PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boses ni Dulce, kayang bumasag ng speaker at generator?

Fact or urban legend?
by PEP Troika
Published Jul 15, 2025
dulce voice
Dulce: "Na-experience ko, nahulog ang speaker. Na-experience ko rin yung pumutok yung generator. Sumabog talaga and everything died.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ang anak ni Dulce na si David Ezra ang bida sa Jeproks The Musical na itatanghal sa Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.

Tampok sa stage musical ang labinlimang awit ni Mike Hanopol.

Sa mediacon ng Jeproks The Musical noong Hunyo 17, 2025 sa Max’s Restaurant, Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City, ikinuwento ni Mike Hanopol ang nangyari matapos ang isang show nila nina Dulce at Nolyn Cabahug sa Scotland.

“After the show, inimbita kami ng mayor ng Scotland. Opisina yun, sir!” pagbabalik-tanaw ng 79-anyos na rock singer and guitarist.

“Pagpasok namin doon, palakpakan. Siyempre may mga tao, konti lang pero mga dignitaries yun, di ba?

“Bigla kaming pinakanta. ‘Puwede ba, Dulce?’ Wow! Palakpakan lahat. Siyempre napanood na nila, e, nung gabi na iyon kung papaano mag-perform si Dulce.

“Grabe! Ang tindi! Una si Cabahug kumanta, e… Pagdating kay Dulce, sa tindi ng kanta niya, power! Ang power talaga, grabe!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo ang nangyari? Nabasag lahat, basag lahat yung mga baso doon at salamin.

“Sabi ko, papaano nangyari yun? Ganyan katindi ang nanay mo!” sabi pa ni Mike Hanopol kay David Ezra.

Read: Dulce, wagi ang concert na hitik sa birit songs, hugot, standing ovations

GORGY RULA

Nag-perfom si Dulce sa Nominees Reveal ng 8th EDDYS Awards noong Hulyo 1, 2025, sa Rampa Drag Club sa Morato Ave. Extension, Quezon City.

Wala namang nabasag na baso o salamin doon, pero bravura ang kanyang pagbirit. Ang galing-galing!

DULCE'S GLASS-SHATTERING PERFORMANCE: FACT OR URBAN LEGEND?

Totoo ba iyong ikinuwento ni Mike Hanopol na nabasag ang mga baso at salamin nang kumanta siya sa office ng isang mayor sa Scotland?

If ever, ilang beses na ba iyong nangyari? O urban legend lang iyon?

Napabuntong-hininga ang Asia’s Timeless Diva: "Minsan lang naman yun. Yung iba kasi, nagse-shake talaga.

“Parang nung araw, pag sinabing nag-shake yung chandelier, nag-shake yung hall, sabi ko naman, lagi namang joke yun, sabi ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero hindi talaga joke. Merong something, may shaking. Although na-experience ko, nahulog ang speaker.

“Na-experience ko rin yung pumutok yung generator. Sumabog talaga and everything died.”

Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"

Iyong daloy ng kuryente ang namatay sa pagsabog ng generator, hindi mga tao.

Pagpapatuloy ni Dulce: “Ang ginagawa nila kasi, minsan ayaw nilang maniwala na kunwari sabihin, if ito iyong area, you need parang a certain wattage or power ng generator for you to be able to go for it.

“Hindi sila naniniwala. There were so many times it happened to me actually, yeah.

“Katulad nung mamamatay ang lahat [ng ilaw o kuryente]. Kasi, ayaw nga nilang maniwala na may ganun.

“Ay! Hindi ko rin alam, lalo na when I was younger. I didn’t know that na nababasag yung speakers. Akala ko, joke.

“Pero may certain ano pala talaga na they need reinforcement pag kumanta ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, yung ibang speakers, ang mamahal? Noong una, akala ko, joke. Kasi sabi nila, ‘Alam mo, ang nabasag mo dito,’ halimbawa sa isang town, ‘mga walong speakers na.’

“E ang mahal-mahal nun. Hindi ko alam because ang ano pala, dapat may reinforcement.

“Parang kumbaga, you have to add more, or katulad nung generator na sumabog, kasi maliit siya.

“But kunyari, palagay mo na, oo, nangitim talaga, umusok!

“So ang nangyari, wala na, namatay ang ano. At kunyari, sabihin na natin, dapat 1,000 [watts] ang ibibigay. Ang ibinigay sa akin, 500 lamang. Sasabog talaga…

“Kung kalahati lang ng kailangang power ang ibibigay, talagang titigok yan.”

Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

UNFORGETTABLE PERFORMANCE IN SAMAR

Unforgettable kay Dulce iyong isang show niya sa Samar na paulit-ulit na namatay ang kuryente.

