GORGY RULA
Kinansela ng isang malaking kumpanya ang alok nila sa isang sikat na aktres na mag-endorso ng kanilang produkto.
Maganda ang offer nila na halos PHP10M ang kontrata ng endorsement.
Ilang linggo silang naghintay ng sagot sa offer, pero waley! Pinasa-pasa raw sila sa kung sinu-sinong tao hanggang sa nairita ang kliyente, hindi na lang nila itinuloy.
Ewan kung totoo, pero ang isa kasi sa nakarating sa kanila ay gusto raw ng mister ni Aktres na isa ring kilalang male celebrity na i-package deal sila.

Ang mister na raw ang sinusunod ni Aktres, kaya hindi rin makapag-decide ang management team nito.
Sa totoo lang, nababaitan kami kay Male Celebrity, pero may naririnig kaming kuwentong siya na raw halos ang nagpapatakbo ng career ni Aktres.
Sabi raw ng kumpanyang nag-alok sa kanila, isa lang talaga ang gusto nilang endorser, at hindi couple. Since wala silang natatanggap na sagot at pinagpasa-pasa sila kung kani-kanino, kinansela na lang daw nila.
Sa halip ay isang sikat na South Korean actor na raw ang kinuha dahil halos ganoon din daw ang budget nito.
Abangan natin bago matapos ang taong ito at darating si South Korean Actor para i-promote ang naturang kumpanya.
JERRY OLEA
Matagal-tagal na yung huling pelikula at regular TV show ng sikat na aktres, pero kinukuha pa rin siyang endorser ng mga produkto.
Palibhasa, maganda ang image ni Aktres.
Mabubuhay nang mariwasa ang aktres at male personality kahit hindi magtrabaho ang aktres. May mga naipundar sila.
Pero PHP10M is PHP10M, huh!
NOEL FERRER
Hindi ako makapaniwala rito.
Parehong mabait sa akin ang dalawang taong ito. Basta sana, ok sila.
At ang take ko sa mga product endorsements o projects — kapag sa iyo, madulas, maayos, at mabilis ang daloy nito.
Kung hindi naman, baka mayroon pang ibang mga proyektong babagay at nakalaan talaga para sa iyo.
Ganoon na lang siguro.
