PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumusta ang ratings ng mga bago at nagbabalik na shows?

Stars on the Floor, Idol Kids, The Clash, at Rainbow Rumble ratings...
by PEP Troika
Published Jul 2, 2025
tv ratings
(Top, left) Stars on the Floor host and judges Jay, Alden Richards, Marian Rivera, and Pokwang; (top, right) Rainbow Rumble celebrity contestants Iyah Mina, Kaladkaren, Vice Ganda, Marina Summers, and Sassa Gurl; (bottom, left) The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha with hosts Julie Anne San Jose and Rayver Cruz; (bottom, right) Idol Kids PH judges Angeline Quinto, Gary Valenciano, Regine Velasquez, and Juan Karlos.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Mukhang maraming pinagkaabalahan ang mga tao ngayon kaya hindi na gaanong nanonood ng mga programa sa telebisyon.

Ang iba naman ay hindi na talaga sa TV nanonood ng mga programa, kundi sa online na o kaya ay mas nakatutok sa Netflix at iba pang streaming services.

Magkakasunod ang mga bagong programang inilunsad sa GMA-7, pero hindi ganoon kataas ang viewing level ng mga ito.

Noong Sabado, June 28, 2025, nagsimula ang dance show na hinu-host ni Alden Richards, ang Stars On The Floor. 7.8% ang rating nito.

Read: Si Xian Lim ba ang tinutukoy ni Vice Ganda sa queerbaiting issue?

stars on the floor
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos katapat nito ang kasisimula lang din na Idol Kids Philippines sa Kapamilya Channel. Naka-4.8% ito.

idol kids
Idol Kids PH hosts and judges: (L-R) Robi Domingo, Jolina Magdangal, Gary Valenciano, Angeline Quinto, Regine Velasquez, Juan Karlos, Shanaia Gomez, and Emilio Daez
Photo/s: Idol Philippines Facebook

Kaabang-abang ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition noong gabing iyon dahil nakumpleto na ang Big 4, at naging final duo evictee ang DusBi nina Dustin Yu at Bianca de Vera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-6.2% ito, kahit halos araw-araw ay nagte-trending at lalo pang lumalakas sa mga manonood.

pbb celebrity collab big 4
PBB Celebrity Collab Big 4: CharEs of Charlie Fleming and Esnyr Ranollo; RaWi of Ralph de Leon and Will Ashley; AZVer of AZ Martinez and River Joseph; and BreKa of Brent Manalo and Mika Salamanca.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang gusto pa rin ng mga manonood ang mga singing contest kaya maganda pa rin ang pagtanggap sa The Clash ng GMA-7 na nagsimula two weeks ago.

Noong Linggo, June 29, ay lalo pang tumaas ito sa 8.1%.

Read: Anne Curtis hits back at netizen who questioned her award for hosting

the clash
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AFTERNOON PRIME DRAMAS

Noong Lunes, June 30, ay nagsimula naman sa Afternoon Prime ng GMA-7 ang Akusada ni Andrea Torres.

Ito ang ipinalit sa Binibining Marikit na nagtapos noong nakaraang Biyernes, June 28.

Tila mababa rin ang viewing level noong araw na yun dahil naka-5.3% lang ang Akusada.

andrea torres akusada

Ang My Father’s Wife naman ay naka-5.2%, at ang Mommy Dearest ay 5.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang July 11 na lang ang Mommy Dearest, at papalitan na ito ng Cruz vs. Cruz sa July 14.

mommy dearest
Photo/s: GMA Network

Challenge ito kung maibabalik ang dating sigla ng afternoon drama na madalas pang nagdo-double digit noong panahon ng Abot-Kamay Na Pangarap ni Jillian Ward hanggang sa Lilet Matias: Attorney-at-Law ni Jo Berry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor

NOEL FERRER

Noong Biyernes, June 27, ang finale episode ng Binibining Marikit, at ito ang pinakamataas ang rating sa tatlong afternoon drama.

Pero hindi ito kasintaas nung mga nakaraan nilang episodes. Naka-5.9% ito.

Noong araw ring iyon ay naka-5% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! naman ay 3.3%.

