PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Max Eigenmann at Redd Arcega, may chemistry sa sexy comedy series

Maui Taylor, best friend ni Max sa Ninang.
by PEP Troika
Published Jul 24, 2025
Max Eigenmann and Redd Arcega, swak ang tambalan sa sexy comedy series na Ninang
Max Eigenmann, very happy sa positive feedback sa vertical drama series nila ni Redd Arcega, na may milyun-milyong views sa Facebook. Idinirek, isinulat, at iprinodyus ito ni Darryl Yap.
PHOTO/S: Vincentiments

JERRY OLEA:

Wagi ang vertical drama series na Ninang, starring Max Eigenmann and Redd Arcega, na pinost ng VinCentiments sa Facebook at YouTube.

Read: Max Eigenmann, hit ang unang pagbibida sa vertical series

Mas bongga ang views sa FB ng nasabing “pelikulang patayo” tungkol kina Ninang Jen at Alfred na sinulat, dinirek, at prinodyus ni Darryl Yap.

As of this writing, ang Episode 1 na may titulong “Pinakamahina,” na pinost sa FB noong Hunyo 18, Miyerkules ng 6:00 P.M. ay meron nang 30.7M views.

Ang Episode 2 na may titulong "Binyag," na pinost noong Hunyo 25 ay meron nang 19.8M views.

Max Eigenmann at Redd Arcega swak ang tambalan sa sexy comedy series na Ninang
Photo/s: Vincentiments

Ang Episode 3 na may titulong “The Secret Code,” na pinost noong Hulyo 2 ay meron nang 22.3M views.

Max Eigenmann at Redd Arcega swak ang tambalan sa sexy comedy series na Ninang
Photo/s: Vincentiments

Ang Episode 4 na may titulong “10 Commandments,” na pinost noong Hulyo 9 ay meron nang 7.8M views.

Max Eigenmann at Redd Arcega swak ang tambalan sa sexy comedy series na Ninang
Photo/s: Vincentiments

Ang Episode 5 na may titulong “Squirtle,” na pinost noong Hulyo 16 ay meron nang 21.4M views.

May special participation dito si Jasper Aron Dimaquibo bilang Rex, anak ni Ninang Jen, best friend ni Alfred.

Ang Episode 6 na may titulong “Tapa vs Tocino,” na pinost kahapon, Hulyo 23 ay meron nang 4.7M views.

May special participation dito si Patricial Ismael bilang Winona (“we know na”) — ka-batch nina Ninang Jen at Grace (ina ni Alfred, best friend ni Jen).

Na-“Coldplay” sina Alfred at Ninang Gen?!

Ang Episode 7 na may titulong "Son Swap” ay nakatakdang i-post sa Hulyo 30, Miyerkules ng 6:00 P.M.

Matutunghayan na ba natin dito ang gracious mother ni Alfred na si Grace (Maui Taylor)?

Magkakatikiman din ba si Grace at ang anak ni Jen na si Rex? Supposedly ay pitong episode lamang ang vertical drama series na Ninang.

Pero why kill the goose that lays the golden eggs, 'ika nga?! Ang dami pang puwedeng i-explore sa kuwentong ito.

For sure, inaasam ng masusugid na tagasubaybay na i-extend ang vertical series na ito. More! More! More!!!

Redd Arcega, Jasper Dimaquibo, and Max Eigenmann in vertical drama series Ninang
Redd Arcega, Jasper Dimaquibo, and Max Eigenmann in vertical drama series Ninang
Photo/s: Vincentiments

Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”

NOEL FERRER:

Dumalo si Max Eigenmann sa 8th EDDYS noong Hulyo 20, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Ani Max, natutuwa siya sa response ng mga tao sa first comedy project na pinagbidahan niya.

Nadagdagan ang mga lalaking tumitingin sa kanyang account sa Instagram at Facebook.

Isiniwalat din ni Max na iyong isang anak niya at anak ni Maui ay schoolmates, kaya swak ang papel nilang mag-BFF sa Ninang.

Maui Taylor and Max Eigenmann play best friends in vertical series Ninang
Photo/s: Vincentiments

Siyanga pala, inilunsad ang Cignal Play Microdrama app noong Hulyo 16, Miyerkules sa Cignal Launchpad Lobby ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.

Libreng mapapanood sa nasabing app ang first 5 episodes ng apat na vertical drama series:

  • My Father’s Last Wish (50 episodes) starring Dylan Menor, Johnny Revilla, Gerald Madrid, Alex Medina, and Dawn Chang.
  • I See You (46 episodes) starring Dimples Romana, Joem Bascon, Cedrick Juan, Pearl Gonzales, Glenda Garcia, and Zion Cruz.
  • 3 Queens and A Baby (45 episodes) starring Christian Bables, TJ Valderrama, Iyah Mina, Daniela Stranner, Donna Cariaga, Christian Vasquez, and Iven Lim
  • A Baker’s Heart (50 episodes) starring Queenay Mercado, Paulo Angeles, Ramon Christopher, Dani Porter, Mitoy Yonting, Raul Montesa, and Tommy Alejandrino.

Kung ang mga vertical drama series na ito ng Cignal Play ay at least 45 episodes… dapat lang na i-extend ng VinCentiments ang kuwento ng Ninang!!!

Read: Eat Bulaga! addresses mix-up in OPM Female Clones results

GORGY RULA:

Ang bilis din ni Direk Darryl Yap na nakagawa siya kaagad nitong vertical drama pagkatapos ng kontrobersyal na pelikula niyang Pepsi Paloma.

Maipalabas pa kaya ang Pepsi Paloma movie na ang target playdate noon ay Pebrero 5, 2025? Itanong na lang natin sa buwan!

Hindi lang itong Ninang nina Max Eigenmann at Redd Arcega ang ikinatutuwang pinapanood ngayon sa telepono. Marami na. Karamihan ay mga BL series.

Pero magaganda ang mga vertical series na inilunsad sa Cignal Play Microdrama. Nasimulan ko nang sinubaybayan ang nakakaaliw na 3 Queens and a Baby nina Christian Bables, Iyah Mina, at TJ Valderrama na napakagaling dito.

May 45 episodes ito, pero napakabilis lang panoorin ang bawat episode na wala pang limang minuto. Kaya maganda siyang pantanggal-bagot kung nata-traffic ka o meron kang hinihintay.

Marami nang mga artistang gumagawa ng vertical drama.

Sabi nina Christian, Alex Medina, Gerald Madrid at iba pang artistang kasali sa Cignal Play Microdrama, hindi naman daw sila natatawaran na pang-microdrama ang kanilang talent fee.

Ang nakakapangamba lang dito ay baka tuluyan na talagang patayin ang mga pelikula natin sa sinehan at pati na rin ang mga programa sa telebisyon.

“Sana huwag!” bulalas ni Christian Bables.

“Sa panahon po ngayon, lahat naman puwedeng mangyari e. Pero sana huwag, lalo na po ang film industry natin ngayon. Sana huwag!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Eigenmann, very happy sa positive feedback sa vertical drama series nila ni Redd Arcega, na may milyun-milyong views sa Facebook. Idinirek, isinulat, at iprinodyus ito ni Darryl Yap.
PHOTO/S: Vincentiments
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results