JERRY OLEA
Si Gretchen Barretto ang first choice ni Direk Chito S. Roño para gumanap na bidang torera sa 1998 Regal movie na Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga.
Isiniwalat ito ni Direk Chito sa aming tsikahan noong Hulyo 7, 2025, Lunes ng hapon, sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City, kung saan nakaburol ang mga labi ng manager niyang si Manay Lolit Solis.
“Seiko pa noon si Gretchen. Siya ang naiisip kong Curacha. Pero nang nakita ko si Osang, pinush ko na kay Mother [Lily Monteverde],” pahayag ni Direk Chito.
Ang "Osang" na tinutukoy ni Direk Chito ay si Rosanna Roces na siyang naging Cora, Corazon, o Curacha.
Read: Ama ng mga anak ni Lolit Solis, buhay pa at nasa Amerika
Dagdag ni Direk Chito, “Hindi ko sineryoso yung kay Gretchen, kasi siyempre pinag-aaralan ko muna.”
Nasa cast din ng Curacha movie sina Jaclyn Jose, Ara Mina, Ruby Moreno, Mike Magat, Lito Legaspi, Richard Bonnin, Lucita Soriano, at Allen Dizon.

Itong Curacha ang second torera movie ni Direk Chito.
Nauna rito ang Private Show (1984) na pinagbidahan ni Jaclyn Jose, kasama sina Gino Antonio at Leopoldo Salcedo.
Credited doon si Direk Chito bilang Sixto Kayko.
SEARCH FOR NEW "ROSANNA"
Naghahanap ngayon si Direk Chito ng bagong “Rosanna” para sa ikatlong torera movie niya, na ang setting naman ay kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Siyempre, kailangang ang bidang babae ay mapangahas at OK lang magbuyangyang ng private parts.
“Kasi, di ba, nakita mo na si Osang — wala siyang pakialam. E, siyempre, yung star ngayon, kailangan MAS kay Osang, di ba?” sambit ng multi-awarded director.
“Ang inaano ko, sinong artista ang excited ngayon ang tao?”
Read: PBB Celebrity Collab Big Night, nagtala ng pinakamataas na rating
NOEL FERRER
Inamin ni Direk Chito S. Roño na personal film niya ang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, na ang setting ay gabi ng kudeta.
“Hindi ba, nag-away nga kami ni Mother? Natapos na ang pelikula, showing na… malakas naman noon, di ba?” pagbabalik-tanaw ni Direk Chito.
“Nasa ano si Mother, di ba, pag-akyat mo sa Regal, merong hagdanan na mataas? Tapos, bago pumasok sa office. Wala pa yung isang building dito.
“Sabi niya, ‘Hoy, Chito! Bakit daw may anong tawag dito, may hermaphrodite yung pelikula mo?!’
“Sabi niyang ganun, nagalit siya, may hermaphrodite. Sabi ko, ‘Mother, nasa script po yun.’
“Ibig sabihin, hindi nagbabasa si Mother ng script!”
REUNION MOVIE WITH VILMA SANTOS
Siyanga pala, ibinalita ni Direk Chito na may gagawin silang bagong movie ni Vilma Santos.
“Excited naman siya, ikinuwento ko sa kanya… Nagplano kami, excited naman siya…
“Kaya lang, busy pa ang lola mo, di ba?” sey ni Direk Chito.
Idinirek ni Direk Chito si Ate Vi sa mga pelikulang Ikaw Lang (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Dekada ‘70 (2002), at The Healing (2012).
Read: Will Ashley addresses "love triangle" with Bianca de Vera, Dustin Yu inside PBB house
GORGY RULA
Noong uso ang quarantine o lockdown, bawal lumabas ang mga tao. Walang sexual contact. Online ang puksaan o bembangan.
“Maliban na lang kung ikaw si Curacha,” napangiting sabi ni Direk Chito S. Roño.
Magkano ang production budget sa third torera film niya, if ever?
“Ihanda mo na ang malaking budget. Ayoko ng tipid — magtahimik na lang ako sa bahay!” bulalas ng veteran director.
Keri na ba ang PHP20M na production budget?
“Ay! Manipis yan!”
Naku, maraming hubaran movies nowadays na nagkakasya sa PHP2M budget more or less, ha?
“Sa akin, hindi naman hubad na ganyan lang. Siyempre, may kidlat sa likod!” katuwiran ni Direk Chito.
So, mga PHP40M ang production budget, or more?
“Hindi naman. Siguro mga PHP30M, ganun. Ang problema ko kasi, malaki yung pelikula, e. Hindi lang yung parang kuwarto-kuwarto, e,” sey ni Direk Chito.
Exciting na maging bagong “Curacha” si Ivana Alawi, di ba?
Natigilan sandali si Direk Chito, “Kung si Ivana, magpapakita ba siya ng...?”
Read: Missing sabungeros kin react to Atong, Gretchen "suspects" tag
