JERRY OLEA
Nag-post si Susan Africa ng pictures niya with Meryl Streep noong Pebrero 20, 2020, sa Facebook.
Aniya, “Today marks the 4th anniversary since I met my goddess, Ms Meryl Streep during the Berlin International Film Festival in 2016.
“This was when Lav Diaz’s Hele Sa Hiwagang Hapis won the Silver Bear award and the whole Philippine delegation was called onstage.
“It was a highlight of my life holding hands with my ultimate idol since I first saw her in Sophie’s Choice.”
Read: Susan Africa: Student to Queen to Actress

FICTIONALIZED STORY ABOUT SUSAN AFRICA AND MERYL STREEP
Kamukat-mukat mo, ginamit ang litrato nina Meryl at Susan na magkatabi at ginawan ng kuwento.
Ganito raw ang eksena, ayon sa kumakalat na Facebook post (published as is):
“Ayon sa greatest actress ng Amerika, kung mayroon daw s'yang hinangaan aktres na Filipino ito ay walang iba kundi si Susan Africa.
“Si Meryl Streep pa ang lumapit kay Africa para sabihing napakagaling n'yang aktres, napanuod kasi ni Streep ang pelikulang 'Hele sa hiwagang hapis' kung saan hangang-hanga s'ya sa paglakad nito sa putik na tulala't nabaliw na sa pagkamatay ng mga anak sa Pelikula.
“Streep: Oh my God. There you go, Susan Africa!
“Africa: You know me, Ma'am?
“Streep: Of course, dear. You’re a gorgeous actress! Here’s the crown my dear. ha ha. That superb acting of yours, oh my God!
“Africa: I don't know what to say Po, Ma'am.
“Streep: What is 'Po'?
“Africa: a sign of respect to the person with higher social standing like you he he, can we take a picture please?
“Streep: Sure, my dear! Sure! So sweet of you.
“Nakilala si Africa sa pagganap nito bilang asawang binubogbog, asawang martir at minsan wala na sa sarili o 'di kaya baliw at dukhang may-bahay ang mga role, bukod sa laging naka-duster at madalas naubo, palagiang pa itong naglalaba, nagluluto at nagsasampay sa mga serye.
“Unang nakilala ito sa Bb.Pilipinas 1980, bilang first runner up ni Chat Silayan, naging ina ni Judy ann Santos sa napakahabang serye ng 'Mara Clara'.
“Sinong mag-aakala na ang dakilang aktres na na-nominate 21-times sa Oscar with 3 wins ay mapapahanga ni Africa.”
Read: Jake Ejercito, Jessy Mendiola, netizens not amused by DILG post
CONVERSATION THAT NEVER HAPPENED
Last week ay na-share pa iyon ng isang Pinoy actor.
Meron pang bersiyon na kesyo sinabi raw ni Meryl na si Susan ang pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.
Kaya nang makaharap ko si Susan matapos ang special screening ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family nitong Hulyo 21, 2025, Lunes sa The Block, SM North EDSA, inurirat ko siya tungkol sa sinasabing tsikahan nila ni Meryl.
Urban legend ba iyon? O totoo?
“Oh my God! No! That wasn’t true!” bulalas ni Susan.
“Yung dialogue under the picture, I think somebody made it up. She never said that.
“We met each other pero all she said was, ‘There you are.’ But she never said that I’m the greatest, no!
“That was fabricated.”
Ipinagdiinan ni Susan na yung kumalat na conversation kuno nila ni Meryl na nagpaliwanag pa siya tungkol sa po, “That didn’t happen!”
Read: GMA News reporter Nico Waje brings kilig vibes to netizens for his typhoon updates
NOEL FERRER
May natutunan si Susan Africa sa pagganap bilang toxic mother na si Aurora de Dios sa pelikulang How To Get Away From My Toxic Family.
Ani Susan, “For me po as a mother, because of this film parang now I’m very, very careful when I talk, especially to my children.
“Sometimes kasi, hindi mo napapansin, nakakasakit ka na. Pero being a parent, lagi mong iniisip na ikaw ang tama, e. Hindi ba?
“But sometimes, that’s not the case. So I’ve learned to be more sensitive, and to be more cautious with my words.”

SUSAN AFRICA ON HER "TOXIC" ROLE
Nakakainis ang karakter ni Susan sa pelikula. Paano niya pinaghandaan iyon? Paano niya in-internalize?
“It’s basically sa script, in understanding the story, tapos paano ka magbe-blend,” tugon ni Susan.
“Pero actually noong una kong nabasa yung script nito, uminit ang ulo ko. Parang kahit ako, kinamumuhian ko sarili ko.
“Pero it’s my job as an actor na kailangan mahalin ko yung character ko. E, si Aurora, hindi ko siya mamahal, e.
“So ang ginawa ko, inintindi ko na lang siya na bakit lagi siyang tama? Bakit ganun, bakit ganito?
“So, yun ang ginawa kong attack kay Aurora. Inintindi ko na lang siya.”
