PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Rodriguez, deadma sa pagkaka-link niya sa mga pulitiko

Kim Rodriguez, itinanggi ang pagkakaugnay kay Cong. Albee Benitez
by PEP Troika
Published Jul 25, 2025
kim rodriguez
Kim Rodriguez on rumors linking her to politicians: "Mas okay yung tahimik na lang. Kasi kahit ano mang paliwanag mo, parang hindi naman sila maniniwala sa iyo. Lahat pa rin po may sagot. Mas pinili ko na lang pong manahimik.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ayaw nang sagutin ni Paolo Contis ang pasabog ni Yen Santos sa YouTube tungkol sa kanyang pinakahuling nakarelasyon.

Bahagi ng pahayag ni Yen: "Napakalaking blessing na natapos na yun. Malaking blessing na nagising na ako doon sa nightmare na yun and I walked away.

"Kasi hindi talaga worth it. It wasn't worth wasting my time, my energy, sa someone na kinu-control ka, mina-manipulate ka.

"That kind of life drains you, and you lose yourself in the process. So, hindi mo gugustuhin talaga yung ganun klaseng buhay.

"And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo yung sarili mo talaga."

Walang binanggit na pangalan si Yen, pero sa pagkakaalam ng publiko, ang huling nakarelasyon niya ay si Paolo.

“Hamona!” matipid na text sa akin ng Kapuso actor nang hingan namin ng reaksiyon.

Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Yen ang isyu sa kanila ni Chavit Singson. Pero may mga nagtanong sa akin, bakit yung kay Chavit lang daw ang sinagot ng aktres.

Bakit hindi raw sinagot ni Yen ang pagkaka-link din niya kay Congressman Albee Benitez?

Si Ivana Alawi ang maingay na nasangkot sa isyu kay Congressman Albee, pero lumulutang din ang pangalan ni Yen, pati sina Kim Rodriguez at Angeli Khang.

Read: Yen Santos quashes alleged love child with Chavit Singson

KIM RODRIGUEZ ON BEING LINKED TO ALBEE BENITEZ

Tamang-tama namang nakatsikahan namin si Kim Rodriguez nang naimbitahan ang PEP Troika sa special screening ng pelikulang How To Get Away From Your Toxic Family na ginanap sa SM The Block noong Lunes, July 21, 2025.

Magiliw niyang sinagot ang intrigang ito.

Hindi raw totoo.

Si Ogie Diaz ang manager ngayon ni Kim at siyang nag-produce ng pelikula na magso-showing na sa July 30, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong lumabas daw ang intrigang nag-uugnay sa kanya kay Congressman Albee, humingi si Kim ng payo sa mga taong malapit sa kanya.

Sabi ni Kim, “Since nga nandiyan si Tito Ogie, humingi ako ng advice kung anong tamang gawin. 'Alam mo naman na hindi totoo, so deadma.'”

Tila nakasanayan na raw niya ang mga ganitong intriga, kaya ayaw na lang niyang magpaapekto.

“Ayun nga, kailangan mo lang intindihin, kailangan mo lang isipin yung sarili mo," pakli ni Kim.

"Kasi kung iisipin mo yung mga bagay na hindi mo kayang kontrolin, talagang mai-stress ka lang po.

“Actually, first time ko yun. So, ano ba yung gagawin ko? So, dinedma ko na lang talaga din yun.

“Kasi, kagaya nga po ng sinabi niyo kanina, mas okay yung tahimik na lang. Kasi kahit ano mang paliwanag mo, parang hindi naman sila maniniwala sa iyo.

“Lahat pa rin po may sagot. Mas pinili ko na lang pong manahimik.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kay Congressman Albee ay naugnay rin si Kim kay Bulacan Governor Daniel Fernando, pero dinedma lang din ito ng aktres.

Read: Kim Rodriguez unbothered by rumors of her dating Gov. Daniel Fernando

NOEL FERRER

Dagdag na kuwento ni Kim Rodriguez, nasa FPJ’s Batang Quiapo pa raw siya nang nasangkot siya sa ganoong mga intriga.

Pati ang bida at direktor ng FPJ's Batang Quiapo na si Coco Martin ay pinayuhan din daw siyang huwag na lang itong pansinin.

“Sabi nga po ni Direk Coco, advice sa akin, parang, ‘Hayaan mo sila mag-isip kung ano talagang totoo. Maging mysterious na lang hanggang pagtagal, hindi nila alam kung ano talaga.’

“So sabi ko, ayun, ‘Thank you, Direk, sa mga advice,’ kasi first time ko talaga yun.

"At saka nung panahon na yun, nasa Batang Quiapo. So, okay naman,” sabi ni Kim.

Tinanong din namin si Kim kung napormahan o naligawan na siya ng isang pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro mga kakilala ko lang din. Ngayon po kasi kaga-graduate ko lang kaya dun ako mag-focus,” tugon ni Kim.

JERRY OLEA

Ang tinutukoy ni Kim Rodriguez ay ang pagtatapos niya ng kursong Culinary Arts.

Mahilig daw talaga siyang magluto at balak niyang magtayo ng coffee shop.

Lahad niya: “Nung after ko po mag-Batang Quiapo, nag-enroll po ulit ako ng Culinary, tinapos ko po yung pag-aaral ko.

“Matatawag na po bang chef? Kasi kaga-graduate ko lang po last month.

“Sabi ko nga, yung hilig ko is magluto talaga. Kahit hindi pa ako nag-aaral before, super luto talaga ako.

“Nagtatanong ako sa mga kasama ko sa bahay kung papaano magluto ng ganito, ganyan.

“So, parang binabalak ko rin po talaga for now kahit po coffee shop, kasi kahit sa culinary po hindi lang pagluto ng ulam.

“Meron siyang baking, pinakanagustuhan ko kung papaano siya magluto ng pizza, sourdough.

“Mga breads po talaga yung nagustuhan ko. So, baka po magtayo ako ng coffee shop.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang laki ng iginanda ngayon ni Kim. Kung mabibigyan siya ng chance, gusto ba niyang magka-show ulit sa GMA-7?

“Kung ako po ay mabibigyan ng pagkakataon, e, magkaroon pa uli ng isang show sa GMA, isang karangalan po yun.

“Nami-miss ko rin po yung mga kasama ko dun. Nakaka-miss talaga sila,” nakangiti niyang pahayag.

Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Rodriguez on rumors linking her to politicians: "Mas okay yung tahimik na lang. Kasi kahit ano mang paliwanag mo, parang hindi naman sila maniniwala sa iyo. Lahat pa rin po may sagot. Mas pinili ko na lang pong manahimik.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results