PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ama ng mga anak ni Lolit Solis, buhay pa at nasa Amerika

Lolit Solis and estranged husband lived together for three years.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2025
sneezy mcdonald lolit solis
Sneezy McDonald (left), daughter of the late Lolit Solis (right), recalls custody dispute between her parents after their separation.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Buhay pa at nasa USA si “Mr. Pasamonte,” ang ama ng dalawang anak ni Manay Lolit Solis na sina Sneezy at Sloopy.

Ang panganay na si Angel Lizza Pasamonte aka Sneezy Solis McDonald ay 53-anyos.

Isang taon ang tanda ni Sneezy sa kapatid na si Michael Angela Pasamonte aka Michelle aka Sloopy.

Read: Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 78

“Noong nagpakasal sila, nasa showbiz na si Mommy,” salaysay ni Sneezy nang makatsikahan ng PEP Troika noong Hulyo 7, 2025, Lunes ng gabi, sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City.

“So, parang known na si Mommy as Solis, Lolit Solis. So, talagang never niyang tinake yung ano niya, so parang stage name niya yun dati.

“Kasi sa lahat naman ng dokumento, legal documents, ginagamit naman niya iyong Pasamonte.

“Kasi I think it’s for our sake. Dahil kami nga, mga Pasamonte kami, di ba? So I think yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yun nga, pag sa showbiz, hindi. She kept yung Solis, na buti na rin, di ba? Hindi sila nagtagal, di ba?”

sneezy mcdonald lolit solis talents
Sneezy McDonald (frontmost) with the talents of her late mother Lolit Solis: (from left) Bong Revilla, Lani Mercado, Lorna Tolentino, Yasmien Kurdi, Paolo Contis, Benjie Paras, Gorgy Rula (close friend), Sandy Andolong, Christopher de Leon, Amy Austria, and Tonton Gutierrez.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOLIT SOLIS' ESTRANGED HUSBAND

Humigit-kumulang tatlong taon ang pagsasama noon nina Mr. and Mrs. Pasamonte bilang mag-asawa.

“Hindi kasi namin yan napapagkuwentuhan… pero alam ko, yung daddy ko, nag-ano na, late '70s, nagpunta na siya ng States, e,” pagkunot-noo ni Sneezy, na 1972 isinilang.

Sa pagkakaalam ni Sneezy ay two years old siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Kinuha si Sneezy ng kanyang daddy na taga-Dau, Angeles City, Pampanga.

Naiwan si Sloopy kay Manay Lolit.

“Noong poorita pa lang si Mommy, actually, sa umpisa pa lang nga, kasi nga, di ba, taga-Sampaloc siya?” lahad ni Sneezy.

“E, yung daddy ko, parang yung family niya, hindi naman well-off pero parang, alam mo yun, medyo nakakaangat kumpara mo kay Mommy, di ba?

“So, yung parents ng daddy ko, yung lolo’t lola ko sa daddy side, ayaw sa kanya. May mga ganung drama.

“So ayun, siguro isa nga yun sa dahilan kung bakit tatlong taon lang sila nagtagal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pinaghiwalay nila kaming magkapatid. Parang nung maghihiwalay na sila, ang napagdiskusyunan nila, paghihiwalayin din nila kami.

“Na parang yung isa, sa daddy ko. Yung isa, sa mommy ko. E, parang kinuha yata ni Mommy yung kapatid ko, kasi nga, mas bata, ganun. So, dun ako sa daddy ko.

“So, ayun, tapos parang… tapos siyempre, nung medyo nakakaangat-angat na si Mommy, di ba?

“Gusto na niya akong kunin pero ayaw akong ibigay. Five or seven years old na ako noon, mga ganun.

“So ayun, parang… e, siyempre, may mga konek na si Mommy dahil showbiz na siya.”

Ayaw ibigay si Sneezy kay Manay Lolit.

“So, may tinawagan si Mommy na isang general na dapat nga, alam ko ang pangalan!” natatawang saad ni Sneezy.

“Feeling ko, kahit si Mommy, nakalimutan na niya. So, parang may isang general daw siyang tinawagan para tulungan siya na makuha ako ulit.

“So ayun, sugod naman ang mga sundalo ni general sa Dau, di ba? Para makuha ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ayun, napunta naman kami kay Mommy. Tapos yun na nga, after nun yata, nag-decide na yung daddy ko na mag-abroad.”

Read: Detalye ng burol, cremation, at libing ng mga labi ni Lolit Solis

GORGY RULA

Hindi naputol ang ugnayan nina Sneezy at Sloopy sa kanilang ama. Hindi yung ipinagkait ni Mrs. Pasamonte aka Manay Lolit.

“Yun naman din ang gusto ni Mommy. Hindi naman siya yung parang ‘Huwag mong kakausapin ang tatay mo.’

“Si Mommy naman yung palaging, ‘O, ano…’ like pag tumatawag, ‘Eto, kausapin mo.’ So, continuous naman ang ano.

“Tapos siya pa ang nagpapunta sa amin sa States noong nasa 16, 17 years old na ako. ‘Magbakasyon kayo doon.’

“Ganyan, so ayun, OK naman sila,” sey ni Sneezy.

sloopy solis pasamonte
Sloopy Solis Pasamonte (right) with Mary Ann Opeña (left) and Gorgy Rula (center) at Lolit Solis' wake.
Photo/s: Ogie Narvaez Rodriguez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SNEEZY ON U.S. PETITION

Habang nakabakasyon si Sneezy sa USA, ipe-petition na sana siya ng kanyang daddy para maging U.S. citizen.