Sumunod ang My Father’s Wife na naka-5% din, at ang Mommy Dearest ay 5.8%.

Pagkatapos ng Binibining Marikit ay ang Fast Talk with Boy Abunda na naka-4.1%.

Sumunod ang Lovely Runner na 2.7%.

Ang Family Feud, kung saan naglaro sina Marian Rivera, Alden Richards, at ilang celebrity contestants ng Stars on the Floor, ay naka-7.3%.

family feud
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa primetime ay naka-12.4% ang 24 Oras.

Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay 10.6%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 13%.

Ang Sanggang Dikit FR ay natalo ng Incognito na malapit nang matapos.

Naka-7.8% ang Sanggang Dikit FR, habang ang Incognito ay naka-8%.

Ang PBB Celebrity Collab Edition ay 4.3%.

Read: Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online

sanggang dikit fr
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Noong Sabado, June 28, ay bumalik na ang Rainbow Rumble ni Luis Manzano sa Kapamilya Channel, kung saan naglaro ang LGBTQ members na sina Vice Ganda, Marina Summers, Iyah Mina, Sassa Gurl, at Kaladkaren.

Naka-2.1% ito.

rainbow rumble
Rainbow Rumble celebrity contestants: (from left) Iyah Mina, Kaladkaren, Vice Ganda, Marina Summers, and Sassa Gurl.
Photo/s: Rainbow Rumble Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang halos katapat nitong Pepito Manaloto sa GMA-7 ay naka-7%.

Noong Linggo, June 29, ay 1.9% na lang ang Rainbow Rumble, at ang katapat nitong Bubble Gang ay 6.3%.

May viewers talaga ang PBA sa RPTV dahil nakakuha pa ito ng 2.9% na rating.

Samantala, sa primetime noong Lunes, June 30, ay lalo pang tumaas ang FPJ’s Batang Quiapo. Naka-14.2% ito.

Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay tumaas naman sa 11.4%.

BATANG QUIAPO RULES IN KANTAR MEDIA

Maging sa datos ng Kantar Media ay waging-wagi ang FPJ’s Batang Quiapo.

Nanatiling most-watched teleserye sa bansa ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin matapos itong magkamit ng national TV rating na 20.2% kumpara sa 17.1% ng Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Hunyo 23, Lunes.

Kinapitan ng mga Pilipino ang episode kung saan namatay ang kontrabidang karakter ni McCoy de Leon noong Hunyo 24, Martes. Nakakuha ito ng national TV rating na 21.3% kumpara sa kalaban na nakakuha ng 16.2%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpatuloy ang lamang ng Kapamilya teleserye sa Hunyo 25, Miyerkules, na episode na nagrehistro ng national TV rating na 19.2% laban sa Sang'gre na nagtala ng 15.4%.

Tinutukan pa rin ang palabas ng ABS-CBN noong Hunyo 26, Huwebes, na episode na nagtala ng national TV rating na 20.7% kumpara sa 15.4% ng katapat na serye.

Namamayagpag din ang FPJ’s Batang Quiapo pagdating sa online viewership.

Nagtala ito ng mahigit kalahating milyon o 600,000 daily peak concurrent viewers, o mga sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube, para sa parehong panahon.

Nakatsikahan namin si “Roda” (Direk Joel Lamangan) noong Hunyo 30, Lunes, sa Cash n’ Carry sa Makati City, at sinabi niya sa amin ang ilang nakaka-shookt na developments sa toprating teleserye ni Coco Martin, ang Hari ng Telebisyon.

Read: Justice Secretary Remulla, tinanong sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa sabungero case

batang quiapo
Coco Martin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top, left) Stars on the Floor host and judges Jay, Alden Richards, Marian Rivera, and Pokwang; (top, right) Rainbow Rumble celebrity contestants Iyah Mina, Kaladkaren, Vice Ganda, Marina Summers, and Sassa Gurl; (bottom, left) The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha with hosts Julie Anne San Jose and Rayver Cruz; (bottom, right) Idol Kids PH judges Angeline Quinto, Gary Valenciano, Regine Velasquez, and Juan Karlos.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results