PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"

Lolit, di pinagbawalan si Sneezy na kausapin si Gabby Concepcion.
by PEP Troika
Published Jul 15, 2025
sneez on mom lolit solis
Sneezy Solis McDonald on late mother Lolit Solis: "Sa amin, hindi siya yung traditional na mom. Kasi nga, she had to be strong. She had to work. Kasi kung hindi, di ba? Kasi wala naman siya, e, single mom siya. At least through her alagas, nagkaroon siya ng chance na maging mom, na nurturing mom."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Wala nang sama ng loob ang 53-anyos na si Angel Lizza Pasamonte aka Sneezy Solis McDonald sa kanyang ina na si Manay Lolit Solis.

Ani Sneezy, nakaka-overwhelm at nakakatuwa ang dami ng tumulong sa lamay ni Manay Lolit sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City.

Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last

“Kaya lang minsan din, parang nakaka-sad,” pagtatapat ng panganay ni Manay Lolit noong Hulyo 7, 2025, Lunes, sa Aeternitas.

“Kasi lalo na yung mga nakikilala ko na sasabihin, ‘O, yung mommy mo, like matagal na kaming magkakilala, like, you know…’

“Tapos ngayon ko lang sila nakilala, and then ganitong sitwasyon pa, alam mo yung ganun? So, parang it’s ano.

“Pero OK lang, kasi yun nga, marami akong natututunan na mga kuwento about Mommy.

“Na siyempre kasi, parang pag nanay mo, iba ang pagkakilala mo. Parang feeling mo, nanay mo lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos pag naririnig mo yung mga istorya ng mga kaibigan niya, ganun pala siya. Parang hindi mo kasi tinitingnan yung nanay mo as a person.

“Parang, ‘Ay! Mommy ko siya!’ Mommy lang siya, hindi ko siya ma-imagine as like… as a friend, as ano.

“Pero at least ngayon doon sa mga alaga niya, naaano ko siya na, well, actually, dine-describe nila si Mommy as their mom, di ba?

“Na parang, yun na nga, at least through their stories, feeling ko, nakikita ko siya as a mom. Na parang yung mom talaga.

“Na mom na nurturing and stuff. Kasi sa amin, hindi, e.

“Kasi nga, lagi kong sinasabi — she’s not a good mom, pero she’s like the best dad.”

Read: Ama ng mga anak ni Lolit Solis, buhay pa at nasa Amerika

SNEEZY ON LOLIT AS A SINGLE MOTHER

Tantiya ni Sneezy, dalawang taong gulang pa lang siya nang maghiwalay ang parents nila ng younger sister niyang si Sloopy aka Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Sneezy: “Kasi nga, sa amin, hindi siya yung traditional na mom. Kasi nga, she had to be strong.

“She had to work. Kasi kung hindi, di ba? Kasi wala naman siya, e, single mom siya.

“At least through her alagas, nagkaroon siya ng chance na maging mom, na nurturing mom.

“Kasi parang hindi niya kailangang problemahin, e, kung may makakain ba itong mga ito. Kasi, di ba?

“So she could just be there for them as like yung traditional ano natin na mom, na alam mo yun, yung malambot.

“Kasi with us, she can’t be malambot. Kasi she had to be strong. Kasi nga, hindi lang kami yung nakadepende sa kanya.

“Like, parang hindi lang yung may anak siyang dalawa na bubuhayin, like iniisip niya rin yung buong pamilya niya.

“So ayun, yun nga, yun lang yung parang… hindi naman sama ng loob yun. Yung para lang I wish na ano ko rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But yun na nga, I understand. Kasi nga, sabi ko, ngayong may anak na ako, I understand why, why she had to be like that.

“Tapos yun na nga, later on naman, we had that relationship na yung parang softer na siya.

“Kasi nga, like lola na siya. Kumbaga, kung meron man akong sama ng loob or whatever na kine-carry, parang nawala na.

“Kasi nga, yun na. So yun, so parang OK na rin, at saka parang yung mga last ano niya, sabi ko nga, Diyos ko!

“Kung kailan kami nagkalayo na nasa States ako, saka kami naging closer.

“Kasi nga, yung parang nagte-text, ganun. Hindi naman kami nagtatawagan, kasi siyempre, kuripot pa rin siya. Mahal ang tawag, di ba?

“Tapos hindi naman siya techie. Hindi siya marunong yung mga Viber, hindi siya marunong. So, hanggang text lang siya.

“Actually later on nga lang siya natuto ng emoji. Yung mga huling text niya sa akin na may mga heart-heart na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, aba! Nag-aano siya, nagle-level up sa pagte-text. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 78

GORGY RULA

Trigger Warning: Mention of suicide attempt

Nagtangkang magpakamatay si Nay Lolit Solis sa kainitan ng eskandalo sa 1994 Manila Film Festival scam. Lumaklak si Manay Lolit ng 13 Valium pills.

Nasa Pilipinas noon ang panganay niyang si Sneezy.

Pagbuntong-hininga ni Sneezy: “Mahirap yung time na iyon. Kaya lang, katulad nga ng sabi ko, kasi siya, parang she’s always… tried to shield us dun sa mga nangyayari.

“Kaya nga parang wala akong alam, e. Kaya nga, di ba, parang ngayon, di ba, yung parang ngayon kapag may naririnig akong kuwento na ano, ahh, OK.

“Nalaman ko na lang iyon, nasa ospital na siya. Tapos yung parang kahit pa nga ano, hindi pa nga niya sasabihin na bakit siya nasa ospital, alam mo yung ganun?”

