JERRY OLEA
Bida na si Dylan Menor!
Si Dylan ay dating Kapuso. Lumabas siya sa unang season (13 episodes) ng drama teen series na MAKA na umere noong Setyembre 21 hanggang Disyembre 14, 2024.
Kapagkuwan ay napabalitang nasa TV5 na siya.
Nag-ekstra siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 official entry nina Vic Sotto at Piolo Pascual na The Kingdom.
Joint venture ng APT Entertainment, M-Zet TV Productions, at MQuest Ventures ang nasabing pelikula.
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
Pangunahing puwersa sa TV5 at MQuest sina Manny V. Pangilinan (MVP) at Jane J. Basas (JJB), na nasa likod ng Cignal Play Microdrama na inilunsad nitong Hulyo 16, 2025, sa Cignal Launchpad Lobby ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.
Opo! Present sina MVP at JBB sa launch ng Cignal Play Microdrama, kung saan bida si Dylan sa dalawang vertical drama series — My Father’s Last Wish at A Cure Called Love.

LEVEL UP ANG STATURE NI DYLAN MENOR
Ang daming Kapatid na nagkakagulo kay Dylan, lalo na nang kantahin niya ang debut single niyang "Maghapon" na inilunsad ng Universal Records Philippines noong Abril 4, 2025.
Naalala ko na sa MMFF 2024 Konsiyerto sa Palasyo noong Disyembre 15, 2024, sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace, parang walang pumapansin kay Dylan.
After seven months, level up na talaga ang stature ni Dylan sa local showbiz.
Sa ngayon ay libreng mapapanood sa Cignal Play app ang first five episodes ng apat na bagong lunsad na vertical drama — My Father’s Last Wish (50 episodes), I See You (46 episodes), 3 Queens and A Baby (45 episode), at Baker’s Heart (50 episodes).
Streaming soon pa lang ang A Cure Called Love kung saan katambal ni Dylan si Micah Santos.
Napanood ko ang first five episodes ng My Father’s Last Wish.
A little over one minute ang Episode 1 kung saan narrator si Dylan, at ipinakita ang mansion na pag-aagawan ng magkakapatid na sina Martin (Gerald Madrid), Mara (Dawn Chang), at Miguel (Alex Medina).
Ang Episodes 2 hanggang 5 ay naka-focus sa tatlong alibughang anak ni Don Felipe Monte Claro (Johnny Revilla).
Nagkataon lang siguro na ang pangalan ng character ni Romnick Sarmenta bilang art teacher sa MAKA ay Victor “V” Felipe.
Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?
NOEL FERRER
Inaasam ni Dylan Menor na mag-aksyon, sa serye man o sa pelikula.
Gusto rin niyang bumida sa isang pelikulang romcom.
“That’s the goal. Ever since yun ang gusto kong mangyari po,” sabi ni Dylan.
Isang taon ang kontrata before ni Dylan sa GMA Network. Mas malaki ba ang offer sa kanya ng TV5 kaya lumipat siya rito?
“Well, may offer po at saka may mga opportunity. Pero again, it’s the decision ng ano, e. It’s the decision of management din, e,” tugon ni Dylan.
Dahil nagho-host na si Dylan ng mga major gatherings sa TV5 at MVP Group, pati na sa mga pagtitipon sa labas ng bansa, masasabi ba nating mas mapalad na siya kaysa sa pinakamaningning nang star ng TV5 na si MMFF Best Actor Cedrick Juan?
Totoo ba?
Iba na talaga ang lubos na pinagpala.

GORGY RULA
Ang bongga ng exposure ni Dylan Menor sa launch ng Cignal Play Microdrama.
Bukod sa dalawang vertical drama series na pinagbidahan niyang mapapanood sa Cignal Play app, may pino-promote na rin siyang single.
Kasali rin siya sa international movie na The Last Resort na kinunan sa Palawan.
Inaasahang meron pang ibang programang pagbibidahan niya sa TV5.
Hindi rin daw alam ni Dylan kung ano ang nararamdaman niya sa magandang break na ibinigay sa kanya ng Media Quest.
“Overwhelming po kasi hindi ko po ini-expect na magbibigay sila ng mga opportunities. But yun nga, they’re giving me these kind of opportunities, I make sure to, you know, give my best parati and work more sa craft ko.
“Kailangan i-hone ko pa, kasi siyempre ang daming expectations din, e, from the audience, from some other people.
“So, wala e…. I’ll just make sure to do my best,” saad ni Dylan nang nakapanayam ng PEP Troika sa Cignal Play Microdrama launch.
Parang na-pressure daw siya lalo nang pinag-usapan namin ito.
“Yes po. Sinabi niyo po yun, mas may pressure,” bulalas ng singer-actor.
“Nagsi-sink in na yung pressure. Pero… as long as naman na I take the sword and fight and just work hard, mawawala naman, di ba?” dagdag ni Dylan.
Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"