Nacha-challenge pa ba siya sa mga ibinibigay sa kanyang role? O madali na para sa kanya ang mag-transform sa character?
Napangiti si Susan, “The more challenging, the better.”
Ano ang masasabi niya sa mga toxic nanay na katulad ni Aurora de Dios?
Sagot ni Susan: “Ahh siguro po kailangan ng parental reflection. Sabi ko nga, itong pelikula, para siyang salamin.
“Kung audience ka, tapos nakita mo ang sarili mo doon, siguro ay kailangan mo nang mag-isip-isip nang konti.”
Kailan ba nagsisimula at nagtatapos ang obligasyon ng magulang sa anak, at ng anak sa magulang?
“Para sa akin, hindi natatapos ang obligasyon ko sa mga anak. Habambuhay po iyon,” sambit ni Susan.
“Dati sinasabi natin na kapag lumaki na yung mga bata, kapag tapos na silang mag-aral, bahala na sila sa buhay nila.
“Pero hindi totoo yun. Habang lumalaki sila, nandiyan pa rin tayo para gabayan sila. Andiyan tayo sa tabi nila kapag meron silang mga problema.
“Ngayon, ano ba ang obligasyon ng mga anak sa magulang? Ang pakiramdam ko po, ang mga magulang, hindi dapat nagkakaroon ng anak para gawing retirement plan.
“Dapat mag-ipon ang mga magulang para hindi nagde-depend sa mga anak nila.”
Read: Vice Ganda, binuweltahan ang bashers ng kanyang mga pelikula
GORGY RULA
Nakakainis si Susan Africa bilang Aurora de Dios sa How To Get Away From My Toxic Family. Ang sarap sabunutan, ika nga.
Pero may mas matitinding kontrabida role na ginawa siya before, kagaya ng Olongapo… The Great American Dream (MMFF 1987) na pinagbidahan ni Jaclyn Jose, sa direksyon ni Chito Roño.
Pagbabalik-tanaw ni Susan, “After that, na-typecast ako. Nagkaroon ako ng roles na laging salbahe, laging mean to the point na sabi ko, ‘I think, tama na! Hindi na ako nagiging magandang role model.’
“So for one year, hindi ako tumanggap ng project na salbahe.”
SUSAN AFRICA, THE "UBO" QUEEN?
Saka naman dumating ang papel niya bilang Susan Davis sa Mara Clara (Agosto 1992-Pebrero 1997) starring Judy Ann Santos and Gladys Reyes.
Tumatak kay Susan ang papel na nagkakasakit at umuubu-ubo.
Nilinaw niyang hindi siya umuubo sa Mara Clara. Paano na-identify sa kanya ang pag-ubu-ubo?
“Hindi ko alam. Actually, hindi ko alam. Wala akong naalalang role na umuubo ako except for one guesting sa isang Vice Ganda Lenten special,” saad ni Susan.
“Yun lang, yun lang. Pero the rest… hay! Nagkaroon tuloy ng commercial. Ha! Ha! Ha!”
Sa totoong buhay ay hindi raw siya sakitin.
INTERNATIONAL SCREENINGS
Nakatakdang ipalabas ang How To Get Away From My Toxic Family sa Hulyo 30, Miyerkules, exclusive sa SM cinemas.
Bida rito si Zanjoe Marudo, at nasa cast din sina Richard Quan, Sherry Lara, Kim Rodriguez, at Nonie Buencamino, sa direksyon ni Lawrence Fajardo.
Bago ang pagpapalabas ng How To Get Away From My Toxic Family sa SM cinemas ay may tatlo itong international screenings:
Hulyo 26, Sabado ng 6:00 P.M. sa Star Cinema DXB ng Al Ghurair Mall sa Dubai, UAE.
Hulyo 27, Linggo ng 6:00 P.M. sa Al Wahda Mall ng Abu Dhabi UAE.
Hulyo 27, Linggo ng 6:00 P.M. sa Ace Cinemas Rockingham ng Perth, Australia.
Kasado na rin ang international screenings nito next month:
Agosto 9, Sabado ng 5:00 P.M., at Agosto 10, Linggo ng 2:00 P.M. sa Club de l'Etoile Cinema sa Paris, France.
Agosto 9, Sabado ng 12:30 P.M., at Agosto 10, Linggo ng 12:30 P.M. sa Genesis Cinema London sa London, United Kingdom.
Agosto 9, Sabado ng 6:30 P.M., at Agosto 10, Linggo ng 4:30 P.M. sa Eye Cinema Galway sa Galway, Ireland.
Agosto 22, Biyernes ng 7:00 P.M. sa MJR Westland sa Westland, Michigan, USA.
Agosto 23, Sabado ng 2:30 P.M. sa AMC Westfield Garden State Plaza sa Paramus, New Jersey, USA.
Agosto 23, Sabado ng 2:00 P.M. at 5:00 PM sa Liberty Hall Theatre ng National City, San Diego, California, USA.
Agosto 24, Linggo ng 5:00 P.M. sa Bal Theatre, San Leandro, California, USA.
Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen
