JERRY OLEA
Naligwak agad sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang Pagtatag! The Documentary.
Kahapon, Hulyo 24, 2025, Huwebes, ay nag-debut sa fifth place ang documentary tungkol sa SB19.
Ngayong Biyernes, Hulyo 25, ay laglag na ito sa Top 10 Movies ng Netflix PH.
Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup
Iyong Thai supernatural film na The Red Envelope ay waley sa Top 10. Kuwento iyon ng police informant na si Menn na ikinasal sa multong bakla na si Titi (PP Krit Amnuaydechkorn).
Ang gumanap na si Menn ay ang 25-anyos na si Billkin o Putthipong Assaratanakul, na nagbida bilang M sa How To Make Millions Before Grandma Dies (2024).
May butt exposure si Billkin sa The Red Envelope. Makinis ang kanyang wetpaks, huh?!

UPCOMING PINOY MOVIES ON NETFLIX
Tatlong pelikulang Pinoy ang nasa Top 10 pa rin — ang Lilim mula pa noong Hulyo 18; ang My Love Will Make You Disappear mula pa noong Hulyo 11; at ang Un-Ex You mula pa noong Hulyo 4.
Iyong Sakaling Hindi Makarating ay nasa Top 10 mula Hulyo 12 hanggang 19.
Streaming na sa Netflix ang horror movie ni Jodi Sta. Maria na Untold umpisa Hulyo 31, Huwebes.
Nasa cast din ng Untold sina Joem Bascon, Juan Karlos Labajo, Gloria Diaz, Mylene Dizon, Sarah Edwards, at Lianne Valentin, sa direksiyon ni Derick Cabrido.
Read: Is Jimuel Pacquiao engaged; expecting a baby with rumored fiancee?

Sa susunod na buwan ay kasado na ang Netflix streaming ng apat na pelikulang Pinoy:
Agosto 1 — Mga Mister ni Rosario (2018) starring Joross Gamboa and Kate Alejandrino, directed by Alpha Habon.

Agosto 12 — The Last Goodbye (2025) starring Daniela Stranner and Matt Lozano, directed by Noah Tonga.

Agosto 14 — Isolated (2025) starring Yassi Pressman and Joel Torre, directed by Benedict Mique.

Agosto 21 — One Hit Wonder (2025) starring Sue Ramirez and Khalil Ramos, directed by Marla Ancheta.
Read: Mga hurado ng OPM Female Clones, napuna ang mix-up sa winner

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Kpop Demon Hunters
- Singsot
- Wall to Wall
- Lilim
- Brick
- My Love Will Make You Disappear
- Ziam
- A Normal Woman
- Un-Ex You
- The Old Guard 2
NOEL FERRER
Six consecutive days nang nangunguna ang Pinoy adaptation ng It’s Okay To Not Be Okay sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — mula Hulyo 20, 2025, Linggo hanggang Hulyo 25, Biyernes.

Kahapon at ngayon ay pasok sa Top 10 TV Shows ang original It’s Okay To Not Be Okay (2020) na tinampukan nina Kim Soo-hyun, Seo Yea-ji, at Oh Jung-se.
Mapapanood na ang remaining five episodes ng second and final season ng The Sandman.
Sa Agosto 6 ay streaming na ang second season ng Wednesday. Ni-renew na ito para sa third season.
Majority sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH mula Hulyo 21, Lunes, hanggang ngayon ay animated.
Read: Filipino family faces discrimination at Sagrada Familia in Spain
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- It’s Okay To Not Be Okay (2025)
- Untamed
- My Melody & Kuromi
- I Was Reincarnated As The 7th Prince So I Can Take My Time Perfecting My Magical Ability
- Kaiju No. 8
- Squid Game
- The Fragrant Flower Blooms With Dignity
- Sakamoto Days
- Wind Blower
- It’s Okay To Not Be Okay (2020)
GORGY RULA
Na-maintain pa rin ng Pinoy adaptation ng It’s Okay To Not Be Okay ang No. 1 trending sa Netflix Philippines.
Pero hindi nga lang pumapalo ang ratings nito sa free TV. Pababa pa siya nang pababa.
Kung naka-7.5% sa pilot episode nito, noong Miyerkules naman ay naka-6.3% na lang ito.
Nanatili namang 8.5% ang katapat nitong Sanggang Dikit FR.
Ang obserbasyon namin sa bagong drama series na ito ng Dreamscape — hindi siya pangmasa.
Parang hindi nakaka-relate ang masa sa kuwento, kahit maganda ang pagkakagawa.
May mga kuha pang ang laki ng tanda ni Anne Curtis kay Joshua Garcia, kasi ang bagets pa rin talagang tingnan dito ng Kapamilya actor.
Kung si Julia Barretto siguro ang gumanap ditong Mia Hernandez, mas swak.
Kung si Anne naman, baka puwedeng mga tipo ni Alden Richards o Daniel Padilla ang mas bagay gumanap na Patrick.
Pero magagaling silang lahat, at nakikita talaga ang effort ng Dreamscape na pagandahin itong mala-K drama pa rin ang look.
Ang ganda ng mga location, pati ang kulay at hindi siya tinipid.
Sana, ganun din ka-glossy ang ibang malalaking drama series na gagawin ng GMA-7.
Ginawang sosyal ang Beauty Empire, pero nakukulangan ako sa production design at hindi siya kasimpulido ng It’s Okay To Not Be Okay.
Pero ang bongga rin ng Beauty Empire nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara dahil consistent namang mataas ang ratings at nangunguna rin sa VIU.
Read: Heart Evangelista defends Marian Rivera after a netizen compared them
