PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo, sinabing "Papa" ang tawag sa kanya ni Alex Jazz

Dennis, inalay ang Best Actor award sa kanyang "commander in chief" at mga anak.
by PEP Troika
Published Jul 23, 2025
Dennis Trillo, ibinahagi na Papa ang tawag sa kanya ni Alex Jazz
Dennis Trillo, handang ipagtanggol si Alex Jazz sa bashers: "Siyempre kahit sinong tatay naman, kahit sinong ama, ganun din ang gagawing pagpoprotekta sa kanyang mga anak. Siyempre tungkulin yun ng isang tatay." Makikita sa kanang larawan ang bakasyon sa Hong Kong Disneyland nina Alex Jazz, Jennylyn Mercado, Dennis, Dylan, at Calix.
PHOTO/S: Lee Santiago

GORGY RULA:

Medyo bitin pa ang acceptance speech ni Dennis Trillo nang tinanggap niya ang kanyang tropeyo bilang Best Actor sa 8th EDDYS awards ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Hulyo 20, 2025, Linggo sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City.

Inalay niya ang kanyang award sa kanyang “commander in chief” o asawang si Jennylyn Mercado. Kasama raw doon ang mga anak niyang sina Dylan, Calix, at Jazz.

Sinabi sa amin ni Dennis na tunay na anak na talaga ang turing niya kay Jazz, ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia. Matagal na raw “Papa” ang tawag ni Jazz sa kanya.

Masaya silang magkasamang nagbakasyon sa Europe noong nag-tape sila ng ilang mahahalagang eksena para sa Sanggang Dikit FR.

Hindi lang pinalagpas ni Dennis ang ilang komento kay Jazz na hindi niya nagustuhan.

Bilang ama, sabi niya, kailangang nandiyan daw siya para ipagtanggol si Jazz lalo na’t sa kalagayan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre kahit sinong tatay naman, kahit sinong ama, ganun din ang gagawing pagpoprotekta sa kanyang mga anak.

"Siyempre tungkulin yun ng isang tatay," pakli ng Kapuso actor.

Read: Hugo Sotto, papasukin na rin ba ang showbiz?

NOEL FERRER:

Masaya na ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang mga anak, at wala raw muna silang balak na sundan ang bunso nilang si Dylan.

Nae-enjoy pa raw nila ang pag-aalaga sa kanilang anak, at naka-focus din sila sa trabaho lalo na’t magkasama pa silang nagte-taping sa Sanggang Dikit FR.

"Hindi pa. Wala pa sa plano ngayon. Nag-focus lang kami na tumutok dito sa aming bunso.

"Gusto namin ibigay yung atensyon namin at oras sa kanya habang lumalaki siya, and hindi pa namin naiisip yung sundan siya," pakli ni Dennis.

Read: Maggie Wilson not mad anymore at Victor Consunji

JERRY OLEA:

Bahagi pa ng acceptance speech ni Dennis Trillo bilang best actor sa 8th EDDYS para sa pelikulang Green Bones, “Maraming salamat po, lalung-lalo na sa pagpapahalaga sa mga trabahong ginawa namin nitong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, ito pong mga performances na ito ay hindi magagawa nang mahusay kung hindi dahil sa guidance ng isang napakagaling na master storyteller sa likod ng kamera na si Direk Zig Dulay.

"Dahil ito sa kanya at sa lahat ng mga taong nagtulung-tulong upang pagandahin ang proyektong ito na karamihan sa kanila, mas mahirap pa kaysa ginagawa naming trabaho.

"Kaya maraming salamat po. Maraming salamat sa mga nanonood ng sine ngayon, gumagastos, pumipila, bumibili ng tiket.

"Maraming salamat po sa aking inspirasyon sa buhay, ang aking pamilya…"

Kinilala rin si Dennis sa 8th EDDYS bilang isa sa Box Office Heroes ng 2024.

Ang delayed telecast ang 8th EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 27, Linggo sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at may worldwide streaming sa iWantTFC.

Ang 8th EDDYS ay presented by Playtime PH, in partnership with Newport World Resorts and ABS-CBN. Co-presented ito ng Globe, Sound Check, and Unilab.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo, handang ipagtanggol si Alex Jazz sa bashers: "Siyempre kahit sinong tatay naman, kahit sinong ama, ganun din ang gagawing pagpoprotekta sa kanyang mga anak. Siyempre tungkulin yun ng isang tatay." Makikita sa kanang larawan ang bakasyon sa Hong Kong Disneyland nina Alex Jazz, Jennylyn Mercado, Dennis, Dylan, at Calix.
PHOTO/S: Lee Santiago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results