PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab Big Night, nagtala ng pinakamataas na rating

Mga programang nilabasan ng PBB Big 4 Duos, tinutukan ng mga manonood.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2025
pbb celebrity collab big night
The Big Night of PBB Celebrity Collab Edition achieved the highest rating on Saturday, July 5, 2025.

GORGY RULA

Ang Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang nakapagtala ng pinakamataas na rating sa primetime noong Sabado, July 5, 2025.

Naka-10.5% ito; habang ang katapat nitong MMK ay naka-3% at ang Tao Po ay 1.2%.

Talagang inabangan ng maraming manonood ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition dahil mataas ang rating nito sa free TV at mataas din ang views nito sa online platforms.

Matagal din itong nag-trending sa social media.

Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition

pbb celebrity collab big night
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, noong Sabado rin ay naka-5.1% ang 24 Oras, at 7.6% naman ang Pepito Manaloto.

Ang Stars on the Floor ay 9.5%, at ang Rainbow Rumble ay 1.8%.

Ang Magpakailanman naman ay 9.6%, at ang Idol Kids PH ay 5.4%.

PBB COLLAB SEASON 2

Maganda ang resulta ng kauna-unahang collaboration ng reality show na ito ng ABS-CBN at GMA-7, kaya pinaghahandaan na ang Season 2 nito.

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, sa October ng taong ito sisimulan ang pangalawang season ng PBB Celebrity Collab Edition.

Mahigitan o mapantayan man lang kaya nito ang success na tinamo nitong unang season ng Collab Edition?

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

NOEL FERRER

Noong Linggo, July 6, ay nag-guest ang Big 4 Duos ng PBB Celebrity Collab Edition sa All-Out Sundays.

Okay rin ang rating nito na 3.8%.

pbb big 4 all out sundays
PBB Celebrity Collab Edition Big 4 Duos on All-Out Sundays
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ASAP Natin ‘To, kung saan nag-opening naman ang PBB housemate na si Klarisse de Guzman, ay naka-2%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-3.4%, at ang Resibo Walang Lusot ay 3.5%.

Ang FPJ sa GMA naman ay naka-5.5%.

Pagdating sa primetime ay 6.6% ang 24 Oras Weekend.

Sumunod ang Bubble Gang na naka-6.2%, at ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 1.6%.

Consistent pa ring okay ang rating ng The Clash 2025 na 8.7%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan tampok ang pagpasok ni Jessica Soho sa Bahay Ni Kuya upang interbyuhin ang PBB Celebrity Collab Edition Big 4 Duos, ay naka-13.8%.

Read: BreKa, in-expect na ang CharEs ang magiging PBB Big Winner Duo

pbb big 4 kmjs
PBB Celebrity Collab Edition Big 4 Duos on KMJS
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang The Boobay and Tekla Show ay naka-3.2%.

JERRY OLEA

Noong Lunes, July 7, ay nagsimula na sa GMA-7 ang Beauty Empire na ipinalit sa timeslot ng PBB Celebrity Collab Edition.

Pero simulan muna natin sa It’s Showtime, kung saan nag-guest ang Big Winner Duo na sina Brent Manalo at Mika Salamanca at guest co-host muli si Shuvee Etrata. Naka-5.2% ito.

Ang Eat Bulaga! naman ay naka-3.3%.

Medyo umokay na ang afternoon drama na My Father’s Wife na naka-6%.

Ang Mommy Dearest na malapit nang matapos ay 6.4%, at ang Akusada ay 5.8%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan nag-guest ang BreKa, ay 4.3%.

Ang The Lovely Runner ay 2.6%, at ang Family Feud ay 7.1%.

Sa primetime naman ay 12.2% ang 24 Oras.

Sumunod ang Encantadia Chronicles: Sang’gre na naka-10.1%, at ang FPJ's Batang Quiapo ay 13.5%.

Patapos na ang Incognito, pero medyo bumaba ito nang konti sa 7.8%, at nataasan ng Sanggang Dikit FR na naka-7.9%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay rin ang pilot episode ng Beauty Empire na 4.7%, at ang katapat nitong Sins of The Father naman ay 3.4%.

Read: Ralph de Leon acknowledges Will Ashley’s role in his PBB journey

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Big Night of PBB Celebrity Collab Edition achieved the highest rating on Saturday, July 5, 2025.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results