya, at last year ay sa Ayala Malls Manila Bay.
Dagdag ni Direk Laurice: “And then maybe when it’s finished, we can talk again about it… but in the meantime, tuloy ang Cinemalaya.
“So the idea at that time, naging available for us ang Shangri-La Plaza. Doon na ang mga premiere for this year definitely. We’ll try it out.”
DOWNSCALING CINEMALAYA
Ilang buwan na raw nag-uusap ang mga taga-Cinemalaya at taga-Shangri-La Plaza kaugnay rito. May mga papeles na, ika nga.
Pagpapatuloy ni Direk Laurice: “Kung we scale down, kasi it’s not like CCP that has several venues na malaki at saka maraming satellite theaters.
“If we have to downscale in terms of what is at the heart of Cinemalaya, ang ambisyon lang naman talaga namin noon sa simula ay magkaroon ng pagkakataon at may funding na maibigay doon sa karapat-dapat na sampung nanalong script sa screening.
“Konting funding para makagawa siya ng pelikula niya. Maaaring binigyan na siya ng down payment ng lola niya, ng ano niya, may savings siya.
“Merong tulong ang gobyerno at ang Cinemalaya Foundation para sa filmmaker para makagawa siya ng pelikula.
“Kasi kung ikaw, producer ka, ikaw ang may distribution din… kung ikaw, katulad ni Vic del Rosario, saan ka maghahanap?
“E, di doon ka maghanap sa Cinemalaya. Kasi alam mong inano na yan, e. Screened na yan, e. Tapos binibigyan ng suporta, di ba?
“So at the same time, itong una nilang pelikula, magiging calling card. Suwerte na kung maimbita iyan sa festivals abroad, at pag manalo. Bonus na yan.
“Pero iyon lang ang ano ng Cinemalaya — so, bumalik muna tayo sa dream natin.
“Ano ba ang dream natin? Tulungan natin ang sampung filmmaker a year.”
Marami raw sa directors ng Cinemalaya 2025 ay baguhan.
“Kasi karamihan nung taga-industriya, e, nakaano na, di ba?” pagngiti ni Direk Laurice.
“At saka yung mga screening committee ngayon, maraming members sa mga ganun, involved in the Cinemalaya process from the beginning to end.
“I am involving already yung mga graduates. Yung mga nanggaling diyan.
“So, kung ikaw ngayon ang producer, doon ka titingin, di ba? So, yun ang parang tulong mo sa industriya.
“Tulong mo rin doon sa mga talented na mga filmmakers na may maiko-contribute sa kultura natin, sa pelikula.
“So, kung yun lang pala ang ambisyon natin, gawin natin kahit sa mas maliit na venue. Mas konting venue.
“Nagkataon, nag-iisip ang Shangri-La na isara na yung five theaters nila. And then nag-meeting with Tony Cojuangco.
“Ang sabi ni Tony, ‘Hindi ba puwedeng yung dalawa lang ang isara? Yung tatlo, diyan ganapin ang Cinemalaya.’
“Tatlong sinehan ang puwedeng gamitin ng Cinemalaya sa Shangri-La.
“So ngayon, para hindi ganoon kagastos at hindi ka magbabayad sa mga iimbitahin mong mag-showing dito, wala nang ibang ipalalabas kundi yung sampung pelikula, plus opening film, closing film, at yung sampung short films. Di ba?
“Iyon lang. Tingnan natin.”
Read: FDCP chairperson Joey Reyes asked about future of Cinemalaya
Mahal ang renta ng Cinemalaya sa PICC noong 19th Cinemalaya. Mahal din ba ang renta sa tatlong sinehan ng Shangri-La Plaza?
“Walang renta. Meron kaming agreement with them,” pagtatapat ni Direk Laurice.
“Kasi, magsasara na sana yung limang sinehan nila. And then, sabi nga ni Tony Cojuangco, ‘Keep the three. Diyan kami magsi-Cinemalaya.’
“Tapos, aside from the festival period, ang pinag-uusapan namin ngayon is continuous during the year.
“Hindi naman araw-araw. Once a week, there’s a Cinemalaya film from the past. Basta alam mong palabas yan sa isang sinehan.”
Siniguro rin ni Direk Laurice na tuloy ang 22nd Cinemalaya next year. Aniya, binabasa na ng selection committee ang mga entry.
“Bago matapos ang July, pipili na sila. Deliberations na kung alin yung 30 sa shortlist,” pagsisiwalat pa ni Direk Laurice.
“Yung 30 na iyon, isusulat na mas detailed. And then they will go through sa film lab.
“At the end of the film lab, pipiliin yung sampung finalist.”
Sigurado na ba talaga ang Cinemalaya 2026?
Ngumiti muli si Direk Laurice, “The money has been assured.”
Read: FDCP Chair Joey Reyes, tiniyak na tuloy ang Cinemalaya sa 2026
NOEL FERRER
Nag-screening sa Sine Pop noong Sunday ang pelikulang Guardia de Honor na idinirek ni Joselito Altarejos, at tinampukan ni Laurice Guillen kasama sina Allen Dizon, Sunshine Cruz, at Therese Malvar.
May special participation sa movie sina Ina Feleo at Oliver Aquino.
Kasama sa cast sina Marcus Madrigal, Rico Barrera, Barbara Miguel, at Carlos Dala.

