PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Sison concert sinuportahan nina Nonoy, Rey, Martin, at Vice

Vice Ganda, nanigas sa concert ni Marco
by PEP Troika
Published Jul 26, 2025
Marco Sison, Nonoy Zuniga, Rey Valera, Martin Nievera, Vice Ganda
Todo-suporta ang mga kaibigan ni Marco Sison (main photo, gitna) na sina Nonoy Zuniga (main photo, kaliwa) at Rey Valera (main photo, kanan). Special guests din ni Marco sina Martin Nievera (upper right inset photo, kaliwa) at Vice Ganda (lower right inset photo, kaliwa).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakaaliw ang paggi-guest nina Nonoy Zuñiga at Rey Valera sa Marco Sison: Seasons of OPM concert noong Hulyo 25, 2025, Biyernes ng gabi sa The Theater at Solaire, Asean Avenue, Parañaque City.

Naunang nag-duet sina Nonoy at Marco Sison ng "Never Ever Say Goodbye."

Walang kamatayan ang pagbibiro sa nakatungkod na si Nonoy na bilis-bilisan sana ang pag-exit nito.

Afterwards ay nag-duet sina Rey at Marco ng "Kung Kailangan Mo Ako." Kasunod niyon ay ang banter nilang tatlo.

Sabi ni Rey, mapupuno talaga ang concert ni Marco. Katwiran ni Rey, “Merong dalawang grupo na hindi talaga siya pababayaan, at palagi siyang sinusundan kahit saan siya mag-show.”

Sundot ni Nonoy, “Nakakalat sila dito ngayon.”

Dagdag ni Rey, “Ang grupo na iyon, ang tawag ay ASIM at saka yung isa ay ALAT. Yung ASIM, ibig sabihin, Asosasyon at Samahan ng Inano ni Marco.”

“Anong inano?” tanong ni Nonoy.

Tugon ni Rey, “Bahala na kayo! Bahala na kayo. Yung ALAT naman, palagi ring nakasunod iyon. Ang tawag doon ay Asosasyon ng mga Lalaking Ayaw sa Tirador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, sinusundan ka palagi nun!” bulalas ni Rey kay Marco.

Bumanat din si Marco, “Sa ngayon po, tayo, Hitmakers… dati ho, lima kami. Yung dalawa, sinundo na ni Lord.”

Ang dati nilang kasamahan ay si Rico J. Puno na pumanaw noong Oktubre 30, 2018, at si Hajji Alejandro na yumao noong Abril 21, 2025.

Sabi ni Rey, “Kaya naisip ho namin na magpalit na ng pangalan — gawin nang The Survivors.”

Matapos ang spiels ay nag-a capella silang tatlo ng kantang "Kapalaran" bilang pagpupugay kay Rico J. Kapagkuwan ay inawit ni Marco ang "Nakapagtataka" bilang tribute kay Hajji.

Video: Jerry Olea (video) / Rommel Llanes (edit).

NOEL FERRER

Panauhin din sa Marco Sison: Seasons of OPM concert si Martin Nievera.

Biniro ni Martin si Marco na parang armchair ang bagong suot nito.

Sabi pa ni Martin kay Marco, “You are the debonair balladeer with your original hair singing in Solaire. Isn’t he great?

“When I found out magso-solo concert ka, I was so excited! Kasi you know, the plan of Gary V and I… is when we get older…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambot ni Marco, “You’ll join the…”

“Hitmakers!” sey ni Martin.

“We’ll call it The Fabulous Prostates. It’s gonna be a great show, a meeting of great minds.

“But all jokes aside, there is no balladeer, no voice, no singer, no charming personality like you.”

“Grabe naman,” sambit ni Marco.

Pagpapatuloy ni Martin, “There’s only one Marco Sison. There’s only one, thank God!

“Because if there were two of you, armchair and a couch.”

Hirit pa ni Martin, yung concert ni Marco ay puwedeng tawaging Sisons of OPM, o kaya, Marco Pa Rin.

“Marco pa rin! Marco pa rin!” pag-chant ni Martin, na ginaya ng audience.

Read: Marco Sison asked about concert fees of Martin Nievera, Vice Ganda

GORGY RULA

Kapag produced ng EchoJam ang concert kagaya nitong kay Marco Sison, nabibigyan ng chance ang mga talent nila na magagaling naman.

Front act ang mga promising singers nilang sina Isha Ponti, Andrea Gutierrez, at David Young.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinromote ni Isha ang latest single niyang "Dyahe" na siya ang nag-compose at in-arrange ni Adonis Tabanda.

Si Andrea Gutierrez naman ay kinanta ang single din niyang "Naghihintay" na nasa Spotify na at iba pang digital platforms.

Iba rin naman ang style ni Andrea na mala-Sitti ang dating.

Si David Young ang isa sa inilunsad ng Star Music kung saan pino-promote din ang latest single niyang "Tender Lady."

Mala-Frank Sinatra at Elvis Presley ang dating ng bagets na ito.

Si David ay nag-perform din sa 8th EDDYS Awards ng SPEEd nung nakaraang Linggo, July 20.

Mapapanood ang 8th EDDYS bukas, Hulyo 27, Linggo ng 10:45 PM sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, at may worldwide streaming ito sa iWant.

Presented ito ng Playtime PH in partnership with Newport World Resorts and ABS-CBN. Co-presented ito ng Globe, Sound Check and Unilab.

Napaka-supportive kay Marco ng special guests niyang sina Nonoy Zuniga, Rey Valera, Martin Nievera, at Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napasabak ang Unkabogable Star sa kantahan, kaya talagang kabado raw siya nang husto.

Binanggit ni Vice na mahilig siya talaga mag-perform pero pagdating sa kantahan ay talagang kabado pa rin daw siya hanggang ngayon.

Para siyang nabunutan ng tinik pagkatapos nilang mag-duet ni Marco.

“Ang saya-saya ko, nakaraos din!” bulalas ni Vice Ganda.

“Pinakanta niya ako. Alam nyo naman hirap na hirap po akong kumanta. Pinakanta niya ako dahil concert daw ho ito, 'tapos pambabae pa. ''Tapos ang lakas ng ulan 'tapos ganito ang suot ko. So, naninigas po ako,” sabi pa ni Vice.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todo-suporta ang mga kaibigan ni Marco Sison (main photo, gitna) na sina Nonoy Zuniga (main photo, kaliwa) at Rey Valera (main photo, kanan). Special guests din ni Marco sina Martin Nievera (upper right inset photo, kaliwa) at Vice Ganda (lower right inset photo, kaliwa).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results