Natatawang pagtatapat ni Sneezy: “Ha! Ha! Ha! E kasi, sabi ng daddy ko, ‘Halika na, mag-stay ka na dito, tapos ipe-petition kita.’

“Madali lang ang process dahil minor pa ako, 17 pa lang ako. ‘Para may green card ka na, magiging US citizen ka na,’ ganyan-ganyan.

“So, e, di ako naman, ‘Sige!’ Stay ako sa States. So, tawag ako kay Mommy, ‘Mommy, mag-i-stay na ako dito, ha? Kasi sabi ni Daddy, ipe-petition niya ako,’ blah-blah-blah.

“At ang sagot naman niya, sabi niya, ‘O sige, kaya lang, paano yung ano mo? Di ba, magde-debut ka? Di ba, gusto mong magpa-party?’

“Sabi ko, ‘Ay, oo nga! Sige, hindi! Uuwi na ako!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya ayun, nakauwi ako.

“Nangyari, in-exile din naman niya [her father] ako. Ilang years later, 26 ako, in-exile din naman niya ako dun, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ngayon tuloy, nung na-exile niya ako dun at sabi ko sa Daddy ko, ‘O, i-petition mo na uli ako.’ So, nag-file ng petition.

“Nagpunta kami sa lawyer nung daddy ko. Ang sabi tuloy ng lawyer, ‘Well, like matanda na siya, ang pinakamabilis na way is magpakasal na lang siya.’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero pinayl pa rin, na ang tagal-tagal na. Ang ano nun, yun na nga, nakapag-asawa ako, di ba? So, nag-file ng petition yung husband ko.

“Tapos parang ilang taon na si Kinsey [anak ni Sneezy] nun, e. Two yata o whatever, na may green card na ako and everything…

“Day! Saka lang ako natanggap, yung papers for the petition nung daddy ko. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sabi ko nga, ‘Ibenta ko kaya ito?!’ Kasi ang nakalagay dun, Angel Lizza Pasamonte. E, nung time na yun, McDonald na ako.

“Sabi ko, ‘Puwede kong ibenta ito!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tali Sotto, tinanong bakit nakasara ang kabaong ni Lolit Solis

NOEL FERRER

Septuagenarian na rin si Mr. Pasamonte, ang ama nina Sneezy at Sloopy.

Ani Sneezy: “Kung 78 si Mommy, mga 76 si Daddy. Kasi parang… hindi, actually, feeling ko, sabi yata ng daddy ko, parang five years older yata si Mommy sa kanya.

“Hindi ko sigurado kung two or five years older siya. Basta mas matanda si Mommy sa kanya.”

MR. PASAMONTE ON LOLIT'S DEATH

Ano ang sabi ng kanyang daddy nang mabalitaan nitong pumanaw na ang ex-wife nitong si Manay Lolit?

“Actually naman, nag-ano naman siya. Nag-text na parang, ‘Nandiyan ka na ba? Kumusta?’ Ganyan-ganyan,” lahad ni Sneezy.

“Condolences. Sabi pa niya, ‘Magpapadala na lang ako ng pera para bumili ka ng bulaklak para ilagay mo from us, Pasamonte,’ ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Dyusko! Dad, huwag na! Kasi, kung nakita mo lang ang mga bulaklak dito, di ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Padalhan kita ng pera kasi siyempre, marami kang gagastusin diyan.’

“Sabi ko, ‘Actually, wala. Wala akong gastos!’ Ha! Ha! Ha! Wala akong gastos talaga!”

Libre ng Aeternitas ang lamay ni Manay Lolit for five nights, six days sa VIP chapels. Pati urn at dagdag na flowers, libre ng Aeternitas.

Friends ba ang mommy at daddy niya?

“Well, feeling ko… friendship, parang overstatement. Pero wala silang bad blood,” sabi ni Sneezy.

“Kasi yung daddy ko, lagi ring, ‘O, kumusta yung mommy mo?’ Tapos si Mommy rin naman, ‘Kumusta naman yung daddy mo?’

“Na sa totoo lang, hindi ba, daddy ko, nasa California na. Pareho kaming nasa States. Pero mas madalas ko pang makita si Mommy. Ha! Ha! Ha! Ha!”

May asawa na sa U.S. ang daddy niya. Meron ba silang half-brother or half-sister?

“Well, wala akong half-anything. Wala akong half-siblings. Kasi silang dalawa nung dyowa niya, wala silang anak,” saad ni Sneezy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I mean, daddy ko, may anak, kami ni Sloopy. Tapos yung asawa niya, may anak from another. Pero silang dalawa, wala. So, wala akong half-siblings.”

At least, nabigyan niya ng apo si Manay Lolit. Baby pa lang si Kinsey, love na love na ito ni Manay Lolit.

Napangiti si Sneezy, “Pero half lang. Half lang ng dream niya ang naibigay ko, yung magkaapo lang.

“Di ba, ang full dream niya ay magkaapong bakla? Ha! Ha! Ha!”

Lalaking-lalaki si Kinsey at meron na itong girlfriend.

“Kaya sorry, sorry. Half lang nung wish niya ang natupad ko.”

Read: Bong Revilla, inalala ang huling pag-uusap nila ni Lolit Solis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sneezy McDonald (left), daughter of the late Lolit Solis (right), recalls custody dispute between her parents after their separation.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results