Nagwagi ang Guardia de Honor sa 2025 Ahmedabad International Film Festival noong Abril 27 sa Gujarat, India, sa mga kategoryang Best Director in a Foreign Feature Film (Joselito Altarejos) at Best Actress (Laurice Guillen).
Wala sina Laurice at Direk Joselito sa nasabing awards ceremony. Ang tumanggap ng mga tropeyo ay ang executive producers ng movie na sina Art Cruz at Ruiz Cruz.
Ang special screening ng Guardia de Honor noong Sunday sa Sine Pop ay bahagi ng Alt-R Heroes 2025: From LGBT Rights to Human Rights, kung saan si Direk Joselito ang festival director.
Read: Matet de Leon hurt by insensitive comments during live selling
AWARDING CEREMONY FOR LAURICE AND JOSELITO
Matapos ang special screening, ginanap ang awarding ceremony kina Laurice at Direk Joselito.
Bahagi ng pahayag ni Laurice kaugnay sa pelikula, “The story is very dark, but it doesn’t mean to say that such people do not exist.
“People who have for so many years defended the honor of their family. But by defending the honor, one has to hide the things that one is ashamed about.
“And so if the mother were to be like… very ano naman tayo, matriarchal, di ba? O sabihin na natin, Pilipinas iyong nanay.
“Siya ang nagdi-dictate, e, kung ano ang puwede at hindi puwede. Ano sa ulo niya ang myth ng sino ang hero, sino ang hindi hero?
“At pagtatakpan niya yung hero sa istorya niya, including the son.
“But after some point in this whole story, she realizes that the cycle is going to go on, and she’s the only one who can stop it without having to divulge first what was wrong with that family.
“And therefore rather than having like a Greek kind of drama that they’re going to have in the film… the arm of the law will take over.
“And so it will not be drama. So she solves it her way. And the way that she solves it, I don’t agree with her.
“She’s just insane. She has this madness about, you know, even if alam na ng lahat, basta huwag lang masabi kung ano ang problema ng pamilyang ito.
“At may guilt din siya by keeping it to herself, and not doing the right thing to do about it.
“And the right thing doesn’t mean to say you take justice into your owns. But you confess. And that’s the irony.
“She confesses with her children. Ngayon ko lang nakita ang ganyang eksena. Na sabay-sabay nagkukumpisal.
“She confesses, di ba? Pagkatapos, siya din ang mag-e-execute ng justice. I don’t agree with that.
“As a person, I don’t agree. Pero siyempre, istorya lang yan. Para pag-usapan natin. Ano lang yan, guni-guni lang yan ni Jay Altarejos.”
Read: Kiefer Ravena, Diana Mackey lose first baby to miscarriage

GORGY RULA
Si Laurice Guillen ang title role sa pelikulang Faney na tribute kay Nora Aunor at sa mga Noranian.
Wala si Direk Laurice sa premiere screening ng Faney noong Mayo 21, kaarawan ni Nora, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Sa first shooting day pa lang ng Faney noong Mayo 12 sa Antipolo City, sinabihan na ni Direk Laurice ang direktor ng pelikula na si Adolf Alix Jr. na hindi siya makakadalo sa nasabing premiere.
Ang representative doon ni Direk Laurice ay ang daughter niyang si Ina Feleo.
MOST OUTSTANDING BUTUANON
Noong Mayo 21 kasi ay nasa Butuan City na si Direk Laurice.
Kinabukasan ay may special screening doon ang Guardia de Honor.
Bahagi iyon ng Cinema Rehiyon 2025, kung saan pinarangalan ng city government si Direk Laurice bilang Most Outstanding Butuanon.

Pahayag ni Direk Laurice: “Homecoming yun. Kahit na umuulan, sa umaga, 40 degrees. Tanghali hanggang gabi, wala ka nang makita kundi ulan, di ba?
“Pero masaya yung mga sessions. It was a good festival. The first regional festival na in-attend ko.
“Hometown ko iyon. It was a good reason to be there. And I was very happy that they stayed for this film, ha?!
“They stayed and watched. Kasi, bihira ka namang makakita ng this kind of film.
“I’m not saying the film is great, or not great. The film is not the usual fare.”
Read: Jennifer Sevilla: From Seiko Jewel to Businesswoman
ALT-R HEROES
Siyangapala, nag-special preview rin sa Alt-R Heroes 2025 ang bagong pelikula ni Direk Joselito Altarejos na Sa Panahong Walang Katiyakan.
Nasa cast ng pelikula sina Jonathan Ivan Rivera, CJ Barinaga, Awin Valencia, James Ramada, Oliver Aquino, Migs Almendras, Dexter Doria, Joy Raz, at Roy Salazar.
Slated itong i-release sa third quarter ng 2025.
Ini-announce din sa Alt-R Heroes 2025 na nasa post-production na ang psychological thriller na Greatest Performance, kung saan tampok sina Sunshine Cruz, Soliman Cruz, at Oliver Aquino.
Nasa pre-production na ang spiritual drama na Bukod Kang Pinagpala, kung saan si Nora Aunor sana ang gaganap bilang Mamay Leonora.
Ang next legs ng Alt-R Heroes 2025 festival ay sa Camarines Sur with Shotlist Coffee, at sa Negros Oriental with Beetzee Productions.
Presented by GagaOOLala, partners at supporters ng Alt-R Heroes 2025 ang Sine Pop, Full Post Asia, Camaya Sunset Villa, Ticao Altamar Boutique Resort, Artist Concept Production Company (Rico Ancheta), Ellió Scent Lab, iWantickets, at ADCC Productions.
