GORGY RULA
Bandang 10:00 A.M. ngayong Miyerkules, July 9, 2025, ay inihatid na sa huling hantungan ang namayapang talent manager at columnist na si Manay Lolit Solis.
Inilagak ang urn containing her cremains sa kanyang mausoleum sa Holy Cross ng Manila Memorial Park sa Novaliches.
Natupad ang hiling niyang isama sa kanya ang abo ng paborito niyang aso na si Jok Jok, kaya magkatabi na ang urn nilang dalawa sa loob ng crypt.
Read: Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 78

Bago inihatid sa Holy Cross ang cremains in Manay Lolit, nagkaroon muna ng misa sa Aeternitas Chapel.
Sa Holy Cross naman ay nagdasal pa rin at binasbasan ang paglilibingan nito.
Kumpleto ang pamilya na nakipaglibing, at nandoon din ang ilan sa mga alaga ni Manay Lolit sa showbiz — sina Direk Chito Roño, Glydel Mercado, at ang mag-inang Michelle at Ysabel Ortega.
Si Nay Lolit ang nagdala kay Ysabel sa Sparkle ng GMA Artist Center, at ipina-handle niya ito sa naturang talent management arm ng GMA-7.

CONFUSION ABOUT MANAY LOLIT'S DATE OF BIRTH
Sa mausoleum ni Manay Lolit din nakalagak ang labi ng mga kapatid niya.
Kapansin-pansin ang magkasunod na lapida ng mga kapatid niyang sina Armando at Yolanda.
Si Armando na pangatlo sa kanilang magkakapatid ay September ng taong 1950 ipinanganak, ayon sa nakalagay sa lapida.
Ang pangalawa nilang kapatid na si Yolanda ay January ng ganun ding taon isinilang.
Medyo magulo kung alin talaga ang tama dahil imposible namang ipinanganak sila sa magkaparehong taon.
Pero sabi nga ng ilang malalapit na kaibigan ni Manay Lolit, it doesn’t matter kung ano man ang eksaktong date ng kapanganakan niya.
Ang mahalaga ngayon at ang natitiyak natin ay ang araw ng kanyang pagpanaw.
Read: First four official entries to MMFF 2025 announced
NOEL FERRER
Noong nabubuhay pa si Manay Lolit Solis, sinasabi niyang hindi raw talaga siya sure kung 1945 o 1947 siya isinilang.
Pero kung pagtutugma-tugmain ang kaarawan ng kanyang mga kapatid, maaaring sa taong 1944 o 1945 talaga ipinanganak si Manay Lolit.
Katatapos lang daw kasi ng giyera noon at mahirap makapagrehistro ng birth certificate nung panahong iyon.
Sa 77th birthday celebration ni Manay Lolit last year sa Oriental Palace restaurant, Morato Avenue, Quezon City, suwerte ang hatid ng double-7.
Biruan na for 2025 ay gawin namang 80th birthday dahil suwerte rin daw ang dating ng numerong iyon.
Sa mga unang araw ng burol ni Manay Lolit sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City, yung litrato sa may ataul ay 1947-2025 ang nakalagay.
Pero sa LED screen sa may pintuan, ang nakalagay noong unang birth year niya ay 1945.

Kaso, 1947 pala ang nailagay sa lapida. Kaya ginawa na ring 1947 ang birth year niya sa LED screen sa may pintuan.
Read: Detalye ng burol, cremation, at libing ng mga labi ni Lolit Solis

May switching!
Read: Gretchen Barretto, first choice ni Direk Chito Rono sa Curacha
JERRY OLEA
Hindi lang birth year at edad ni Manay Lolit Solis ang may switching sa kanyang burol.
Pinagtalunan pa kung saan ba dapat ibuburol ang mga labi ni Manay Lolit, kung dapat bang isa o dalawang araw lang ang lamay.
Ang final decision ay nasa panganay na si Angel Lizza Pasamonte aka Sneezy Solis McDonald.
Aba! Libre ang VIP Chapels ng Aeternitas para kay Manay Lolit, ano?!
Hindi agad crinemate ang mga labi ni Manay Lolit dahil hinintay pa ang pagdating ng bunso niyang si Michael Angela Pasamonte aka Michelle aka Sloopy.
Read: Ama ng mga anak ni Lolit Solis, buhay pa at nasa Amerika
RIGODON OF WREATHS
Mistulang may rigodon ang wreaths. Paiba-iba ang korona ng bulaklak na nakapuwesto sa may paanan ng ataul.
Merong korona na nasa harapan, kinabukasan ay nasa bandang likuran ng Selene chapel, hanggang nalipat sa dining area na nasa Hera chapel.
Iyong wreath mula sa PAMI ay hindi ipinasok sa Selene chapel at diretso sa dining area.
Iyong wreath mula kay Bea Alonzo ay nasa bandang likuran ng Selene chapel.
Hindi natinag sa puwesto sa may ulunan ng ataul yung korona mula sa mag-asawang Bong Revilla Jr. at Lani Mercado.

Yung certificate mula sa GMA Network ay palipat-lipat din ng puwesto.
Nasa bandang paanan, inilipat sa ulunan, at ibinalik sa paanan.

Iyong speaker noong kakanta si Martin Nievera, pinalitan din. Switching galore!

Kakabit ni Manay Lolit ang 1994 Manila Film Fest Scam kung saan sinasabing may switching ng envelopes.
Naghiwalay ng landas si Manay Lolit at ang alaga niyang si Gabby Concepcion dahil sa 1994 MFF Scam, kung saan ini-announce na winners sina Gabby at Ruffa Gutierrez bilang best actor at best actress, respectively, para sa pelikulang Loretta na idinirek ni Mel Chionglo.
Noong Hulyo 5, Sabado ng gabi, ay dumalaw si Gabby sa burol. Sandali lang si Gabby dahil kailangan pa nitong bumalik sa taping ng TV drama series sa Libis.

Nang dalawin namin ni ka-Troikang Gorgy si Manay Lolit sa ospital noong Hulyo 1, Martes ng hapon, akala namin ay nasa emergency pa si Manay Lolit.
Wala nang pasyente sa emergency nang mga sandaling iyon.
Wala raw Solis, Lolit or Lolita na dinala sa emergency. Ang nakalista — Solis, Loreta.
Read: PBB Celebrity Collab Big Night, nagtala ng pinakamataas na rating
