JERRY OLEA
Nag-umpukan ang ilang ardent supporters ni Maricel Soriano sa lamay ni Manay Lolit Solis noong Hulyo 7, 2025, Lunes ng gabi, sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City.
Pinagtalunan nila kung sino ba kina Marya at Snooky Serna ang mas magaling sa pelikulang Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995) na idinirek ni Carlitos Siguion-Reyna.
Read: VAWC complaint laban kay Cong. Albee Benitez, ibinasura
Nahalukay ang takot ng Diamond Star sa National Artist na si Ishmael Bernal, at kung bakit ayaw sanang gawin ni Maricel ang Regal movie na Pinulot Ka Lang Sa Lupa (1987) na tinampukan din nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, at Eddie Garcia.

Na-late daw kasi minsan si Maricel sa shooting ng pelikulang Galawgaw (1982) dahil may sakit ito. Nilalagnat.
Pagdating ni Maricel sa set, hindi na raw ito nakapagpaliwanag. Agad daw itong sinalubong at tinalakan ni Direk Ishmael, at ibinato sa harap nito ang script.
Box-office hit ang Galawgaw na pinagtambalan nina Maricel at William Martinez, pero iyong Hindi Kita Malimot (1982) na bida rin sila under Direk Ishmael din ay certified flop.
Ayon sa isang showbiz insider, nahikayat si Maricel na gawin ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa matapos ilatag dito ang advantages sa kanyang career kapag ginawa ang pelikula.
“Feeling kasi ni Marya, favorite ni Ishma si Lorna,” sabi ng showbiz insider.
THE BIRTH OF DIAMOND STAR
Isiniwalat din ng showbiz insider kung paano itinatak kay Marya ng manager nito before na si Manny Valera ang title nitong "Diamond Star."
At the time kasi, kakabit na ni Nora Aunor ang title na Superstar, si Vilma Santos ang Star for All Seasons, at ang kakontemporaryo ni Marya na si Sharon Cuneta ay Megastar.
Nape-pressure daw si Manny V kung ano ang branding naman for his prized talent.
Ayaw ni Manny V na tagurian itong "Star of the Decade" na good for 10 years lang kumbaga ang premium.
Kuwento ng showbiz insider: “Nakukulta na raw ang utak ni Manny V kaiisip kung anong title ang itatatak kay Maricel. Nakasakay siya sa kotse nang mapansin niya ang pangalan ng bus na katabi ng kanyang kotse — Diamond Star Bus.
“Eureka! Sa umpisa ng drama anthology niyang Maricel Regal Drama Special [1987-1990] na naging The Maricel Drama Special [1990-1997], sa umpisa ay may photo shoot ang aktres na napapalibutan ng pagkalalaking mga diyamante.
“Isang minuto iyong intro na napanood tuwing Martes sa loob ng maraming taon, kaya tagumpay ang branding.”
Sa 1995 movie na Pustahan Tayo, Mahal Mo Ako, ibinando ang pagiging Diamond Star ni Maricel, at ang katambal niyang si Bong Revilla Jr. ay tinawag namang "Titanic Action Star."
Nagtambal muli ang Titanic Action Star at ang Diamond Star sa 1997 movie na Sabi Mo, Mahal Mo Ako, Wala Nang Bawian.
Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last
GORGY RULA
Diamonds Are Forever ang title ng 1956 novel ni Ian Fleming kung saan pangunahing karakter ang British Secret Service agent na si James Bond.
Ang 1971 spy film na Diamonds Are Forever ay pinagbidahan ni Sean Connery. Ang title song ay kinanta ni Shirley Bassey.
Forever ang pagiging Diamond Star ni Maricel Soriano sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
NOEL FERRER
The good thing with Maricel is that she has lived up to her moniker as the Diamond Star.
Nakatulong din yun, aside from branding, hamon din yun para ma-maintain ang standard at premium sa industriya.
Ang tanong, nakasakay na kaya ni Marya sa Diamond Star Bus? Masaya yun, if ever!
Read: Dina Bonnevie on how Oyo-Vic convo led to son joining her show
