JERRY OLEA
Maraming beses nang kumanta sa ospital at lamay si Dulce.
Kinuha siyang mag-perform ng ardent fans na nakaratay sa ospital, o habilin na kapag nakaburol ay umawit ang Asia’s Timeless Diva.
“Yeah, family, mayayaman. Tapos favorite niya talaga ako, so I sing in her hospital bed,” pagsisiwalat ni Dulce noong Hulyo 1, 2025, Martes, sa Rampa Club, Tomas Morato Ave. Extension, Quezon City.
“And then, ginawan pa ng party sa isang malaking hotel. Dala pa yung kanyang special hospital bed in the party.
“Tapos naka-Larry Santiago na gown yung nasa hospital bed. Tapos ito ngayon, that was the last time that I was going to sing for her birthday.
“And then after two weeks, she died. They still got me to sing for the wake.
“They still got me hanggang sa paglibing. Ganun.”
Read: Lolit Solis, veteran talent manager and showbiz columnist, dies at 80
SINGING FOR RICH PEOPLE
Gusto ng mga mayayamang tagahanga ni Dulce na marinig nang personal ang mga awit nito sa huling pagkakataon, o kaya ay sa kanilang huling hantungan.
“Ang pangit nga, kasi siyempre, magbabayad sila. Sabi ko, OK lang na hindi na. Parang nakakahiya,” pagtatapat ni Dulce, na magiging 64-anyos na sa Hulyo 22.
“Pero talaga. Most often, hindi. Kung meron talaga, kunyari, si Mother Ricky Reyes, may gusto siyang pakantahan.
“‘Ay! Huwag mo na akong bigyan!’ ‘Heh! Maggo-grocery ka! Ibili mo ito ng ano.’ Ganyan siya.
“So, pag request na kaibigan, hindi na. Dyusko! Yung mga kinakantahan nating mahal sa buhay, Pilita [Corrales]…”
Nakatakda ang Wagi! birthday concert ni Dulce sa Hulyo 11 at 12 ng gabi sa BGC Arts Center sa Taguig City.
NOEL FERRER
“Matagal ko nang pangarap talaga ito, an all-OPM concert at salamat mapapagbigyan naman ako,” says Dulce.
She will be directed by Rowell Santiago with musical direction by Homer Flores, who was one of those original people she has worked with when she was starting to make music with the late great George Canseco.
“Marami kaming pinagsamahan niyan kaya this concert is a special birthday concert too and reunion,” Dulce adds.
Handpicked by Dulce to join her in this concert are her children Jem and Abby; and young classical singer who also does pop, Arman Ferrer.
Her repertoire includes her signature songs, some hits from Pinoy bands, her classic movie theme songs, Pinoy novelty at its best, a couple of salin-awits, and truly the best of OPM old and new!
Don't miss this once-in-a-lifetime concert event that will leave you enchanted and nostalgic.
Secure your tickets now through Ticketworld and be a part of Dulce Wagi!, a testament to the enduring legacy of OPM and the incomparable Dulce.
Read: Netizens ask: Are Maine Mendoza and Miles Ocampo not on good terms?

GORGY RULA
Nung nagkatsikahan kami ni Dulce sa DZRH, ikinuwento ko sa kanya na sina Engelbert Humperdink na edad 89, Tom Jones, 85; at Dionne Warwick, 84, ay patuloy pa rin sa pagko-concert.
Matibay pa rin at kayang magkakanta sa loob ng isa at kalahating oras sa stage. Kaya din ba yun ng Wagi diva?
“Kakanta pa rin ako,” bulalas ni Dulce.
Hindi raw siya titigil at patuloy pa rin sa pagkanta. Hangga’t meron daw magkakainteres sa kanya.
DULCE'S GOLDEN RULES TO HER CHILDREN
Pero ang pinakamahalaga pa rin kay Dulce ay ang magandang pakikitungo at maging mabuting tao sa lahat.
Ito raw ang lagi niyang sinasabi sa kanyang mga anak.
Aniya: “Ang alam ko lang, inilalagay ko sa kanila kung ano yung tama, kung ano sa alam kong mabuti.
“Kumbaga, basic na mga golden rule na 'Do not do unto others, what you do not [want] others to do unto you.'
"Basic yan, Bibilical yan na, 'Huwag mong gawin sa kapwa mo yung ayaw mong gawin sa iyo.'
“And huwag makapanakit… ako kasi yung laging, 'Pagpasensiyahan mo na, palampasin mo na.'
“Although, hindi lahat sa panahon yan, lalo na ako patola din ako, lalo na nung mauso yung Facebook.
“Minsan tumatalak din ako pag merong nang-aaway sa akin, and then bigla din namang mag-pray ako na nahihiya ako sa Panginoon.
“'Ay, humihingi po ako ng tawad sa mga natarayan ko.' Kasi minsan, lalo na kapag emotionally laden ka, bumibigay ka rin.
“Pero hindi naman umaabot sa talagang magsasalita ka ng pangit against your kapwa tao.”
Read: Vice Ganda, pinatutsadahan sina Ricky Reyes at Renee Salud?
