GORGY RULA
Nag-post si Baron Geisler sa kanyang X (dating Twitter) account noong Hulyo 15, 2025, Martes ng umaga, na namangha siya sa reaction ng karamihan sa pagkamatay ng karakter niyang si Miguel Tecson o Jaguar sa pagtatapos ng Incognito.
Sabi ni Baron: “I’m in deep shock and gratitude. To everyone who cried, mourned, and loved Miguel ‘Jaguar’ Tecson, thank you.
"I’ve been receiving videos of people cryin’ It’s overwhelming.
"I couldn’t have done this without the cast, crew, creatives. All glory to God.”
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

INCOGNITO FINALE
Nagustuhan ko ang ending ng Incognito na streaming na sa Netflix.
Sa Biyernes, July 18, mapapanood ito sa free TV.
Maayos ang closure ng main characters.
Pero medyo bitin lang kung magkakaroon ba ng something sina Richard Gutierrez at Kaila Estrada.
Ang cute ng story arc nina Maris Racal at Anthony Jennings na may kilig-kiligan lalo na sa mga sumusubaybay sa kanilang loveteam.
Magaling talaga silang dalawa, lalo na si Anthony na ang galing ng timing.
Pam-best actor para sa akin si Anthony Jennings sa last episode.
Pero ang pinaka-best actor para sa akin ay si Daniel Padilla.
Ang tahimik ng acting niya sa closure na eksena nila ng kanyang kapatid dito na si Diego, na ginagampanan ni Louise Abuel.

Mukhang magkakaroon talaga ng Season 2 dahil ang daming humihingi.
Tingnan natin kung sino ang idadagdag na character kung magkaroon man ng Season 2.
Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"
NOEL FERRER
Mataas naman ang ratings ng Incognito sa pagtatapos nito, pero dumidikit lagi ang Sanggang Dikit FR.
Kapag sa single channel, madalas na mataas ang Sanggang Dikit FR dahil mas pinapanood ito sa GMA-7.
Sa Biyernes, Hulyo 18, na rin magtatapos ang Mommy Dearest na afternoon drama ng GMA-7. Ito ang pinakamataas ang rating sa afternoon drama series.
Ang It’s Showtime ay medyo bumaba noong Martes, July 15. Naka-4.9% lang ito, at ang Eat Bulaga! ay naka-3.4%.
Ang My Father’s Wife ay 5.7%, at ang Mommy Dearest ay 6.7%.
Ang Akusada naman ay 5.6%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.2%.
Sumunod ang The Lovely Runner na 3.2%, at ang Family Feud ay 7.9%.
JULY 18 PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime ay 12.7% ang 24 Oras.
Ang Frontline Pilipinas ay 2.1%, at ang TV Patrol naman ay 2.9%.
Ang Sang’gre ay 11.7%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 13.7%.
Ang Sanggang Dikit FR ay 7.8%, at ang Incognito ay 8.7%.
Ang Beauty Empire naman ay 4%.
Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?
JERRY OLEA
Ang unang pralala ay 130 episodes ang Incognito.
Binawasan iyon ng dalawa dahil walang episode na umere noong Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Nag-No. 1 ang Incognito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines mula Enero 19, 2025, Linggo, hanggang Enero 30, Huwebes.
Kinabog ito ng The Trauma Code: Heroes on Call noong Enero 31 at Pebrero 1.
Topnotcher muli ang Incognito mula Pebrero 2 hanggang Pebrero 8.
Rumatsada ang Tamang Panahon mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 17.
Bumalik sa top spot ang Incognito noong Pebrero 18.
Umariba ang American Murder: Gabby Petito mula Pebrero 19 hanggang Pebrero 24.
Namayagpag muli ang Incognito mula Pebrero 25 hanggang Marso 1.
Ang nanguna kapagkuwan ay HALO mula Marso 2 hanggang Marso 8, na sinundan ng When Life Gives You Tangerines mula Marso 9 hanggang Marso 26, Weak Hero noong Marso 27 at 28.
Bumalik sa No. 1 ang When Life Gives You Tangerines mula Marso 29 hanggang Abril 5.
Hindi na nakabalik sa No. 1 ang Incognito.
Nanguna ang Karma mula Abril 6 hanggang Abril 13, ang Resident Playbook mula Abril 14 hanggang Abril 20.
Nag-seesaw na ang rank ng Incognito sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, at four days na naligwak noong Abril 17, Huwebes Santo, hanggang Abril 20, Easter Sunday.
Bumalik ito sa Top 10 noong Abril 19, at taas-baba ang puwesto hanggang ngayon.
Nalaglag na ang Deceit o Linlang sa Top 10 TV Shows.
Umpisa Biyernes, Hulyo 18, ay streaming na ang Pinoy adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay.
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Hulyo 16, Miyerkules:
- Gachiakuta
- Squid Game
- Dan Da Dan
- Incognito
- Sakamoto Days
- The Sandman
- The Summer Hikaru Died
- Under A Dark Sun
- My Dress Up Darling
- Our Generation
