PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tali Sotto, tinanong bakit nakasara ang kabaong ni Lolit Solis

Lolit Solis, hindi nasunod ang kagustuhang ipa-cremate siya agad.
by PEP Troika
Published Jul 7, 2025
sotto family lolit solis wake
Couple Vic Sotto and Pauleen Luna and their daughter Talo Sotto and Pauleen's mother Chat Luna visit the wake of talent manager Lolit Solis. With them in this photo is the eldest daughter of Lolit, (rightmost) Sneezy McDonald.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Dumalaw ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, kasama ang kanilang panganay na anak na si Tali, sa burol ni Manay Lolit Solis noong Hulyo 6, 2025, Linggo ng umaga, sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Ave., Batasan Hills, Quezon City.

Nagtanong si Tali kung bakit nakasara ang kabaong ng Lola Lolit niya.

Batang paslit pa kasi si Tali nang huli silang nagkita ni Manay Lolit.

Sa telepono lang sila nagkausap magmula nang nagkasakit ang talent manager ng ina ni Tali na si Pauleen.

Gumagaan ang pakiramdam ni Manay Lolit kapag tumatawag si Pauleen at pinapakausap sa kanya si Tali.

Tawang-tawa si Nay Lolit nang minsang sinabi sa kanya ni Tali, “Lola Lolit, you want money?”

Read: Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 78

TALI SOTTO LEADS A PRAYER FOR MANAY LOLIT

Napakalambing kasing bata ni Tali, at gusto niyang sumama sa Mommy at Daddy niya nang nalamang pupunta ang mga ito sa burol ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ni Pauleen si Tali kung gusto nitong makita ang Lola Lolit niya.

“You want to talk to your Lola Lolit?” tanong ni Pauleen.

“She cannot answer, she’s dead,” sagot ni Tali.

So, pinabuksan muna namin ang kabaong para makapag-pray raw sila.

Si Tali ang nag-lead ng prayer, at ang narinig ko lang sa dasal ni Tali ay, “She’ll be happy there. I love her, in Jesus name. Amen.”

Nakakatuwang tingnan na ang batang si Tali ang nagli-lead ng prayer para sa kanyang Lola Lolit.

Bihirang pumunta sa burol si Bossing Vic, pero pumunta siya nang pinakiusapan ni Pauleen.

Gusto rin daw ni Bossing Vic dahil nais niyang mag-offer ng panalangin para sa pumanaw na talent manager.

Read: Bong, Pauleen, Yasmien pay tribute to talent manager Lolit Solis

lorna tolentino pauleen luna lolit wake
Lorna Tolentino and Pauleen Luna at Lolit Solis's wake.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakasara ang kabaong na kinalalagakan ng mga labi ni Manay Lolit Solis.

Kabilin-bilinan niyang ayaw niya ng burol.

Noong nabubuhay pa si Manay Lolit, paulit-ulit niyang sinasabing ayaw niya ng burol, at gusto niyang i-cremate siya agad. Pero hindi nasunod ang gusto niya.

lolit solis wake
Photo/s: Jerry Olea

Nasa Amerika pa ang mga anak niyang sina Sneezy at Sloopy, kaya hinintay muna sila bago ipa-cremate ang mga labi ng kanilang ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hulyo 3, Huwebes ng 12:55 A.M. pumanaw si Manay Lolit, 78, dahil sa acute coronary syndrome.

Hulyo 4, Biyernes ng umaga, nakauwi sa Pilipinas ang 53-anyos na panganay ni Manay Lolit na si Angel Lizza Pasamonte aka Sneezy Solis McDonald.

Hulyo 7, Lunes ng gabi, ang dating ng bunsong si Michael Angela Pasamonte aka Michelle aka Sloopy Solis.

Hulyo 8, Martes ng 12:00 noon, ay may misa bago ang 2:00 P.M cremation.

GMA Night ang huling gabi ng lamay sa Martes.

Sa Miyerkules ng 8:00 A.M. ay meron muling misa, saka dadalhin ang kanyang cremains sa mausoleum sa Holy Cross Memorial Park sa Quirino Avenue, Novaliches, Quezon City.

Naghihintay na roon ang urn ng favorite dog niyang si Dyok-dyok, na pumanaw late last year.

Read: Detalye ng burol, cremation, at libing ng mga labi ni Lolit Solis

JERRY OLEA

Gusto mang dumalo ng ilang alaga ni Manay Lolit sa cremation at inurnment nito, hindi nila magagawa dahil sa commitment sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumipad sina Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez papuntang Nasipit, Agusan del Norte, noong Hulyo 6, Linggo ng 4:00 A.M. para sa shooting ng pelikulang I’m Perfect na prinodyus ng Nathan Studios nina Sylvia Sanchez.

tonton glydel lolit solis wake
Tonton Gutierrez and wife Glydel Mercado at Lolit Solis's wake.
Photo/s: Facbebook

ALFRED VARGAS BITTERWSEET ACHIEVEMENT

Si Alfred Vargas naman ay umalis patungong Bali, Indonesia, para sa isang conference na dadaluhan niya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago siya tumuloy sa airport, dumaan muna si Alfred sa burol ni Manay Lolit nitong Hulyo 7, Lunes ng hapon.

alfred vargas lolit solis wake
Alfred Vargas visits the wake of his talent manager Lolit Solis.
Photo/s: Jerry Olea

Masaya sana ang dala niyang balita, pero hindi raw ganun kasaya dahil wala na ang nanay-nanayan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaga-graduate lang niya ng Diploma on Urban and Regional Planning sa UP Diliman, at siya ang nag-deliver ng Valedictory address.

“Nung nag-speech ako, naalala ko si Nanay. Ipo-post ko rin yung speech ko ganun. In-offer ko talaga itong tagumpay na ito kay Nanay Lolit, yung diploma na ito.

“Pero tuloy ang buhay na ito. Mag-e-enrol ulit ako this sem, kasi ang next step ko Masters naman.

"Tapos ng Masters, PhD. So, sa tingin ko kaya naman in the two to three years naman.

“Gusto ko sana mag-celebrate, pero yun nga, bittersweet. Kasi wala na yung mga magulang ko, wala na si Nay Lolit, di ba?” saad ni Alfred.

Lalong naging solid ang samahan ng mga alaga ni Manay Lolit dahil halos gabi-gabi sila sa burol at nagkasama-sama sila.

Ngayon lang nangyari uli na nagkita sila at nagkaroon ng panahong magsama ulit.

Read: Alfred Vargas managed by Lolit Solis for 21 years without contract

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Couple Vic Sotto and Pauleen Luna and their daughter Talo Sotto and Pauleen's mother Chat Luna visit the wake of talent manager Lolit Solis. With them in this photo is the eldest daughter of Lolit, (rightmost) Sneezy McDonald.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results