PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Poging aktor, dinadalaw sa set ng female politician

Poging aktor, hiwalay na sa longtime partner?!
by PEP Troika
Published Jul 5, 2025
blind item
Poging aktor, namataang sweet-sweet-an sa female politician na hiwalay sa asawa. Bago si female politician, nagpalipad-hangin sa isang magandang aktres?
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA:

Nagkakamabutihan na pala ang poging aktor at ang female politician.

Napapadalas daw ang pagdalaw ni female politician sa set ni poging aktor, at tamis-tamisan ang kanilang moments.

Noong una raw ay may bodyguards pa si female politician kapag dumadalaw kay poging aktor kaya hindi gaanong namamalisyahan.

Nang mga sumunod na pagdalaw ni female politician, aba, wala na raw itong kasamang bodyguards. Mag-isa na lang siya.

POGING AKTOR AT FEMALE POLITICIAN, HOLDING HANDS SA SET!

Napapansin na raw na talagang may something sila. Nagho-holding hands silang dalawa. At ang pagkakaintindi ng karamihan, namukadkad na ang pagsinta sa kanilang mga puso.

Napabalitang may partner at mga anak si poging aktor. Pero napag-alamang matagal na pala silang hiwalay.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

GORGY RULA:

Pagkatapos daw makipaghiwalay si poging aktor sa matagal niyang partner, may nilalandi-landi siyang isang magaling na aktres na ilang beses niyang nakakatrabaho sa pelikula at TV shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naloloka si magaling na aktres kung bakit pinagte-text-text siya ni poging aktor na nag-i-invite na maglaro o mag-jogging.

Tumitikwas ang eyebrow ni aktres na hindi alam kung ano ang balak ni poging aktor.

Namamalisyahan siya sa ginagawa ni poging aktor dahil nalaman niyang hiwalay na ito sa matagal nitong partner.

Ngayon ay nalaman naming itong si female politician na pala ang kinakalantari ni poging aktor.

Alam kasi nilang mahilig sa mga bagets si poging aktor.

Bakit ngayon, itong si female politician na ang karelasyon na alam namin ay hiwalay na rin sa asawa? May gamitan kaya sa relasyong ito?

Read: Maine Mendoza, Miles Ocampo interact on-air amid feud rumors

NOEL FERRER:

Talaga? Hiwalay na ba siya talaga? Ang hirap magbuhay-binata forever.

Hindi na tayo bumabata. Sana, mahanap na ni poging aktor at ng female politician ang kanilang kaligayahan.

At oo, lubayan na ang maganda at magaling na aktres, kasi ayaw nitong ma-stress sa kanyang buhay. Hindi ito nakakaganda, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Poging aktor, namataang sweet-sweet-an sa female politician na hiwalay sa asawa. Bago si female politician, nagpalipad-hangin sa isang magandang aktres?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results