“Dumilim ang buong paligid. So, anong gagawin? Inayos, ganyan. Pagkanta ko, mamamatay na naman,” pagtatapat ni Dulce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ako na ang gumagawa ng paraan, kasi probinsiya ito. Sabi ko, ‘Ganito, subukan ko.’ Kukuha ako ng bata, ‘Sino ang marunong kumanta ng Paano?’

“Inakyat yung bata. Kumanta. Pag siya ang kumanta, walang namamatay.

“So nag-iisip ako. OK, ganito. Sabi ko sa tech, ‘Ganito ang gawin natin. Patayin ninyo lahat ng spotlight. Patayin nyo lahat ng ano diyan, basta yung music, tutugtog, may microphone ako.’

“Bigyan niyo ako ng ilaw. Binigyan ako ng fluorescent sa ilalim. So lumuhod ako para kita ang mukha. Kasi pag nakatayo ako, may shadow sa mukha.

“Kaya sabi ko, ‘Luluhod ako para makita yung mukha ko.’ So these things, they happen.”

NOEL FERRER

Nanood ang Palanca award-winning writer na si Nicolas Pichay sa second night ng Dulce concert, at heto ang kanyang sabi (published as is):

“Ms Dulce Wagi! Sumakses si Ms Dulce. Siya na ang nagbertdey, siya pa ang nag-effort.

“Kinanta niya ang kuwento ng kanyang buhay — ang simula ng kanyang pagkanta hanggang sa mga pasakit at sakit niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sa pagbabalik-alaala niya sumama tayo sa alaala ng kanyang mga awitin na nag kahulugan na rin sa ating buhay.

“Highlight para sa akin ang bagong areglo ni Homer Flores ng 'Basang-basa Sa Ulan' na pinasikat ng birit ng Aegis. Sa malumanay na areglo, nagkaroon ito ng kakaibang rubdob.

“Kinanta ni Ms Dulce na tahimik na panangis. Na parang dasal. At sa wakas, parang gerilyerang babae na lalabanan ang lahat ng pagsubok.

“At sino ang hindi mamamangha sa salin-awit ni Ka Pete Lacaba ng 'I Dreamed a Dream' at 'Memory'? Sa salin ni Ka Pete, nag-ala-protest song ang dalawang kantang ito.

“Hiyas ang boses ni Ms Dulce. Káya nitong sisirin ang mababang rehistro ng mga kanta at parang sirenang mabilis na lumalangoy pataas sa lalim ng dagat, naabot niya ang mga notang parang tumatakas sa tubig upang abutin ang langit.

“Higit pa sa teknik, galing sa puso ang pagkanta ni Ms Dulce. Malinaw ang kanyang diction. At balot sa karanasan ang bawat kanta sa kanyang repertoire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dinadala niya ang tagapakinig sa dilim at liwanag ng masasalimuot na karanasan at paglaya. Sining na sining.

“Bravo, Ms Dulce. Ikaw ay nagwagi!

“P.S. At si Arman Ferrer, plakado. Umbelibabol ang pagka-tenor pop. Higit pa roon, kilig ang mga girls sa harap ko habang kumakanta siya. Hinog na siya para sa concert of his own.

“At surprise guest din ang Asia’s Natingale na si Ms Lani Misalucha. Dasurv ang mike drop nang kumanta siya nang walang kaabug-abog in full birit mode.”

Read: KathDen, Vice Ganda, JoshLia: Box Office Heroes of 8th EDDYS

dulc wagi
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Nicolas Pichay ang scriptwriter ng Jeproks The Musical na pagbibidahan ng anak ni Dulce na si David Ezra.

Kinanta ng Asia’s Timeless Diva ang "Paano" sa two-night concert niyang Wagi! noong Hulyo 11 at 12, 2025, Biyernes at Sabado, sa BGC Arts Center sa Taguig City.

Noong first night ay solong kinanta iyon ni Dulce.

Sa ikalawang gabi ay nag-duet sila ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Walang untoward incident sa two-night birthday concert ni Dulce.

Walang nabasag na baso o salamin. Walang nalaglag na speaker. Walang sumabog na generator.

Madaling i-tour ang Dulce show dahil lean team lang talaga ang kailangan dito.

Maaaring dalhin ito sa probinsya o sa iba’t ibang pagtitipon ng mga kumpanyang bilib sa Original Pilipino Music.

Puwedeng i-message sina Direk Rowell Santiago o si Sari Villar ng AIP Media Production Inc. para maayos ito—lalo na sa Cebu (na hometown ni Dulce), U.S., Canada, Australia, at Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil world class talaga ang DULCE WAGI!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dulce: "Na-experience ko, nahulog ang speaker. Na-experience ko rin yung pumutok yung generator. Sumabog talaga and everything died.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results