Read: Lolit Solis, hindi pinagsisisihan ang Manila Filmfest scam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GABBY CONCEPCION AFTER THE MANILA FILM FEST SCAM

Hindi niya alam kung bakit naospital noon ang kanyang ina?

“Well, alam mo, sa totoo lang, naririnig ko na lang sa news, di ba?” pagbabalik-tanaw ni Sneezy.

“Pero coming directly from her, hindi. Kasi parang alam ko, hindi pa nga niya ako pinapapunta sa ospital, e.

“At saka ito, ha, nung time na yun, kahit ano pa yung ginawa ni Gabby [Concepcion], hindi niya ako sinabihan na, ‘Huwag mong kausapin si Gabby.’

“Kasi ano pa yun, e, during that time pa ako kinuha ni Gabby na ninang ng anak niya kay Jenny [Syquia].

“Na parang tumatawag siya sa bahay. Na parang ako na lang talaga yung parang… di ba?

“Kasi, tumatawag siya [Gabby] sa bahay, tapos sasabihin ni mommy, ‘Sige, kausapin mo.’”

Si Gabby Concepcion ang sinasabing pinakapaboritong alaga noon ni Manay Lolit, ngunit nasira ang kanilang samahan dahil sa Manila Film Fest scam noong 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
gabby concepcion lolit solis wake
Photo/s: Jerry Olea

Matapos sumambulat ang MFF scam and all?

Mabilis na tugon ni Sneezy: “Oo. Tapos parang sasabihin niya, ahhmm, ‘O, may ano, magkita tayo, punta ka sa ganito, ganyan.’

“Hindi pa niya [Gabby] sinabi na binyag. E, siyempre, hindi naman ako nagpunta, di ba?

“Tapos yun na nga… parang si Jenny yata ang nagsabi sa akin, na parang yan, ‘Ninang ka ni Cloie.’ Sabi ko, 'OK.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba? I mean, kami naman ni Jenny, may kontak pa kami ngayon. Kami naman ni Jenny, never ano, di ba?

“Kasi after nun, nung hiwalay na sila ni Gabby, doon ko lang nakita si Cloie. Kasi nga, dinalaw ko siya.

“Nakalimutan ko na kung saan siyang nag-rent na ano, bago siya umalis. Parang three years old yata si Cloie noon.

“So, yun. So, parang yun lang, yun lang yung parang ano siya [Lolit] talaga, relaxed. Parang katulad siguro sa daddy ko.

“Na parang it’s OK. Hindi siya yung parang, ‘O, huwag mong kausapin,’ ganyan-ganyan. So, ganun siya.”

Si Jenny Syquia ang dating karelasyon ni Gabby, at si Cloie ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Read: Kisses Delavin now studying ballet in New York City

Gabby Concepcion sneezy mcdonald
Gabby Concepcion with Sneezy at his former talent manager Lolit Solis's wake.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ano ang pagkapareho nila ni Manay Lolit Solis? Ano ang namana niyang ugali ng kanyang ina?

Natatawa at napapailing na sagot ni Sneezy: “Alam mo, wala. Kasi si Mommy, napaka-successful.

“Parang siya yung lagi ko ngang sinasabi, si Mommy is, you know, she made her last name. It’s not the other way around na her last name made her.

“Hindi katulad ng ibang tao, di ba? Siya talaga, talagang… like, alam mo yun, yung she put Solis on the map. It’s not the other way around.

“So ako, parang I don’t think… kaya nga lagi kong iniisip yung kung naging single mom ako, I could never do yung nagawa niya.

“So, parang feeling ko, wala. Wala akong ano talaga sa kanya. Like ni kalingkingan.

“Coz if I’m put in the same situation, I would not have done the same thing. Hindi.”

LOLIT SOLIS ON DEATH

Paulit-ulit na sinasabi noon ni Manay Lolit na gusto na niyang magpahinga. Namatay na kasi ang mga kaibigan niya, pati paboritong aso na si Jokjok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panganay siya sa limang magkakapatid, siya pa ang naiwan. Ang natira, yung mga kaaway niya.

“Ha! Ha! Ha! Sino? Sino?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Naapektuhan ba siya?

“Hindi naman. Kasi actually, kung meron akong natutunan sa kanya is that, kasi lagi niyang sinasabi, like, 'Don’t take anything personally,'” lahad ni Sneezy.

“Lagi niyang sinasabi yan. Kasi nga sa showbiz, kaaway mo ngayon pero ano. Di ba? Parang kayu-kayo lang ang nag-aano.

“So, parang yun. Kasi iyon yung mga parang… words of wisdom niya palagi na tina-try kong i-ano.

“Pero sa akin, mahirap yun, ha? Yung don’t take anything personally. Kasi ako, pag may ginawa sa akin, hindi ko siya matutularan na parang maya-maya, ay! OK lang.

“Alam mo yung ganoon? Hindi talaga.”

Kapag masama ang loob niya…

“Hindi ako makikipag-deal sa iyo, di ba? Which is parang, ay! Tama rin siya,” sambit ni Sneezy.

“Kasi nga naman, kung hindi siya makikipag-deal doon sa lahat ng nakasamaan ng loob niya, e, anong mangyayari sa mga alaga niya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pinakaano ko naman sa kanya, na na-take ko na advice niya, is yung perception is everything.

“Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun sa akin. Perception is everything, which is ngayon, nare-realize ko. Oo nga naman, di ba?”

Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sneezy Solis McDonald on late mother Lolit Solis: "Sa amin, hindi siya yung traditional na mom. Kasi nga, she had to be strong. She had to work. Kasi kung hindi, di ba? Kasi wala naman siya, e, single mom siya. At least through her alagas, nagkaroon siya ng chance na maging mom, na nurturing mom."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results