JERRY OLEA
Open na sa publiko ang lamay ni Manay Lolit Solis, 78, umpisa Hulyo 5, 2025, Sabado ng hapon, sa 7th floor ng Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City, katabi ng St. Peter Parish: Shrine of Leaders.
Nakatakda ang cremation ng mga labi ni Manay Lolit sa Hulyo 8, Martes ng 2:00 P.M. sa Loyola Crematory Commonwealth, Tandang Sora, Quezon City.
Read: Lolit Solis, veteran talent manager and showbiz columnist, dies at 78
Ito ang isiniwalat ng panganay na anak ni Manay Lolit na si Sneezy Solis McDonald sa eksklusibong panayam ng PEP Troika.
Nitong Hulyo 4, Biyernes ng umaga, nakauwi ng bansa si Sneezy mula USA.
“Wednesday morning [Hulyo 9], dadalhin na siya sa musoleo sa Holy Cross,” sabi ng 53-anyos na si Sneezy nitong Hulyo 4, Biyernes ng gabi.
Ang Holy Cross na tinutukoy ni Sneezy ay ang Holy Cross Memorial Mark sa Quirino, Novaliches, Quezon City.

LOLIT SOLIS'S OTHER DAUGHTER
Sino ang hinihintay pa sa lamay?
“Hinihintay pa yung kanyang isa pang anak… na prodigal daughter. Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Sneezy.
Sa Lunes ng 11:00 P.M. pa raw ang dating ng younger sister niyang si Sloopy.
Sa U.S. din daw ito ito manggagaling, pero hindi niya alam kung saan.
Ani Sneezy, dekada nang hindi sila nagkakausap ng 52-anyos na si Sloopy. Ang kinakausap lang daw nito ay ang pinsan nilang si Vanessa.
“At least, noong nag-reach out si Vanessa, kinausap niya. Kasi nga, kung hindi, e, di talagang hindi niya malalaman kung ano ang nangyayari,” saad ni Sneezy.
“Siguro malalaman niya sa social media, di ba? So sad yun. At least ngayon, buti may kinausap siyang isa sa mga pinsan.
“We’ll see. Baka naman pagdating niya ay kausapin niya the rest of the family.”

NOEL FERRER
Eighty years old na si ‘Nay Lolit Solis.
Taliwas ito sa "pralala" ni 'Nay Lolit na 78 lamang siya noong huling kaarawan niya noong Mayo 20, 2025.
Panganay si ‘Nay Lolit sa limang magkakapatid.
Ang birth year ng pangatlong anak ay 1947.
“Impossible naman na pareho ng birth year si Mommy at ang ikatlo sa magkakapatid!” natatawang sabi ni Sneezy.
“Ibig sabihin, at least 80 na siya, di ba? At least, 1945 siya, di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!
“At least, nakaabot siya ng 80th birthday niya.”
Read: Carla Abellana says one of her dogs was abused by "narcissistic ex"

GORGY RULA
Ano ang mensahe ni Sneezy para sa mga nagmamahal kay Manay Lolit Solis?
“Well, thank you. At saka at least alam ko kung bakit nila mahal si Mommy,” tugon ni Sneezy.
“Kasi they got to know the real her. So, they’re lucky, di ba?
"Kasi yung mga iba, hindi nila nakilala si Mommy so, like, you know, they bash her. They don’t like her.
“Pero at least, like yung mga close sa kanya — like, you know, why close sila kay Mommy, it’s because, you know…
“Kaya well, thank you!”
Read: Netizens ask: Are Maine Mendoza and Miles Ocampo not on good terms?

UPDATE
EDITOR'S NOTE ON LOLIT SOLIS'S REAL AGE
Nagkaroon ng kalituhan sa tunay na edad ni Lolit Solis. Sa pagkakaalam ng publiko at maging ng kanyang mga alaga ay isinilang siya noong Mayo 20, 1947. Ito rin ang nakasaad sa mga mahahalagang dokumento o identification card ni Manay Lolit, gaya ng passport.
Ngunit sa unang araw ng lamay para sa namayapang talent manager ay napag-alamang ang pangatlo sa mga kapatid ni Manay Lolit ay isinilang noong 1947. Si Manay Lolit ang panganay sa limang magkakapatid kaya imposibleng magkapareho sila ng taon ng kapanganakan.
Kaya ang tunay na edad ni Manay Lolit ay 78.
Ito ang dahilan kung kaya binago ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang ulat. Mula 1947 ay ginawang 1950 ang taon ng kanyang kapanganakan, at mula 78 ay ginawang 80 ang kanyang edad, base sa impormasyong ibinahagi ng pamilya ng namayapa.
Ito ang unang lumabas na detalye ng necrological service para kay Manay Lolit. Makalipas ang ilang araw ay ginawa nang opisyal ang Mayo 20, 1947 bilang araw ng kanyang kapanganakan.
Ito rin ang nakalagay ngayon sa obituary at lapida ni Manay Lolit.

