PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Controversial personality, may mansyon para kay mestisang aktres

Mestisang aktres, mabubuhay kahit hindi makipagrelasyon sa mayamang nobyo.
by PEP Troika
Published Jul 6, 2025
Blind item on controversial personality pinagawan ng mansyon si mestisang aktres
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA:

Nagmamarites ang construction workers kung sino ang titira sa mansion na ginagawa nila.

Ang laki raw ng mansion na ipinapagawa ng kontrobersyal na male personality. Matatagpuan ang super-laking bahay na ipinapatayo sa isang sosyal na village.

CONTROVERSIAL PERSONALITY BUILDS A HOME FOR MESTISANG AKTRES

Ongoing pa raw ang construction, at sa tagal nito, na-discover na raw ng construction workers kung sino ang titira sa bahay na iyun.

Hindi naman daw si controversial personality ang titira sa bahay na iyun kundi ang mestisang aktres.

Ang bongga ni mestisang aktres, dahil panay raw ang tanggi ng projects. Kahit naka-sabbatical leave sa pag-aartista, magkakaroon si mestisang aktres ng napakalaking bahay sa isang sosyal na village.

Read: Poging aktor, dinadalaw sa set ng female politician

GORGY RULA:

Syokot akong mag-comment sa BI na iyan! Basta, afraiddie mercury ako!

Mabait at generous si mestisang aktres. Marunong makisama na hindi pang-showbiz ang trato sa aming movie press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ilang nakakausap ko na malapit sa kanya, naniniwala pa rin silang hindi totoo ang pagkaka-link nito sa kontrobersyal na male personality.

Kahit wala raw itong ginagawang shows, malakas daw siya sa mga out-of-town shows na hindi lang basta-bastang ‘baratilyo show.’

Talented si mestisang aktres, at magaling umarte. Kaya mabubuhay naman daw itong si mestisang aktres kahit hindi siya makipagrelasyon kay controversial personality.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

NOEL FERRER:

May naririnig tayong mga balita pero dumating ako sa puntong matatanda na itong mga taong involved dito. Alam na nila ang pinasok nilang buhay at ang consequences nito kung anuman.

Ang hirap lang dahil makulay ang kanilang mga naging buhay pag-ibig at mahirap ihiwalay sa kanilang pinagkakaabalahang trabaho at pinagkakakitaan.

Basta, tulad ng sabi ko, they are two consenting adults na. Kaya na nila iyan! Alam na nila kung ano ang tama o mali. Iwas-sawsaw na tayo! At iwas-panganib din. Hayyyy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results